C H A P T E R 18シ︎

782 29 1
                                    

Family

Belle's POV

Umiiyak na naglakad palapit sakin si Mommy agad nya kong niyakap ng mahigpit. Gumanti naman ako ng yakap dahil sa tagal kong nawala dito yakap ng pamilya ko ang hanap hanap ko.

"Belinda anak, buti naman at umuwi ka na." Umiiyak pa rin ani mommy.

"Pasensya na ho kung natagalan bago ako nakabalik ulit dito."

Ngumiti sakin si mommy nang bitiwan nya ko ay agad namang lumapit sakin si Daddy at niyakap din ako.

"I miss you anak." Ani daddy habang yakap yakap ako.

"I miss you more Dad"

Sumunod naman lumapit sakin ang kuya kong babaero joke habulin lang ng mga babae.

"I miss you baby sis."

"Baby sis? The fuck! Di na ko bata kuya!" Inis na ani ko.

"Yeah, but still your my baby sister." Aniya na nakapagpangiti sakin.

Hindi na kami nagtagal pa dahil pinapasok na kami nila mommy sa loob ng bahay. Pagod na ko at gusto ko ng magpahinga kanina pa.

Pero ng makita ko ang buo kong pamilya ay nawala lahat ng pagod ko. Naging magaan na ang pakiramdam ko na para bang walang pagod na iniinda.

Nakita ko si Mom na nasa kitchen kasama ang iba naming mga katulong, nagluluto sila ng kung ano ano, pumasok naman ako don para sana tumulong.

"Mom, ano yan?" Tanong ko ng makitang naghihiwa si mommy ng kung ano ano.

"I will cook some of your favorite foods." Aniya nakangiti.

"May maitutulong po ba ko?" Tanong ko sa kanila.

Tinignan nila ko na parang nagtataka sa sinabi ko, nag pout naman ako ng makita ko ang itsura ni Mom na halatang nagtataka rin sa sinabi ko.

"I mean kung meron ba kong pwedeng itulong sa inyo." Ani ko.

Umiling si Mom at ngumiti. Halatang hindi sya makapaniwala sa mga sinasabi ko. Hindi ko naman sila masisisi.

Kilala ako dito sa bahay bilang tamaran walang ibang kayang gawin kundi ang humilata sa kama at magcellphone maghapon.

Umalis ako sa lugar na to na ganon ang nakasanayan ko, kaya naman hindi ko sila masisisi kung bakit ganyan ang reaksyon nila.

Natuto lang akong magluto nung tungkol na sa pagluluto ang kinuha kong aaralin ko. Nung una hindi naging madali para sakin ang lahat dahil hindi naman ako marunong.

Pero nung huli naging okay na rin, nasanay na ko sa pag aasikaso sa sarili at buhay ko, ngayon ko lang naisip na ang laki na pala ng pinagbago ko.

Simula nung sa Manila na ko nag aral at tumira. Inaamin kong hindi naging madali ang lahat para sakin pero hindi rin ganon kahirap.

Siguro nahirapan lang ako nung una dahil hindi ako sanay sa mga gawaing bahay at mamuhay mag isa, pero nung nasanay na ko naging okay at madali na lang sakin ang lahat.

"Maupo ka na lang dyan anak." Ani mommy.

"Pero mom, baka po may maitutulong ako?"

"Wala na okay na, manuod ka na lang dyan."

Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan ng magawa. Muli ko pang tinignan si mommy na busy sa paghahalo ng niluluto nya.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now