C H A P T E R 20シ︎

750 34 2
                                    

Pinilit kong kalimutan lahat ng gumugulo sa isip ko, inoff ko din yung phone ko para walang maka isturbo. Hindi nagtagal natapos din kami sa pagkain ng ice cream.

Lumabas na kami ng ice cream shop at nagsimula na namang maglakad kung saan saan, panay lang ang lingon ko sa mga shops na nadadaanan namin.

Sa dami ng mga shops dito hindi ko na alam kung saan kami papasok o pupunta, malapit na kami sa dulo, akala ko don na kami papasok pero mali ako.

Nauna si kuya Aldean sa paglalakad papalapit sa escalator, wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Gusto ko sanang magtanong pero hindi ko na nagawa pa dahil busy na naman sya sa pagpindot sa cellphone nya.

Don din pumasok sa isip ko kung may girlfriend na ba si Kuya. Pero mukhang wala, sa sobrang busy nya kasi sa trabaho, hindi malabong nakalimutan nya ng maghanap ng girlfriend.

Pero syempre engineer sya, marami syang nakakasalamuhang mga babae sa officie nila especially yung mga client nila imposible namang kahit isang babae wala syang naging client.

"May girlfriend ka na ba Kuya?" Tanong ko kay Kuya dahilan para tignan nya ko ng nagtataka.

"Why you're asking?" Takang tanong nya.

"I'm just curious, kanina ka pa kasi dotdot ng dotdot dyan sa phone mo." Inosenteng tanong ko

"Wala kong girlfriend." Nakangiting sagot nya.

"Wokey! San nga pala tayo pupunta?"

"Dito." Tipid na sagot nya

Hindi ko na nakita kung anong shop tong pinasukan namin dahil bigla nya na lang akong hinila papasok sa loob ng shop.

Gaya ng kanina pinagtitinginan na naman kami, yung mga saleslady at ibang namimili sa shop na toh ay halatang kinikilig sa presensya ng tukmol kong kuya.

Huminto kami sa harap ng isang sulok, puro sapatos ang nakalagay o sabihin na lang natin na nakadisplay don. Iisang klase lang sya ng brand pero iba't iba ang mga designs.

Nagtaka ako kung bakit kami nandito sa station ng pang babae, kasasabi nya lang na wala syang girlfriend pero bakit kami nandito.

Napailing na lang ako, naglakad ako ng konti, tumingin tingin ako ng mga sapatos. Mukhang maganda naman lahat.

Sa dami ng sapatos na naka display isa lang ang pumukaw sa atensyon ko, isa iyong kulay orange na sapatos na may konting white.

Napakaganda ng combination ng kulay, ang cute din ng style. Nakangiti kong kinuha yon at tinignang maigi. Napangiti pa ko ng maalala na sa tuwing bibili ako ng sapatos. Si Donny ang lagi kong kasama.

Sya din ang pumipili ng brand at design ng sapatos na bibilhin ko, bigla ko tuloy syang namiss ng dahil dito.

Napabuntong hininga ko ng dahil sa naisip ko. Hindi ko na dapat pang iniisip si Donny, gusto kong kalimutan sya kahit ngayon lang pero mukhang hindi yun mangyayari.

'Kelan ba kita makakalimutan?'

Umiling iling ako at binalik sa sapatos ang tingin, agad din naman akong nag angat ng tingin ng may makita akong sapatos.

Tinignan ko kung sino yung may ari ng sapatos na yon at nakita ko si kuya Aldean na nakatingin sakin at nakangiti. Tinignan ko sya ng natataka.

"Gusto mo ba yan?" Tanong nya ng makitang ibabalik ko na yung sapatos.

'Oo! Bakit bibilhin mo ba?'

"W-Wag na, wala kong perang pambayad dyan." Nakasimangot na sagot ko.

"Let's go sa counter ako na magbabayad nyan."

Napangiti ako ng dahil sa narinig ko, mabilis akong naglakad pasunod sa kanya at excited na rin dahil may bago na naman akong sapatos.

Hindi nagtagal nakarating na din kami sa counter, nakatingin na naman sila saming dalawa. Inilagay ni kuya yung mga napili nya don malapit sa counter.

Saka sya humarap sakin at kinuha yung sapatos na napili ko, nakatingin pa rin sya sakin kaya naman ngumiti ako ng malaki.

"Thank you." Ani ko saka ngumiti ulit.

Hindi nagtagal ay natapos din kami sa pagbabayad, syempre gaya kanina panay na naman ang lakad namin, napahinto lang kami ng magring yung phone ko.

Agad ko namang kinuha yung phone ko para tignan kung sino yung tumatawag, napabuntong hininga pa ko ng mabasa ko ang pangalan na lumalabas sa screen.

Donny's Calling....

Pinatay ko na lang yung call at nagpatuloy sa paglalakad, hindi pa man kami gaanong nakakalayo ng magring na naman yung phone ko.

Pinatay ko ulit yon hanggang sa nagpaulit ulit na lang, huminto si kuya at tinignan ako halatang nagtataka at naguguluhan na sya sa ginagawa ko.

"Sino ba yan?" Takang tanong nya

"W-Wala,tara na." Aniko

"Who's that Belle?" May diin ng tanong nya.

"Wala nga yan Kuya, tara na. Wag mo na lang pansinin." Kinakabahang aniko

"Tch! Answer me who's that? Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo sinasabi." Inis na talagang aniya.

Nagsisimula ng uminit ang ulo nya at umiigting na rin ang panga ng kuya ko, nagsisimula na kong matakot sa kanya, malakas na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko.

"Kuya, p-pwede bang sa bahay na lang natin yan p-pag usapan?"

"Fine! Pero sa isang kondisyon sasagutin mo lahat ng tanong ko." Masama na ang tingin nya sakin.

Tanging pagtango na lang ang nagawa ko, nagsisimula na kong kabahan, hindi ko alam kung paanong pag uusap ang gagawin namin ni kuya Aldean.

Kung ano anong klaseng tanong na naman ang pumapasok sa isip ko dahilan para lalo akong kabahan. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko.

Dahil siguradong magkakaroon ng world war III sa pagitan naming dalawa ni kuya mamaya. Huminga ko ng malalim at nagsimula ng sumunod kay kuya.

Nauuna na sya sakin. Halatang binibilisan nyang maglakad, nang mainip sya agad nyang hinawakan ang pulsuhan ko at mabilis akong  hinila.

Mabilis kaming nakarating sa parking lot, agad nya kong pinagbuksan at pinapasok sa loob ng kotse nya. Napayuko na lang ako.

Hindi ko na kayang tagalan ang mga titig ni Kuya Aldean, nang makapasok si kuya sa kotse nya at makaupo sa driver seats ay nagsimula na din syang magdrive pauwi.

Simula sa mall, naging tahimik kaming dalawa. Tanging malalakas na buntong hininga nya lang ang naririnig ko ngayon.

Ramdam kong nagpipigil sya ng galit, hindi ko alam kung galit nga ba talaga sya o nagtatampo lang. Hindi ko kaya na ganito kami ni kuya.

Sanay kasi akong lagi kaming nagkakausap, yung walang galit galit at tampuhan. Wala na kong nagawa kundi ang bumuntong hininga na lang din.

Hindi nagtagal nakarating na din kami sa bahay, bumaba na ko hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni kuya, agad akong pumasok sa bahay.

Nakatingin sakin si Dad kaya lumapit ako sa kanya at yumakap at humalik na rin sa pisngi nya. Nagpaalam din ako na aakyat muna ako sa taas para magbihis.

To be continue....

(A/N: Sorry late ang pag update ko, tinapos ko kasi yung mga activities sa school pasensya na🥺)

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now