C H A P T E R 40シ

705 24 5
                                    

Belle

Aldean's POV

Hindi ko mapigilan na hindi magalit, hindi ko maintindihan kung bakit kailangang pati si Belle ay madamay sa galit ni Don Leonardo sa Daddy namin.

Kung tutuusin wala kaming kasalanan sa kanya, maski ang Daddy namin ay walang alam kung bakit galit na galit sa kanya ang matandang yon.

Alam kong hindi ko totoong kapatid si Belle pero buong parte ko ay tanggap sya, mahal ko si Belle kahit na hindi kami totoong magkapatid.

Tama sila Mom and Dad, sya ang swerte sa pamilya namin, kung tutuusin hindi dapat ako umiiwas sa kanya dahil hindi mabubuo ang pamilya namin kung hindi sya dumating.

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap nya, tinitigan ko syang maigi, nakaramdam ako ng lungkot dahil sa itsura nya, alam kong sobrang natatakot sya lalo na sa nangyari kanina, bigla ring pumasok sa isip ko kung paano akong kinabahan dahil sa late na pagpasok nya.

Flashback

Pumasok ako sa room kung saan ako magtuturo, inaasahan ko na nandun na ang kapatid kong si Belle, pero nagkamali ako.

Nagbell na pero wala pa ring Belle na dumarating, nagsimula akong kabahan pero kahit ganon pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili ko.

Kahit na ang totoo ay gusto ko nang tumakbo palabas para hanapin sya, pero hindi ko ginawa, dahil sa mga estudyanteng hawak ko.

Hindi ko sila pwedeng iwan basta basta, maaari rin akong mapagalitan kapag umalis ako at iwan tong mga estudyanteng ito.

Naghuhumarintado man sa kaba ay pinili kong pigilan ang sarili ko, lahat ng kaba ko ay nawala lang ng makita ko si Belle na dahan dahang naglalakad sa hallway palapit sa room namin.

Gusto kong tumakbo palapit at yakapin sya pero hindi ko nagawa dahil sa takot at hiya, simula kasi ng umalis sya sa bahay namin sa probinsya ay hindi na kami nagkausap pa.

Gusto kong magsisi dahil sa ginawa kong pag iwas sa kapatid ko, dahil ngayon mukhang maipapahamak ko ang kapatid ko kung hindi ko sya kakausapin.

May rason ako kung bakit ako umiwas pero alam kong hindi katanggap tanggap ang rason na yun. Nakarating si Belle sa room.

Nagkunwari akong galit para sana hindi ipahalatang nag alala ako sa kanya.

"You're late!" Malakas na sigaw ko.

"P-Pasensya na po, na traffic lang." aniya.

'You're not really good at lying Belle.'

"Go to your seat." Pabuntong hiningang ani ko.

Hindi ko tanggap ang rason kung bakit sya late alam kong may nangyaring hindi maganda kaya hindi ko maiwasan na hindi ipakita ang pag aalala ko.

Habang nagtuturo ako ay pa simple akong sumusulyap kay Belle, tulala lang sya at parang malalim ang iniisip, para tuloy gusto ko na namang lumapit at kausapin sya.

Paulit ulit kung pinipigilan ang sarili ko sa pag alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya pero talagang hindi ko na kayang magpigil pa.

"Walang kayong klase sa mga susunod na subject kaya nandito ako para bantayan kayo." Ani ko.

Nanatili pa ko sandali sa upuan ko bago ako nagpasyang tawagin si Belle para makausap.

"Belle!" tawag ko sa kanya.

Agad naman syang lumingon sakin

"P-Po?" aniya na naging dahilan para mag iba ang takbo ng isip ko.

"Can we talk?" seryosong tanong ko.

"Opo sir." aniya, tumayo ako at naglakad palabas ng classroom.

Naglakad ako palapit sa bench na nasa tapat ng classroom kung saan kami nanggaling kanina, nakita ko ang pagdahan dahan ni Belle sa paglalakad kaya hinintay ko pa syang makaupo bago ako nagsalita.

"What's wrong?" tanong ko.

Halata sa mukha nya ang gulat at pagtataka, expectation ko na yan dahil sa tagal ko syang iniwasan tapos ngayon kakausapin at tatanungin ko sya ng ganito.

"S-Sir?" takang tanong nya.

"Alam kong hindi traffic ang dahilan kung bakit ka late!" Inis na Ani ko dahil alam kong nagmamaang maangan na lang sya.

'Just please tell me what happen...'

:((

Nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa mata nya umiwas pa sya ng tingin sa pag aakalang maitatago nya sakin iyon.

Agad na sumibol ang pag alala ko sa kanya, alam kong masyado syang mahina pagdating sa ganitong sitwasyon.

Kahit sino namang babae hindi kakayanin ang ganito na pinagtatangkahan ang buhay pero kailangan nyang maging malakas.

"Belle! Answer my question!" Inip na sigaw ko sa kanya.

Akala ko sasabihin nya na, pero nagulat ako ng makita ko ang tumulong luha sa mukha nya, tumayo sya at naglakad papasok sa room.

Agad naman akong nataranta, dahil baka nabigla sya sa ginawa ko, hindi ko naman ginagawa toh noon. Ayoko ng pinipilit ang mga kapatid ko sa pagsabi ng problema pero sa ngayon kasi kailangan ko talagang malaman.

Wala akong nagawa kundi ang sundan sya, nakita ko syang umiiyak sa harapan ng buong klase.

"Belle!" Ani ko at naglakad palapit sa kanya.

Umiling lang sya na parang sinasabi na tumigil na ko, pero hindi ko sya sinunod, lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

Halos ibigay nya sakin ang buo nyang bigat, ramdam ko ang panginginig at panghihina nya kaya inayos ko sya, iniupo ko sya sa upuan na malapit lang sa amin.

"Shh, Kuya is here." pabulong na ani ko.

Ramdam ko ang paghigpit ng yakap nya sakin, humagulgol sya ng iyak habang nakayakap sakin, habang yakap yakap ko si Belle ay rinig ko ang bulungan ng mga kaklase nya.

Imbes na mainis sa bulungan nila ay napangiti na lang ako, iniisip na nilang may relasyon kami kahit na ang totoo ay magkapatid kami.

Nang tumahan si Belle ay agad ko syang tinignan, gusto ko na sanang magsorry sa kanya sa ginawa kong pag iwas pero mukhang hindi pa pwede sa ngayon.

"Pwede mo na bang sabihin sakin kung ano talaga nangyari?" tanong ko dahilan para umiwas sya ng tingin.

"Pwede bang mamaya na lang natin pag usapan?" aniya dahilan para bumagsak ang balikat ko.

Napabuntong hininga na lang ako, kailangan ko na namang maghintay para malaman kung ano ba talaga ang nangyari.

"May gusto lang akong malaman." aniya.

"What is it?" takang tanong ko.

"M-May kilala ka bang L-Leonardo?" tanong nya na nakapagpatigil sakin.

'H-Hindi kaya may kinalaman sya sa nangyari sa mga kapatid ko?!'

"Silence means yes." Aniya dahilan para bumalik ako sa ulirat.

"May ginawa ba sya sa inyo?" seryosong tanong ko.

Napangiwi lang ito ng makumpirmang kilala ko ang Leonardong sinasabi nya.

To be continue...

(A/N: Pasensya sa wrong grammar pati sa typings.)

Fake Love Turns Into RealWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu