C H A P T E R 38シ

642 27 5
                                    

Azriel's POV

Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ang ate ko, I never see her crying like this. And now I don't like the way she talks to me. Para syang namamaalam.

'Diba para lang yun sa mga malapit ng mamatay?'

Pinili kong hindi umalis sa tabi ni Noona, alam kong kailangan nya ko ngayon. Kaya mas pipiliin kong dito na lang muna sa tabi nya.

Nakahiga lang ako sa kama nya, habang sya naman ay mahimbing na natutulog, hindi ko alam kung anong klaseng problema ang dinadala ni Ate.

Kilala ko sya, hindi sya iiyak ng ganito kung hindi mabigat ang problema nya. Hindi ko rin sya pwedeng pilitin na sabihin sakin dahil alam kong magsasabi din sya kapag kaya nya ng magkwento.

Nawala lang ang atensyon ko kay Ate Belle ng mag ring ang phone ko agad kong kinuha yun at sinagot, girlfriend ko pala yung tumatawag.

[Hi, love.] Malambing na aniya.

"Hi, sorry hindi kita natawagan." Nakangiting Ani ko.

[It's okay love, so how are you?] Tanong nya.

"I'm okay love, how about you?"

[Well, I'm okay too. Ahmm love?]

"Yes?"

[Lalabas kami mamaya ng mga friends ko, is it okay kung sasama ako sa kanila?] Malambing na tanong nya.

Kung ako ang tatanungin ayoko sanang sumama sya dahil wala ako don para bantayan sya pero dahil mga kaibigan nya naman yun ay papayag na lang ako.

"Okay, basta mag iingat ka." Ani ko.

[I will, thank you iloveyouuu!]

Matapos naming mag usap ay tatayo na sana ko ng bigla kong makitang umilaw yung phone ni Noona. Kinuha ko yun para sana tignan kung bakit umilaw.

May nagtext, hindi pamilyar sakin ang pangalan at number na nasa screen kaya binuksan ko pa rin at binasa ang buong nilalaman ng mensahe.

"From: Donny

Hi Belle, I really miss you. Every night I always wish na magkita na tayo ulit. Hindi ko alam kung nababasa mo pa tong mga messages ko sayo, but I wish you read it. Please comeback:<"

Nangunot ang noo ko dahil sa nabasa ko, I didn't know about this thing, wala akong matandaang naging boyfriend ni Noona except Clyde.

Clyde was a playboy, I don't think kung gugustuhin pa ni Noona na makipag balikan don, she really hate Clyde.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun yung mga messages na nababasa ko sa Convo nila. Walang kahit isang reply na galing kay Noona.

'Ano toh LQ?'

Napailing na lang ako at ibinalik na yung phone sa side table kung saan ito nakalagay kanina, muli kong pinagmasdan si Noona.

Kita ko sa mukha nya ang puyat at pagod, halatang hindi sya pinapatulog ng problema nya, gusto kong magtanong pero alam kong hindi nya ko sasagutin ng maayos.

Donny's POV

First day of school, walang masyadong nangyari puro lecture na agad ang naganap kanina, pero iisa lang ang gumugulo sa utak ko.

Yung babaeng nakita ko kanina na naglalakad sa hallway, hindi ko maintindihan pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko yung babaeng yun.

Hindi ko nakita yung mukha nya pero pamilyar sakin ang bawat kilos nya, umaasa ako na magkikita kami. Magkikita kami ulit.

Gusto kong lapitan sya pero sa tuwing maglalakad na ko biglang umuurong yung tapang ko. Hindi ako sigurado kung sya talaga yun.

"Dre, sa tingin mo ba si Belle talaga yung nakita natin kanina sa hallway?" Tanong ko sa mga tropa ko.

"Oo nga parang sya nga yon!" Pagsang ayon sakin ni Kade..

Muling nabuhay ang pag asa ko pero nawala din yun ng magsalita si Zairo na sinang ayunan ng buong tropa namin.

"Malabong mangyari yun Dre." Ani Zairo.

"B-Bakit?" Takang tanong ko.

"Nung araw na niyaya ka naming mag enroll nakita namin si Belle dito, nilapitan pa nga namin sya." Aniya na ipinagtaka ko.

"Oh diba mas malaki yung chance na makita ko din sya dito." Naguguluhang tanong ko.

"Ahmm nung araw na yun tinanong kasi namin sya kung nandito din sya para mag enroll." Ani Drake.

"Pwede bang diretsuhin nyo na ko, masyado kayong pabitin eh!" Inis ng ani ko.

"She said that she's not here to enroll, she's here kasi kukunin nya yung mga papel nya para sa paglipat nya ng school." Sagot ni Kenzo na nakapagpatigil sakin.

"B-Bakit hindi nyo sinabi sakin?" Tanong ko.

"Dre pasensya na, nakiusap kasi samin si Belle eh." Paliwanag ni Drake.

Sa kawalan ko ng maisasagot ay tumayo na ko at naglakad na paalis, naririnig ko pa silang tinatawag ako pero hindi ko na ito pinansin pa.

Nakarating ako sa parking ng hindi ko namamalayan, binuksan ko yung kotse ko at nag drive papunta sa kung saan, nagsisimula ng mag init ang mga mata ko.

Ramdam ko ang bawat pagtulo ng luha ko habang nagdadrive ako hindi ko na alam kung anong gagawin ko, bumilis ang pagdrive ko.

Nakarating ako sa puntod ni Dalia at don ako umiyak ng umiyak, gusto kong magalit sa katangahan na ginawa ko kay Belle.

Hindi sya lilipat ng school kung gusto nya kong makita, siguro nga ganun na lang ang galit nya sakin dahil sa hindi ko sya kayang mahalin pabalik noon.

'Ngayon kaya ko na yun Belle, kaya na kitang mahalin please bumalik ka na...'

"Dalia bakit ganon? Kung kelan mahal ko na si Belle saka naman sya lumayo sakin?" Umiiyak ng ani ko.

Nakakabaklang man pero hindi ko talaga mapigilan, mahal na mahal ko si Dalia noon pero hindi ko inaasahan na mas mamahalin ko si Belle ng ganito.

Minsan nagbabakasakali pa rin ako na sasagutin nya mga tawag at text ko pero kahit isa don ay hindi nangyari, hindi ko namalayan na hawak ko na ang phone ko at nagtitipa na ng mensahe para kay Belle.

"To:Milo

Hi Belle, I really miss you. Every night I always wish na magkita na tayo ulit. Hindi ko alam kung nababasa mo pa tong mga messages ko sayo, but I wish you read it. Please comeback:<"

Pagsend ko ng message ay tinignan ko kung gaano na karami ang nasesend ko sa kanya sa bawat araw, hindi ko mapigilan na hindi magtampo sa kanya pero alam kong wala akong karapatan dahil ako yung unang nakasakit sa kanya.

'Nasaktan ko sya...Sorry Mahal ko.'

To be continue...

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now