C H A P T E R 41シ

660 29 1
                                    

Aldean's POV

Natapos ang buong maghapon, uwian na ng lumabas kami ni Belle, isasabay ko sya dahil marami pa kong gustong malaman.

"S-Sir?" Aniya.

"What?" Tanong ko.

"Bakit nandito ka pa?" Takang tanong nya.

'What the fu—'

"Anong klaseng tanong yan Belinda?!" Inis na Ani ko.

"I mean bakit kailangan mo pang pumunta dito? Saka hello? Engineering yung trabaho mo pano ka naging teacher?!" Inis na ding sagot nya.

Malakas ang pagkakasabi nya kaya naman agad kaming pinagtinginan at pinagbulungan ng mga natitirang estudyante dito.

"Ano? Hindi ka makasagot? Bakit kailangan mong magpalit ng trabaho? Bakit kailangang lumipat ka pa dito?!" Inis pa ring aniya.

'Dahil kailangan ko kayong bantayan!'

"Because I have to, Belle."

"Really? You have to kasi may alam ka sa nangyayari ngayon?! Tama ako diba?" Galit ng aniya.

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kanya ang totoo, ang alam ko lang hindi ito ang tamang oras para ron.

Masyadong naging magulo sakin nung malaman ko ang tungkol sa problema ng pamilya namin, kaya hindi rin magiging madaling ipaintindi sa kanila.

"Belle please, tumahimik ka na muna."

"Why would I? Kuya iniwan mo sila Mom! Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sa kanila?!" Aniya kasabay ng pagbagsak ng mga luha nya.

'Ano na naman toh!'

"Ano bang pinagsasabi mo Belle!" Naguguluhang tanong ko.

"Sila Mom and Dad! Bakit mo sila iniwan!? Hindi lang kami yung nasa piligro yung buhay Kuya! Bumalik ka na sa probinsya please lang." Aniya.

"Bakit ko gagawin yun?"

"Dahil pati sila Mom nanganganib yung buhay! Hindi lang kami, hindi lang si Azri, hindi lang ako, hindi lang ikaw! Pati sila Mom!" Aniya na gumising sa buong Sistema ko.

"Pinadalhan na ko ng mga death treats na kasama yung mga pictures naten. Kanina may taong nanloob sa condo ko sa kwarto ni Azri sya pumasok, hindi ko kayang mawala kayo, umuwi ka na. Isama mo na si Azri." Nagmamakaawang aniya.

'Hindi pwede!'

"At Ikaw?" Seryosong tanong ko.

"Kaya ko sarili ko."aniya.

"Belle hindi! Hindi ako uuwi, hindi kita iiwan dito!" Seryosong ani ko.

"Hindi ko rin hahayaan na manatili pa kayo dito Kuya!" Sigaw nya kasabay ng pagtulo ng mga luha nya.

Sa hindi ko maintindihan na dahilan, may tila umaalon akong naramdaman sa puso ko, hindi ko alam kung bakit ganun ang epekto ng sinabi ni Belle sakin.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit, sa hindi ko maintindihan na dahilan ay bigla ring tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Umuwi ka na Sir, magcocommute na lang ako." Aniya nang humiwalay sya sa pagkakayakap ko.

"No, ihahatid kita." Ani ko.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now