C H A P T E R 29シ︎

700 36 4
                                    

School

Belle's POV

Mabilis kaming nakarating sa school kung saan kami mag aaral, bumaba na ko kaagad sa sasakyan. Sumunod naman sakin si Azri.

"Good morning Ma'am!" Bati ni Manong guard.

"Good morning Manong Guard." Balik na bati ko.

Hindi nya kami nilingon nung bumati sya kaya naman kita ko ang gulat sa mukha nya ng makita nya ko.

"Miss Belle, ikaw pala yan." Masayang aniya.

"Kamusta Manong?" Nakangiting tanong ko.

"Okay lang Miss Belle, mukhang may kasama ka ah. Nobya mo ba?" Tanong nya dahilan para matawa ko.

Nilingon ko si Azri na nakatingin lang sakin at minsang lilingon sa kausap ko, bahagya kong hinila ang kamay nya.

"Kapatid ko ho, si Azriel." Ani ko sabay senyas kay Azri.

"Good morning. I'm Azriel Eryx." Pakilala ng kapatid ko.

"Kinagagalak kong makilala kayo Ser." Nakangiting ani manong guard.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na din ako kay Manong Guard, pansin ko kasi ang pagdami ng mga pumapasok na mag eenroll din.

Baka mahaba ang magiging pila kung hindi pa kami aalis dito kaya nagpaalam na ko kay Manong. Mabilis akong naglakad papunta sa registrar office.

Nang makapasok kami ni Azri sa office ay pansin ko ang pagtitig ng mga babae samin hindi rin nawala ang mga mahaharot na puro pagpapacute ang ginagawa.

Napailing na lang ako ng maisip kung sino ang tinititigan at pinag uusapan ng mga haliparot na kasama namin dito sa office.

Hindi ko na lang pinansin pa yon at naglakad na palapit sa bakanteng upuan, dalawa na lang ang bakanteng upuan, bahagya ko pang sinenyasan si Azri na maupo na.

Habang naghihintay sa pag usad ng pila, hindi ko maiwasan na hindi tignan ang mga babaeng wala pa ring tigil sa pagbubulungan at pagngiti ngiti sa katabi ko.

Nililingon ko rin ang kapatid kong parang walang pakialam sa mundo dahil tutok to sa pagpinto sa cellpho–

'Wait selpon ko ba yan?'

Bahagya akong lumapit at tinitigan ng maigi ang phone na hawak nya, ng makita ko ng maayos ay nagulat ako ng makilala ko kung kaninong phone nga ang hawak nya.

'Napaka pakialamero ng walang hiya.'

Masama ang tingin ko sa kanya, mukha naman wala syang pakialam kaya naman dahan dahan akong lumapit at hinablot yun sa kanya.

"Selpon ko to ah!" Inis na ani ko.

"Pahiram lang." Aniya at nag pout pa.

Tinignan ko lang sya ng masama, tinignan ko ang phone ko at gulat ako ng makitang nasa gallery yon at mukha namin ni Donny ang nakalantad don.

"Who's that guy?" Tanong nya na nakapagpatigil sakin, kita ko ang lungkot sa mga mata nya.

"W-Wala." Tipid na sagot ko.

"Is that your boyfriend?" Tanong nya ulit dahilan para mahirapan akong huminga.

'Hindi ko sya boyfriend!'

Hindi ko maintindihan kung bakit nahihirapan akong huminga, nagtatanong lang naman ang kapatid ko kung sino si Donny, na kung boyfriend ko ba.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now