C H A P T E R 53シ

613 28 7
                                    

(A/N: Hi!! I just want to say thankyouu for reading this story. Malapit na po tayo sa katotohanan HAHAHAHA charot.)

Belle's POV

Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas sa room kung saan kami nag usap ni Donny. Pinunasan ko lahat ng luha na nagkalat sa mukha ko saka ako nagmadaling lumabas dahil late na naman ako sa klase ko.

Habang naglalakad ako may mga naririnig akong usap usapan ng mga estudyante na wala daw klase dahil may meeting ang ibang teachers.

Malapit na ko sa room ng matanaw ko si Donny na tulala lang sa tabi habang ang mga kaibigan nya ay nagtatawanan.

Gusto kong makonsensya pero alam kong kaya nya namang lampasan to, na lilipas din ang lahat. Ayoko syang saktan pero iyon lang talaga ang naiisip kong paraan para hindi sya madamay sa gulo ng pamilya ko.

Nang makarating ako sa tapat ng room namin ay dahan dahan akong kumatok at binuksan ang pinto para makita kung anong nangyayari sa loob.

Wala kasi akong naririnig na nagdidiscuss kanina nung naglalakad ako kaya hindi ko alam ang ginagawa nila.

"You're late." Ani Kuya Aldean na syang prof namin.

"S-Sorry Sir." Aniko.

Dahan dahan akong naglakad papasok, nakita ko syang mag angat ng tingin. Bakas ang gulat sa mukha nya ng makita ang itsura ko.

"Fuck!" Aniya at mabilis na tumakbo palapit sakin. "What happened?" Nag aalalang tanong nya.

Hindi naman ako nakasagot agad dahil sa mga kaklase kong titig na titig saming dalawa, nakaramdam ako ng hiya.

"Okay lang ako Sir." Ani ko.

"What happened? Sasabihin mo o tatawag ako kila Mom." Aniya na nakapagpakaba sakin.

"Kuya! Okay nga lang ako." Aniko hindi ko na naiwasan na hindi tumaas ang boses.

Dahil don lahat ng kaklase ko ay gulat dahil sa narinig nila, gusto kong matawa sa mga itsura nila pero dahil wala ako sa mood ay pinili ko na lang na manahimik.

Naupo na lang ako sa upuan ko at tumingin tingin sa labas ng bintana, hindi ko pwedeng sabihin kung ano talaga ang nangyari sakin kanina nang nandito lahat ng kaklase ko.

Maraming mga estudyante dito ang nagkakalat ng mga issue kaya naman ayoko na lang magsalita baka yon pa ang ikasira ng pangalan ng pamilya namin.

'Uso pa naman ang mga marites ngayon.'

Tahimik lang ako habang hinihintay na matapos ang oras ng klase, kahit na ang totoo ay wala naman talaga kaming klase.

Hindi pa natatapos ang klase sa umaga nang biglang pumasok ang student council president at iannounce na hanggang hapon ay wala ng klase.

Pabor sakin ang bagay na iyon dahil, tinatamad na kong pumasok. Simula ng malaman kong may nagtatangka sa buhay ng pamilya ko ay nawalan na ko ng gana sa pagpasok sa school.

Wala na kong nagawa kundi ang tumayo at lumapit sa teacher's table, magpapaalam na ko na uuwi na lang kesa mabulok dito kakahintay na mag uwian.

"Uuwi na lang ako Sir." Walang ganang aniko.

"Ihahatid na kita." Aniya pero agad akong umiling.

Wala naman syang nagawa kundi ang bumuntong hininga na lang, maglalakad na sana ko ng bigla syang magsalita.

"Ihahatid kita sa gate." Aniya at hinila ako.

Wala na kong nagawa pa kundi magpatianod sa kanya, hila hila nya pa rin ako hanggang sa pathway kaya naman pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng pakalat kalat.

"What the hell?"

"Bakit sila magkasama ni Sir Pogi?"

"Oh gosh! Nakakainggit!"

"Anong nakakainggit dyan? Eh mukhang dadalhin sya sa Dean's office."

"Tss." Tanging yon na lang ang naiusal ko.

Bahagya namang natawa si Kuya Aldean na halatang narinig ang bulungan ng mga estudyanteng nakatingin samin.

"Enjoy na enjoy mong tinatawag na Sir Pogi no?" Sarkastikong aniko.

"Tsh! Pogi ko daw kasi." Aniya at inakbayan ako.

Lalong lumakas ang bulungan ng mga estudyanteng nakakita samin, wala naman akong nagawa kundi ang umiling na lang.

Sigurado kasi akong iba ang nasa utak nilang lahat, kahit na ang totoo ay magkapatid kami nitong lalaking kinababaliwan ng mga haliparot na estudyante.

Hindi nagtagal ay nakarating na din kami sa gate, matagal ding nag usap si Kuya Aldean at yung guard na nagbabantay dito.

Nang matapos sila sa pag uusap ay agad akong lumapit sa kanya para magpaalam.

"Uuwi na ko, ikaw na bahala kay Azri." Aniko at maglalakad na sana ng bigla akong may maalala.

"Kuya este Sir, ikaw na lang din pala maghatid kay Azri mamaya. Wala kasi si Manong eh." Aniko. Tumango lang naman sya kaya naglakad na din ako paalis.

Naglakad ako papunta sa terminal ng taxi, hindi naman ako naghintay ng matagal dahil may dumating din agad na taxi.

Agad akong sumakay, sinabi ko na din sa kanya kung saan ang address ko. Habang nasa daan ay naalala ko ang nangyarin kanina kung paanong pagtataboy ang ginawa ko kay Donny.

Alam kong mali ang ginawa ko, pero yon lang talaga ang alam kong dapat kong gawin para mailayo ko sya sa kapahamakan.

Ang tanga ko lang sa part na hindi man lang ako nakapagpasalamat sa ginawa nyang pagligtas sakin, napakatanga ko.

Wala man lang akong utang na loob sa kanya, nagawa ko pa syang saktan samantalang sya ang nagligtas sakin kanina.

"Ma'am nandito na po tayo." Ani ng taxi driver.

Wala naman akong nagawa kundi ang bumaba na, dahil nga nandito na kami. Agad akong naglakad papasok sa condo ko.

Pumasok ako sa elevator paakyat sa kwarto ko, pero bago pa man ako makarating sa kwarto ko ay bumungad sakin ang lalaking nakaupo sa sahig sa gilid ng pinto ng kwarto ko.

Mukha itong nakainom, at halatang pagod na. Pinipigilan sya ng mga kaibigan nya sa pagkatok sa pinto ng condo ko.

'D-Donny...'

Hindi ako makagalaw, nakatitig lang ako sa kanila. Akala ko sapat na yung ginawa kong pananakit sa kanya kanina.

Pero mukhang hindi pa dahil nagagawa nya pa rin akong puntahan dito. Hindi ito yung Donny na kilala ko at nasasaktan ako sa katotohanang ako ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan.

"Belinda please! Kausapin mo ko!" Aniya habang nagpupumiglas.

Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko, agad ko namang pinunasan yon. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanila.

Agad naman akong nakita ni Kenzo kaya agad ko syang sinenyasan na ako na ang bahala.

Dahan dahan akong naglakad palapit kay Donny, halatang marami itong nainom dahil nakapikit na sya sa sobrang antok.

Wala na kong nagawa kundi ang utusan silang buhatin si Donny at ipasok sa loob. Medyo nahirapan pa silang ipasok dahil sa bigat ni Donny.

To be continue...

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now