C H A P T E R 57シ

602 29 0
                                    

Belle's POV

Gaya ng naging plano ko ay ginawa ko lahat ng dapat kong gawin dito sa condo, naglinis ako at naglaba ng mga damit namin ni Azri.

Umuwi na si Manong sa probinsya dahil nagkasakit ang anak nito, wala daw kasing mag aalaga dito dahil may trabaho din ang isa pa nyang anak, hindi ko naman alam kung kelan ito babalik ulit dito.

Habang nagsasampay ako ng mga damit ay narinig kong tumunog ang phone ko wala naman akong nagawa kundi ang lapitan at tignan iyon.

Bumungad sakin ang mga text na galing kay Kuya Aldean at sa taong gustong makipagkita sakin ngayong araw.

Ang totoo ay nagdadalawang isip ako kung makikipagkita ako sa taong ito, hindi kasi ako sigurado kung kilala ko ba talaga to o nagpapanggap lang.

Sa kabilang banda, binasa ko pa rin ang lahat ng text nya saken pero hindi ko ito nireplyan.

'Binasa ko lang, bat ba?'

Ang sunod ko namang ginawa ay binasa rin ang mga text messages na galing sa kuya kong abnormal.

From:Kuya bogart.(Kuya Aldean)
'How are you?' 9:37am.

'Kumain ka na ba? Kung hindi pa kumain ka na, bibigwasan kita kapag nagpagutom ka!' 9:40am.

"Psh! As if naman malalaman nya kung magugutuman ako eh wala nga sya dito tsk!" Aniko kausap ang sarili kong phone.

'Ganyan ka ba katanga sa paggamit ng phone at hindi mo man lang magawang magreply?!' 10:00am.

"Galit na galit?!" Natatawang aniko.

'Belinda, eat your lunch! Para naman gumanda ka pumapanget ka na ang payat mo na kasi!' 11:57am.

"Tarantado to ah! Kung di lang kita kuya baka nabigwasan na kita."

To:Kuya Bogart
'Ulowl! Ako panget? Mas panget ka Kuya Aldean tandaan mo yan!' 12:00pm.

Inis kong binitawan ang phone ko at mabilis na tinapos ang pagsasampay ng nilabhan kong mga damit, naupo ako sa sofa at nanuod ng TV. Hindi ko na namalayan pa ang pangyayari dahil nakatulog ako sa sobrang pagod.

Mag aalas tres na nang magising ako, agad agad akong nag ayos ng sarili ko dahil may kikitain pa ko sa MOA ngayon.

Kailangan ko ring makaalis ng maaga dahil baka maabutan ako ni Kuya Aldean o di kaya ni Azri baka hindi nila ako payagan na umalis.

Kung magkataon na maabutan nila ko dito, mabilis akong pumasok sa cr para maligo, nang matapos sa pagbihis at pag ayos sa sarili ay agad din ako lumabas.

Pumunta muna ako sa sala para kunin ang bag na gagamitin ko, at Saka mabilis na lumabas ng condo. Habang naglalakad pababa ng condo ko ay tinext ko yung taong kikitain ko.

To:Mr. Unknown
'Papunta na ko.' 3:01pm.

Hindi ko na hinintay pa ang reply nya, mabilis akong naglakad palabas, muntik pa kong maabutan ni Azri dahil nakita ko itong naglalakad palapit sa elevator.

Agad akong nagtago para hindi ako makita nito, nang magsara ang elevator na pinasukan nya ay saka lang ako lumabas at mabilis na pumara ng taxi.

May trust issue na ko sa pagsakay sa taxi pero hindi hadlang yon para malaman ko kung sino ang taong text ng text saken.

Medyo traffic ng makalabas kami ng highway, medyo kinabahan din ako dahil traffic din nung araw na may nanutok sakin ng baril.

Habang nakahinto ang taxi ay hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa paligid dahil na rin siguro sa takot na baka bigla na namang may bumukas ng pinto at kaladkarin ako palabas ng taxi.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong ng driver.

'Hindi!'

"Manong pwede po bang paki lock yung pinto nito?" Tanong ko, kita ko naman ang pagtataka nya.

