C H A P T E R 13シ︎

817 35 5
                                    

(A/N: Sa mga nagpapadedicate, wait lang kayo mga mars hindi ako makapag dedicate eh panira si Wattpad joke!)

Yakap

Belle's POV

Nang matapos akong magbihis, agad din akong lumabas ng kwarto, alam ko kasing hinihintay na ko ni Donny kaya nagmadali na ko.

Magpapaalam na sana ako kay Ash na aalis muna pero gulat ako ng makalabas ako ng kwarto ko, nakita ko si Donny na nakasandal sa couch at nakapikit.

Napailing na lang ako at dumeretso sa kitchen, tapos na si Ashley magluto, may kausap sya sa cellphone nya. Nilingon ko naman yon at nakita ko ang mga kapatid ni Ash.

"Hi ate Belle!" Sabay sabay na bati nila sakin.

"Hello!" Ani ko with matching kaway kaway pa.

Nilingon ako ni Ash at gulat sya ng makitang naka ayos ako, halatang gusto nyang magtanong kaya naman ngumiti ako sa kanya.

"Aalis ako, may bibisitahin lang ako sa hospital." Nakangiting paalam ko.

"S-Sino? Si lola ba?" Tanong nya sakin.

"Hindi, pero dadaan din ako don bago umuwi dito." Sabi ko.

"Sige, ingat ka." Aniya.

Matapos kong magpaalam sa kanya ay agad din akong naglakad palabas ng kitchen. Naglakad ako palapit sa natutulog na si Donny.

Dahan dahan akong lumapit at naupo sa tabi nya, napangiti pa ko ng makita ang mukha nya, malalim na siguro ang tulog nito.

Hindi man lang gumalaw eh, hindi nya man lang ako naramdamang umupo sa tabi nya. Malakas na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko.

"Donny, tara na." Pang gigising ko sa kanya.

'Ayy walang talab!'

Kinalabit ko sya, pero wala pa rin, dahan dahan ko syang niyogyog pero wala pa ring talab, isa na lang ang naiisip kong paraan.

Inilapit ko ng konti yung mukha ko at daliri ko sa ibabang bahagi ng ilong nya saka ko sya malakas na pinitik sa ilong.

"Aray! Fuck!" Sigaw nya matapos ko syang pitikin.

'Tagal mo kasing gumising eh!'

"Sorry, kanina pa kasi kita ginigising eh." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

'Napalakas ata yung pagpitik ko.'

Nakita ko ang pagbabago ng emosyon nya, umurong sya palapit sakin wala naman akong nagawa kundi ang umurong paatras.

'Anong binabalak mo? Gagahasahin nya ba ko? Taena wag ganito papayag naman ako magpagahasa.'

Umiling iling ako para mawala yung mga naglalaro sa utak, gusto kong magsisi sa ginawa kong pagpitik sa ilong nya.

Napatingin ako sa likod ng maramdaman kong wala na kong maatrasan. Agad kong ibinalik yung tingin ko kay Donny.

'Patay!'

Ngumiti ako sa kanya at bahagyang umiling iling pero hindi nagpapigil ang gago lalo pa syang lumalapit sakin habang nakangisi.

'Lunok pre, lunok.'

Nang tuluyang magdikit ang mga hita namin at halos isang daliri na lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko ay wala na kong nagawa kundi ang pumikit.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now