C H A P T E R 17シ︎

765 41 4
                                    

Belle's POV

Sa wakas nakarating na rin kami, nandito na ko ngayon sa probinsya namin. Sobrang excited na ko dahil hindi alam ng family ko na uuwi ako ngayon dito.

Naging biglaan kasi ang desisyon ko sa pag uwi dito hindi lang dahil kay Donny, umuwi ako dito dahil gusto kong matahimik kahit sa sandaling panahon lang.

Malapit na rin ang start ng school. Matatapos na ang bakasyon babalik na naman ako sa buhay estudyante. Nakakapagod ng mag aral pero dahil kailangan, wala akong magagawa.

Ayoko na sanang bumalik ng Manila para mag aral pero dahil graduating na ko hindi na ko pwedeng lumipat ng school.

Mahihirapan na kong lumipat kapag ginawa ko yon. Kaya wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang mag tiis sa school na pinapasukan namin ni Donny.

Napabuntong hininga na lang ako ng dahil sa naisip, gusto kong kalimutan muna si  Donny dahil nasasaktan at nalulungkot lang ako sa tuwing papasok sya sa isip ko pero ito ako ngayon puro sya ang naiisip.

Gusto kong kalimutan muna ang lahat kaya nga umuwi ako dito eh, hindi pa ko nakakarating sa bahay namin ito na naman ako sya ng sya ang nasa isip.

Hindi nagtagal lumiko yung kotse na sinasakyan ko sa isang kalye, ito ang daan papasok loob ng village namin na kung tawagin nila ay hacienda.

Napangiti ako ng maalala lahat ng memories na meron ako sa lugar na to. Sobrang namiss ko tong lugar na to grabe sobrang laki na ng pinagbago.

Kilala ang pamilya ko sa isa sa mga pinakamayamang tao sa lugar na to, isa ang pamilya ko sa tinitingala ng mga naghihirap sa buhay.

Noon ayaw talaga ng magulang ko na tinuturing sila parang nakatataas dahil ang sabi ni Mom and Dad....

'Pare pareho lang tayong tao, lahat pantay pantay.'

Tama sila, tama ang magulang ko. Lahat ng tao pantay pantay. Hindi dapat kami itinuturing na mataas pero wala na kaming magagawa dahil yun na ang tingin samin ng mga tao dito.

Nakita ko na unti unti ng naglalabasan ang mga tao, nakatingin sila sa sinasakyan kong kotse, napailing na lang ako.

"Manong, bukod ho ba sa inyo may nakakaalam po bang uuwi ako?" Tanong ko kay Manong Canor.

"Ahh wala po ma'am. Sabi nyo po kasi na wag kong ipapaalam." Ani ni mang Canor.

Alam ko na yung pangalan nya, close na nga kami eh. Sa sobrang haba ng byahe wala akong ibang ginawa kundi ang matulog at makipag kwentuhan sa kanya.

Panay din naman ang daldal nya, kaya ayon sa sobrang kadaldalan nabanggit nya na yung pangalan nya. Bago ko lang nakita si Mang Canor, naikwento nya din sakin na bago lang daw syang nagtatrabaho sa pamilya ko.

Ang totoo hindi naman talaga kailangan ng family ko yung mga ganito, kaya naman nilang magdrive at yung mga katulong sa bahay hindi na namin kailangan yon pero dahil sa gusto nilang tumulong sa ibang nakatira dito.

Hinayaan at binigyan nila ng trabaho ang mga ito, kaya ayan napakadami naming mga katulong at driver pati mga hardinero at kung ano ano pa.

Wala naman akong nagawa dahil desisyon naman yun ng parents ko. Pero okay naman sakin yon dahil sa kahit maliit at simpleng bagay alam kong nakakatulong ang pamilya ko.

Lahat ng taong nangangailangan ay talagang sa pamilya ko lumalapit kaya siguro ganon na lang ang respeto ng mga tao sa pamilya ko.

