C H A P T E R 59シ

602 29 2
                                    

"Kuya Aldean." Tawag ko dito ng mabuksan nya ang pinto ng condo ko.

"San ka ba galing? Ang tagal mo." Aniya, hindi man lang tinapunan ng tingin si Clyde.

"S-Sorry—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng makita nya si Clyde.

"Clyde?! Bakit kayo magkasama?" Gulat na tanong nya.

"Hindi na importante yon, Kuya Aldean umuwi ka na ng probinsya please." Aniko sa kanya kaya naman taka nya kong tinignan.

"B-Bakit?" Tanong nya.

"Umuwi ka na please!" Aniko.

Sa hindi ko maintindihan na dahilan bigla na lang ako napahagulgol sa pag iyak, agad akong nanghina kaya umalalay sakin si Clyde Saka si Kuya Aldean.

"Belle...shh stop crying, what happened?" Nag aalalang tanong ni Kuya Aldean.

"Si M-Mom and D-Dad....please save them Hyung." Umiiyak na aniko.

Ramdam ko ang paghigpit ng yakap ni Kuya Aldean saken, hinang hina man ay pinili kong tumayo para makapasok kami sa loob.

"I will save our parent okay? Calm down." Seryosong aniya.

"Tutulungan kita." Singit ni Clyde.

Pareho kaming napatingin ni kuya kay Clyde, seryoso lang ang mukha nito hindi man lang makikitaan ng kahit na anong ekspresyon.

Nakatulog ako ng hindi ko namalayan, dahil na rin siguro sa sobrang pagod sa pag iisip at pag aalala sa parents namin na hawak na ngayon ng mga taong gustong manakit samin.

Nagising ako na nasa kwarto ko, kung paano akong napunta dito ay hindi ko na alam. Bumangon ako para tignan kung may tao sa labas ngunit wala akong nakita.

May pasok ako ngayon sa school, hindi ko na alam kung anong uunahin ko, nagpunta ako sa kusina may mga nakahanda ng pagkain.

"Gising ka na pala." Aniya dahilan para magulat ako.

"Ay putay mo!" Gulat na sigaw ko.

Tinawanan nya ko kaya naman nilingon ko sya, gulat pa ko ng makita sya.

"Badtrip ka Clyde! Bakit ka ba nanggugulat?!" Inis na ani ko

Imbes na sumagot ay tinawanan lang ako nito wala na kong nagawa kundi ang maupo na sa upuan at magsimula ng kumain.

"Nga pala, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"You're brother ask me to stay here, since wala pa kong unit na pwedeng tuluyan." Paliwanag nya.

"You mean galing ka pa ng probinsya kahapon?" Gulat na tanong ko.

"Ahmm yes." Sagot nya.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain, mabilis kong tinapos ang pagkain ko dahil baka malate na naman ako sa klase.

Nang matapos ako ay agad din akong naglakad papasok sa kwarto ko para maligo at mag ayos ng sarili. Lahat ay minadali ko lang.

Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita si Clyde nakabihis na din kaya naman nagtaka ako, hindi ko alam kung saan sya pupunta.

"Saan lakad mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ihahatid ka." Tipid na sagot nya.

Tatanggi pa sana ko pero wala na kong nagawa ng hawakan nya ko sa palapulsuhan at akayin palabas ng unit.

"Hindi ko man lang nagawa to sayo noon." Nakangiti ngunit halata sa boses nya ang lungkot.

"Wala ka naman kasing kotse noon." Honest na sagot ko natawa naman sya.

Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa school, medyo maaga pa naman kasi kaya medyo maluwag pa ang daan.

"Salamat Clyde." Ani ko.

"Hintayin mo ko dito." Aniya at pinaandar ang kotse nya papuntang parking.

Naglakad sya palapit saken at hinawakan na naman ako sa palapulsuhan at akayin papasok sa school.

"What the heck?! Don't tell me babantayan mo pa ko?" Sarkastikong aniko.

Tumawa naman sya saken at pinagpatuloy ang paghatak saken papasok. Hindi nya alam kung saan ang room ko kaya tinuro ko na lang iyon sa kanya.

Habang naglalakad kami ay pansin ko ang mga matang nakatingin samin, hindi rin nakatakas sa paningin at pandinig ko ang mga bulungan nila.

Malapit na kami sa room ko ng biglang mahagip ng paningin ko ang grupo nila Donny dahilan parang kumalabog ng husto ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, simula nung huli ko syang makita at makasama ay hindi na kami nag usap pa ulit.

"Hoy, okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Clyde kaya naman napatingin ako sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya para ipakitang okay lang ako, nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa marating namin ang room ko.

Nakita kong nagulat si Kuya Aldean ng makita ako kaya naman agad syang lumapit sakin pero agad na dumapo ang tingin nya Kay Clyde.

"Bakit mo hinayaang pumasok yan?" Tanong ni Kuya Aldean kay Clyde.

"Mapilit eh, isa pa makulit yang kapatid mo. Anong laban ko dyan." Alanganing sagot nya.

Agad akong napangiwi dahil sa sagot nya, as if naman pinilit ko sya. Eh hindi ko nga sinabi sa kanyang papasok ako at isa pa sya ang nag offer na ihatid ako dito.

'Sinungaling talaga!'

Gusto ko pa sanang sitahin si Clyde dahil sa pagsisinungaling nya pero wala na kong nagawa pa, nagpaalam na kasi syang aalis na dahil may mga aasikasuhin pa sya.

Hindi ko naman na sya pinansin pa at hinayaan na lang na makaalis sya, maglalakad na sana ako papunta sa upuan ko ng bigla kong hawakan ni Kuya Aldean dahilan para mapahinto ako.

"Are you okay?" Seryosong tanong nya pero mararamdaman mo ang pag aalala.

"I'm okay Hyung you don't have to worry about me." Sagot ko.

Alam kong hindi sya kumbinsido sa sagot ko, pero hinayaan nya na lang akong makaupo. Tipikal na ugali nya tuwing ramdam nyang ayaw kong magkwento.

Well wala naman akong dapat ikwento sa kanya dahil aware naman sya sa mga nangyayari saken ang hindi nya lang alam ay ang nararamdaman ko ngayon.

I was really worried about our parents being kidnapped by the monsters. I'm thinking if may ginagawa na bang kilos sila Kuya Aldean.

Gustong gusto kong magtanong pero hindi ko magawa, pakiramdam ko kasi kapag nagtanong ako tungkol don ay baka hindi ko lang din magustuhan ang isasagot nya.

I never seen Azri earlier. I don't know kung may alam ba sya sa nangyayari sa pamilya namin all I know is wala syang alam or maybe may mga hint na sya but still hindi nya pinagtutuonan ng pansin.

Pwede din na alam nya nga talaga hindi lang sya nagsasalita tungkol don, good thing that he still not asking or anything dahil kahit ako ay hindi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya lahat.

To be continue...

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now