C H A P T E R 30シ︎

705 26 12
                                    

(A/N: Sagutin nyo to! Ilang years nyo gusto bago magkita Belle at Donny? 1year or 2? Or months?)

Belle's POV

Ibinalik ko sa brown envelop lahat ng papel nang makita kong palapit na sakin si Azri. Ngumiti ako sa kanya at tumayo na rin.

Ito na ang huling lakad namin sa loob ng campus para magpapirma, kailangan na lang naming bumalik sa registrar office para ibigay lahat ng requirements ni Azri.

Ngunit sa kasamaang palad nakita kong nakapila don ang mga barkada ni Donny, minsan ko pang sinilip kung magkakasama nga sila pero mukhang hindi.

Buo ang tropa nila, iisa lang ang kulang at yun ay si Donny, pero hindi pa rin buo ang simpatya ko dahil baka nauna lang si Donny sa loob ng pinaka office ng registrar.

"Azri, peram ako nyang jacket mo." Ani ko sa kapatid ko.

'Ibigay mo na sakin punyeta ka!'

Tinignan ko sya ng may pakikiusap, nagtataka pa nya kong tinignan. Nang hindi nya pa rin ibigay ay napagdesisyonan kong sya na lang ang mag isang mag abot nun sa registrar.

"Napakadamot mo, ikaw na lang mag abot nyan kay Ms. Santos." Ani ko at inirapan sya.

"Ikaw na Belle ang haba ng pila." Pagmamaktol nya.

"Tangina, anong tawag mo sakin?!" Inis na aniko.

'Tinawag akong Belle?'

"Sabi ko ikaw na magbigay don." Aniya.

Pahablot kong kinuha sa kanya yung mga requirements, wala akong choice kundi ang gawin ang gusto nya, lintek makikita ako nito eh.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng may tumawag sa pangalan ko, humigpit ang pagkakahawak ko sa mga papel.

"Belinda!" Tawag ulit sakin ng kung sino.

Hindi ako lumingon, nanatili lang akong nakahinto at hinihintay na lumapit sakin ang tumatawag, nang hindi ko maramdaman ay nagpatuloy na ko sa paglakad.

Hindi na ko sumiksik pa sa pila dahil iaabot ko lang naman tong requirements para matapos na at makauwi na kami.

Hindi ko na gugustuhing magtagal pa dito dahil baka dito pa kami magkita ni Donny, natatakot akong mangyari yon kaya gusto ko ng makauwi.

"Excuse me, Ms. Santos." Ani ko ng makapasok ako. "Ito na po yung mga requirements ni Azri."

"Kumpleto na ba? Na saan na ang kapatid mo?" Tanong nya, gusto ko syang irapan.

'Masyado ka ng matanda para sa kapatid ko!'

"Inutusan nya kong iabot to, pagod na raw ho kasi sya." Sagot ko at iniabot sa kanya ang mga requirements.

"Okay, enrolled na ang kapatid mo." Sagot nya.

Tanging pagtango na lang ang nagawa ko at mabilis akong lumabas ng office nya, nang makalabas ako ay pinili kong wag lingunin ang mga barkada ni Donny.

Alam ko na sila yung mga tumatawag sakin kanina. Hindi magandang tignan kung lalapit ako sa kanila. Alam ko kasi na kapag lumapit ako.

Hindi malabong sabihin nila kay Donny na nandidito ako. Pero mukhang hindi sumang ayon sakin ang tadhana dahil talagang lumapit sakin ang isang tropa ni Donny.

"Hey, kanina ka pa namin tinatawag." Ani Kenzo.

"Oo nga!" Ani naman ni Zairo.

"Di na namamansin tong si Belle." Panggagatong ni Kade.

'Kingina nyo!'

"P-Pasensya na, nagmamadali kasi ako." Pagpapalusot ko.

"Nandito ka ba para mag enroll?" Tanong ni Drake.

'Oo!'

Kailangan kong mag isip ng paraan para hindi nila masabi kay Donny na dito pa rin ako mag aaral, alam kong mag kocross pa rin ang landas namin pero hindi ito ang tamang panahon.

"A-Ahh, hindi." Sagot ko.

"What?!" Sabay sabay na tanong nila.

"So why are you here?" Tanong ni Gio.

'Ano nga ba?'

Muli akong nag isip ng magandang sagot sa tanong nya, hindi ko alam kung anong isasagot ko. Gusto ko ng umalis dito.

"Kinuha ko lang yung c-card at form ko para sa paglipat ko ng ibang school." Sagot ko.

Umiwas ako ng tingin at diretsong tumama yon kay Azri, salubong ang kilay nya habang titig na titig sakin. Malapit lang kami sa pwesto nya kaya hindi malabong narinig nya ang usapan namin.

"K-Kailangan ko ng umalis." Paalam ko sa kanila at mabilis na naglakad.

Lumapit ako kay Azri at inaya na syang umalis pero hindi sya kumilos. Napilitan akong hilain sya paalis, nakita ko pang nakatingin samin ang mga kaibigan ni Donny.

Napailing na lang ako sa kasinungalingang ginawa ko, alam ko namang maiintindihan nila ko kapag nag explain na ko.

Pati si Donny alam kong maniniwala din sya sakin kapag nakapagpaliwanag na ko. Hindi naging madali sakin ang mga nangyari.

Lalo nung mga panahong pinili nya si Dalia kesa sakin. Maalala ang mga scenaryong yun ang patuloy na dumudurog sa buo kong pagkatao.

Gusto kong magalit sa kanya pero alam kong wala namang magbabago, si Dalia pa rin ang mahal nya at hindi ako.

Mabilis kaming nakarating sa labas ng school, ngayon ko lang binitawan ang kamay ni Azri na kanina ko pa hila hila.

Hindi sya kumikibo, nanatili lang syang tahimik. Alam kong pinakikiramdaman nya ko pero wala ako sa wisyo para magpaliwanag.

Saka na ko magpapaliwanag kapag okay na ang lahat, nahihirapan pa ko sa ngayon lalo na't saming magkakapatid sya lang ang walang alam tungkol kay Donny.

"Saan tayo Ms. Belle?" Tanong ni Mang Canor ng makasakay kami sa kotse.

'Nagugutom na ko.'

"Sa mall ho Manong." Tipid na sagot ko.

Hindi naman na kumibo pa si manong Canor nag drive na sya papunta sa mall. Habang nasa byahe tanging malalakas na buntong hininga lang ang ginawa ko.

Gusto kong matulog pero ayaw makisama ng diwa ko, ang tagal ng byahe gusto ko ng kumain. Kumakalam na ang tiyan ko.

Sa sobrang dami ng nilakad namin ni Azri kanina hindi na namin napansin ang oras lampas na ng lunch at paniguradong hindi lang ako ang gutom.

Maging ang mga kasama ko, kahit hindi nila sabihin alam kong gutom na din sila. Hindi ko kasalanan yun, kasalanan ng mga pumipirma ng requirements napakalalayo ng mga room.

Halatang sinadya nila para mahirapan ang mga estudyante sa pagpapapirma. Buti na lang dahil walang papipirmahan sa requirements na ibinigay sakin.

Kamalas malasang naging traffic pagdating namin sa highway, gusto kong magmura sa inis kung kelan gutom na kami saka pa naging traffic.

Nakakapang init ng ulo, halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan, malapit lapit na kong bumaba para makarating sa mall.

Malapit na lang din naman pero kawawa naman tong dalawa kung iiwan ko, panigurado ding hindi magpapaiwan si Azri kapag bumaba ako. Kawawa naman si manong Canor kapag nagkataon.

To be continue....

(A/N:Gusto nyo na bang magkita si Donny at Belle?)

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now