Ilang minuto lang huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking gate, hindi pa muna ko bumaba tinignan ko yung mga taong nasa labas sa pagbabakasakaling pumasok na sila sa kanya kanya nilang bahay.

Pero nagkamali ako dahil hanggang ngayon nandon pa rin sila sa labas at titig na titig sa kotse at parang hinihintay na bumaba yung nakasakay.

Saglit pa kong nanatili don, ng makita ko si Manong Canor na ibinababa ang mga gamit ko ay bumaba na din ako, para sana tulungan sya.

Pagkababa ko, agad akong tumingin sa mga taong kanina pa nakatingin sa kotse. Nakatitig na sila sakin ngayon at parang maluha luha pang makita ako.

"Manong tulungan ko na po kayo." Ani ko ng makalapit kay Manong Canor.

"Hindi na ma'am kaya ko na po."

Bumuntong hininga na lang ako saka nagsimulang maglakad papasok sa loob, minsan ko pang nilingon yung mga tao, ngumiti ako sa kanila na naging dahilan para lalong lumaki ang pagkakangiti nila.

Hindi na din ako nagtagal sa labas dahil nagsisimula na ring dumilim. Hahakbang pa lang sana ako papasok ng gate ng makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa isang tabi.

Nakaupo ito sa may malaking bato habang humihithit ng sigarilyo, agad na nangunot ang noo ko dahil sa ginagawa nya.

'Kahit kelan pasaway talaga!'

Agad akong naglakad palapit sa kanya at hinila paitaas yung patilya nya, nakakainis ngayon na nga lang uuwi dito tapos ganito pa madadatnan ko.

"A-Aray! Araaaaayyy!" Ani Azriel habang hila hila ko yung patilya nya.

Binitiwan ko naman sya ng makita kong sobrang nasasaktan na sya at don nya lang nakita kung sino ang humila sa patilya nya.

"A-Ate B-Belle?!" Aniya ng makita ako.

"Talagang dyan ka pa nanigarilyo?! At kelan ka pa natuto nyan ha?!" Inis na ani ko.

'Kung di lang kita kapatid baka na bigwasan na kita!'

Wala syang isinagot sakin, nanatili syang tahimik bahagya pa syang yumuko dahilan para hindi ko makita yung mukha nya.

"Ano hindi ka sasagot!?" Inip na tanong ko.

"S-Stress lang ate Belle, wag ka ng magalit please." Sabi nya, naglakad palapit sakin para yakapin ako pero umatras ako.

"Wag kang lalapit sakin! At anong stress ha?! Hindi sigarilyo ang solusyon sa pagka stress mo!" Galit na talagang aniko.

"S-Sorry ate, promise hindi na mauulit." Aniya.

'Hayss!'

"Dapat lang! Pumasok ka na sa loob, maligo ka ang baho mo." Aniko.

Mabilis syang naglakad palapit sakin, hinalikan nya ko sa pisngi dahilan para maamoy ko yung yosing kumapit sa kanya at mabilis na tumakbo.

"Azriel! Letse ka talaga!" Sigaw ko sa kanya.

Narinig ko pa ang pagtawa nya, badtrip. Baka pati ako mangamoy yosi eh. Nakakainis wala akong ideya kung alam ba ng magulang namin na nagyoyosi si Azriel.

Pero baka hindi, hindi kasi nagyoyosi si Daddy ganon din si Kuya Aldean. Kaya baka hindi nila alam yung mga kalokohang ginagawa ni Azriel.

Hindi nagtagal ay nandon na ko sa tapat ng pinto, pipihitin ko na sana yung doorknob ng biglang bumukas yon at bumungad sakin ang pamilya ko.

Si Mommy na umiiyak habang naglalakad palapit sakin, si Daddy at kuya na ngiting ngiti habang nakatingin sakin. Wala si Azriel baka naliligo na yon.

(A/N:Thank you sa support and also sa mga walang sawang pagbabasa sa story ko.❤)

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now