C H A P T E R 45シ

593 36 3
                                    

Zairo's POV

'Hi! I'm Zairo Luis Rodriguez, but you can call me pogi, best friend ako ni Donny. Nice to meet you all.'

Naiwan akong tulala, umalis na kasi si Belle matapos kong banggitin ang pangalan ni Donny, hindi ko din maintindihan kung bakit parang iwas na iwas sya kay Donny ngayon.

Alam ko namang may gusto sya kay Donny, pansin ko at alam na ng buong barkada yun. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit iniiwasan nya ito.

Sobrang dami na nilang pinagdaanan, pero lagi nilang kasama ang isa't isa, kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang nagbago ang lahat.

Ayaw din ni Belle na sabihin ko kay Donny na bumalik na sya galing ng probinsya, gulong gulo tuloy ako sa mga nangyayari sa kanila.

Nakilala ko si Belle dahil kay Donny, gamay ko na rin ang ibang ugali na meron si Belle. Alam kong hindi sya lalayo kay Donny ng walang dahilan.

Alam kong mahal ni Donny si Belle, kaya walang dahilan para layuan sya nito. Pero naiisip ko rin minsan na baka nga wala talagang alam si Belle tungkol sa nararamdaman ni Donny dahil nga sa umalis sya at umuwi ng probinsya.

"Dre, anong ginagawa mo dito?" Ani Kenzo na hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sakin.

"N-Nagpapahangin." Sagot ko.

"TSH! Nauutal ka Dre, sino yung babaeng kasama mo dito kanina ha?!" Pang aasar nya sakin.

'Sasabihin ko ba?'

"Ahh wala yon." Pagsisinungaling ko

"Sige magsinungaling ka pa, huli na kita dre nakita ko na binigyan mo pa ng jacket yung babae." Aniya pa na nakangisi. "Kanina pa nga kayo tinitignan ni Donny eh, kasi parang pamilyar daw sa kanya yung babae." Dugtong nya pa.

"Hindi lang pamilyar, kilalang kilala nya pa." Pabuntong na sagot ko.

"Ano?" Takang tanong nya

"S-Si Belle, sya yung kasama ko kanina." Sagot ko, nababakas naman ang gulat sa mukha nya.

"Belle? Belinda Mariano?!" Aniya, tumaas pa ang boses nya dahilan para mapalingon samin ang ibang tropa.

"Tsk! Ang ingay mo naman! Baka mamaya marinig ka ni Donny." Ani ko.

"Bakit kung marinig nya? Umamin ka nga sakin! May relasyon ba kayo ni Belle?" Tanong nya dahilan para kumunot ang noo ko.

'Relasyon? Bobo to di ako nanunulot ng pagmamay ari ng tropa.'

"Pinagsasabi mo?!" Inis na ani ko

"Naku, umamin ka na huling huli ka na eh!" Aniya dahilan para batukan ko sya. "Aray!"

"Siraulo ka ba? Wala kaming relasyon!" Inis na ani ko. "Nakiusap lang talaga si Belle sakin na wag muna ipaalam kay Donny na nakabalik na sya. Pero nabanggit din namin kay Donny nakaraan kasi nakita namin si Belle sa school nakaraan kaso ang sabi nya may kinuha lang sya na kailangan nya sa paglipat ng school." Dugtong ko.

"Ahh....pero kung ayaw nyang magpakita kay Donny, bakit nandito sya ngayon?" Takang tanong nya.

'Malay ko, ako ba si Belle?'

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now