"Sige po ma'am." Sagot nito sabay lock sa pinto.

Hindi nagtagal ay umasad din ang taxing sinasakyan ko kaya naman nakahinga ako ng maluwag ng walang humila saken palabas ng sasakyan.

Lumipas pa ang ilang minuto ay nakarating din ako sa MOA kung saan kami magkikita ng taong katext ko habang papasok sa mall ay hindi ko maiwasan na hindi manlamig.

Dahil ito siguro sa kaba, dagdag pa na kung ano anong mga hindi magandang ideya ang pumapasok sa utak ko.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko, sandali ko pang sinilip ang phone ko sa pagbabakasaling may reply na ito, hindi naman ako nagkamali dahil bumungad saken ang pangalan nito.

From: Mr. Unknown
'I'm on my way.' 3:30pm.

Napabuntong hininga na lang ako, naglakad lakad muna ako hanggang sa may nakita akong pwede kong pagtambayan.

Pumasok ako sa isang coffee shop at doon nagpalipas ng oras habang hinihintay si Mr. Unknown. Naupo ako sa isa sa mga bakanteng upuan don.

Hindi muna ako umorder, balak ko sanang dito na lang makipagkita sa kanya, kinuha ko ang phone ko ng maramdamang nagvibrate ito.

From:Mr. Unknown
'I'm here na, where are you?' 3:41pm.

To:Mr. Unknown
'Nasa coffee shop ako, alam mo naman siguro mukha ko hanapin mo na lang.' 3:41pm.

Inilibot ko ang paningin ko para makita sya ngunit bigla kong naalala na wala nga pala akong ideya sa itsura at pagkakakilanlan nya kaya naman napabuntong hininga na lang ako.

Ilang minuto pa ang lumipas ng may makita at maramdaman akong yabag na papalapit sa pwesto ko, hindi ko muna iyon nilingon dahil baka magkamali ako.

"Hi Miss, pwede bang makiupo?" Tanong nito, hindi ako sigurado kung ako ba ang kausap nito kaya hindi ako sumagot.

"Miss?" Aniya ulit.

Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko at gulat ng makita ko ang hindi ko inaasahang tao, ilang beses pa kong napakurap.

"C-Clyde?" Gulat na ani ko.

Titig na titig lang naman ito saken habang nakangiti, ilang beses ko pang ikinurap ang mata ko sa pag aakalang nananaginip lang ako.

Ngunit walang nagbago nandito pa rin sya sa harap ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung dapat ba kong matuwa o magalit sa kanya.

Galit ako dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nyang pang gagago saken noon, alam kong matagal na panahon na iyon pero lahat ng masasaket na alaala ay hindi pa rin nawawala sa utak ko.

Dahan dahan nyang inilapag ang inorder nya at naupo sa harapan ko, hindi ko maiwasan na hindi mailang sobrang tagal na nung huli ko syang makita.

"Sa wakas nagkita din tayo." Aniya habang titig na titig saken.

Hindi ko maiwasang hindi mainis sa kanya, hindi ko alam kung bakit kailangan nya pang magpakita sakin.

"Ikaw ba yung taong nagtetext saken?" I said using my cold voice.

"Y-Yes Belle." Utal na sagot nya.

"What do you want?" Tanong ko sa kanya.

"I just want to say sorry Belle." Aniya.

'What the heck?'

"Yun lang?" Seryosong tanong ko.

"Ahmm..." Aniya but I cut him off.

"Pinapunta mo ko dito para lang sa sorry mo? What the hell Clyde?! You're wasting my time!" Inis kong ani.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko, hindi ako pwedeng sumigaw dito dahil nasa public place kami, ayokong mapahiya kami dito kaya pinilit kong pigilan ang pagtaas ng boses ko.

Pilit kong ikinalma ang sarili ko at dahan dahang tumayo at maglakad palabas ng coffee shop, uuwi na lang ako total mukhang wala lang rin akong mapapala sa ex kong ungas.

To be continue...

(A/N:Happy Monday!)

Fake Love Turns Into RealOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz