C H A P T E R 11シ︎

830 55 4
                                    

HAPPY 18TH BIRTHDAY PRINCESS JENILLE SANTOS🥳

Dalia's Wish

Donny's POV

"Good morning Dalia." Pagbati ko ng makita kong gising na sya.

"Good morning din Donny! Ang aga mo namang pumunta dito sa hospital." Sabi nya habang kinukusot ang mga mata.

Maaga akong umalis sa bahay kanina, dahil sabi ko gusto kong pag gising nya ngayong umaga ay ako ang makikita nya.

"Syempre, gusto kong alagaan ka." Nakangiting aniko.

"Donny naman, masyado mo naman akong inaalagaan." Aniya na parang hindi gusto ang ginagawa ko.

Gusto kong alagaan si Dalia ng husto, ayokong mag aksaya ng panahon, dahil ang gusto ko lang ay ang makasama at maalagaan si Dalia ng maayos.

"Dapat lang Dalia, matagal ko na nga dapat tong ginawa eh. Kung alam ko lang na may sakit ka." Sagot ko, hindi ko naiwasang hindi ipakita ang lungkot.

Nalulungkot ako sa katotohanang huli ko na nalaman ang lahat, huli ko ng nalaman na hindi pala maganda ang kalagayan nya.

"Kaya di ko rin sinabi sayo eh, kasi ayokong umikot yung mundo mo sa pag aalaga lang sakin." Malungkot na aniya.

"Dalia! Desisyon ko to na alagaan ka, kaya't sa ayaw at sa gusto mo. Hindi kita iiwan." Pagmamatigas ko.

Gusto ko sanang manatili dito para bantayan sya kagabi.

Kaso matapos naming mag usap kagabi ni Dalia ay kinausap din ako ni Tita Jeana na umuwi muna para makapag pahinga.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya, pagod din kasi ako dahil sa tagal ko ng walang tulog, palagi akong puyat.

Hindi lang dahil kay Dalia, kundi dahil na rin sa tanong at isipin na nagpapaulit ulit sa utak ko.

Gusto kong magpahinga pero hindi ko magawa, sa tuwing ipipikit ko yung mata ko pakiramdam ko may hindi maganda mangyayari kay Dalia.

Sakop ni Dalia ang buong isipan ko, nakalimutan ko yung problema sa pagitan namin ni Belle, ngayon ko na lang ulit naalala na kailangan ko pang bumawi kay Belle.

Pero hindi ko magagawa yon hangga't puro si Dalia ang nasa utak ko. Gusto kong magsisi na hindi ako kaagad gumawa ng paraan para magkabati kami ni Belle. Wala tuloy akong malapitan ngayon.

Nahihirapan na ko, si Belle lang ang kilala kong pwedeng tumulong sakin, pero paano ako lalapit sa kanya. Natatakot akong ipagtabuyan nya ko.

Natatakot din ako na baka hindi na kami magkaayos pa, nung gabing kinausap ako ni Tita Jeana, pumunta ko sa condo ni Belle.

Pero hindi ko sya nakita, sinabi sakin ng kaibigan nya na hindi pa sya umuuwi.

Kaya naman wala rin akong nagawa kundi ang umuwi na lang sa bahay at magpahinga.

"Donny tandaan mo, may mga kaibigan ka. Magsaya ka, umalis ka o di kaya gumala ka hindi yung palagi ka na lang nandito sa hospital at binabantayan ako." Sabi nya. Labag sa loob ko lahat ng sinabi nya.

Naiintidihan ko sya pero gusto kong manatili dito, gusto ko syang kasama lalo na ngayon alam kong anytime pwede syang mawala sakin ng tuluyan.

"Makasama lang kita Dalia, masaya na ko." Ani ko habang nakatitig sa kanya.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now