C H A P T E R 22シ︎

743 30 3
                                    

Yakap ng Ama

Nanatiling tahimik ang parents ko habang naghihintay naman ang mga kapatid ko sa isasagot nila. Hindi ko alam kung bakit hindi nila sinabi sa mga kapatid ko ang totoo.

Totoong hindi nila ako kapatid at kadugo, na ampon lang ako. Hindi ko maiwasan na hindi masaktan sa katotohanang yon.

Kahit na matagal ko ng alam ang tungkol don, nasasaktan pa rin ako. Hindi naman nagkulang sila Mom and Dad sakin dahil itinuring pa rin nila kong anak kahit na hindi naman dapat.

Para sakin sobra sobra na yon, pero hindi pa rin yun dahilan para hindi ako masaktan sa tuwing maiisip na magkakasama sila dito habang ako mag isa lang sa Manila.

Masaya habang nagkukuwentuhan habang kumakain habang ako malayo sa kanila at naghihirap para maghanap ng trabaho.

Trabaho, dahil kailangan ko ng pera para sa pagkain ko araw araw, pambayad sa tuition ko sa school at pambayad sa condo na tinitirahan ko.

Pero nung una ko lang naranasan yon, dahil nitong huli binibigyan o pinapadalhan na rin nila ko ng pera para sa pang araw araw o sabihin na lang nating allowance ko yon.

Nung una ayokong tanggapin dahil ayoko na sanang dumagdag sa gastusin nila, ayokong magkaproblema sila sa pera.

Pero hindi nila ko tinigilan, patuloy sila sa pagpapadala ng pera hanggang sa napilitan na kong tanggapin yon. Hindi ko naman sila masisisi dahil may responsibilidad pa rin sila sakin.

Lahat ng galit ko noon nung dalhin nila ko sa manila para paaralin at hayaang mamuhay mag isa ay nawala dahil bumawi sila sakin.

Lahat ng bayarin ko sila ang nagbayad pero may kung ano sa sistema ko ang nagsasabing dapat hindi na ko umaasa sa kanila.

Unti unti ng bumabalik yung galit ko sa parents namin dahil hanggang ngayon wala silang sinasabi sa mga kapatid ko.

Na hindi naman talaga nila ko totoong anak, na ampon lang ako. Tinignan ko sila isa isa. Si Mom na yakap yakap ni Dad dahil sa pag iyak nito.

Si lolo at lola na nakatingin sakin, wala akong ibang mabasang emosyon kundi awa at ayoko makita yon, ayokong kaawaan nila ko ng dahil lang sa ampon ako ng pamilya nila.

Tinignan ko si kuya Aldean at Azriel na halatang naghihintay ng isasagot nila Mom and Dad. Sobrang tahimik ng kwarto ko, tanging paghinga at paghikbi lang namin ang naririnig.

Naglakad ako palapit sa pinto saka ako lumabas. Gusto ko munang mapag isa. Gusto kong magpahangin dahil hindi ko na kaya yung tensyon sa loob.

Pagkalabas ko ng bahay sa garden ako dinala ng mga paa ko. Naupo ako sa bench at doon umiyak ng umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pakiramdam ko napakahina ko, ang dami dami kong napapasayang tao pero sarili ko hindi ko magawang pasayahin.

Ngayon nagsisisi na kong umuwi ako dito sa probinsya. Akala ko magiging maayos ang buhay ko dito pero mukhang hindi pala.

Tumingin ako sa langit, madaming stars pero iisa lang pinakamakinang, napangiti ako ng makita yun. Pero agad ding napawi yung mga ngiti ko ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko.

Hindi ko sya nilingon, pinakiramdaman ko sya pero naging tahimik lang sya. Tanging buntong hininga nya lang ang naririnig ko.

"Belle, apo. Gabi na pumasok ka na sa loob." Aniya, saka lang ako lumingon sa kanya.

'Lola....'

"Mamaya na ho, kayo ho pumasok na kayo sa loob mahamog na." Ani ko ng nakangiti.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now