C H A P T E R 55シ

610 41 5
                                    

Belle's POV

Lumipas ang ilan pang minuto ay dumating na rin ang mga kaibigan ni Donny dala dala ang mga pagkaing binili nila.

Bumangon na din ako sa pagkakahiga dahil baka kung ano pang isipin nila, maingat kong tinanggal ang mga kamay ni Donny na nakayakap sakin.

Dahil sa takot na magising ito, nang makatayo ako ay agad akong lumabas upang asikasuhin yung mga kaibigan ni Donny.

Nang makalabas ako ay agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang lalaking hindi ko inaasahan na pupunta dito.

"A-Anong ginagawa mo d-dito?" Gulat na tanong ko.

Hindi naman sya sumagot, ramdam ko din ang tingin ng mga kaibigan ni Donny saming dalawa, hindi ko naman alam kung anong gagawin.

"Hinatid ko lang si Azri, kaso nakita ko sila na nasa labas kaya pinapasok ko na." Ani Kuya Aldean.

"Oo nga, bait nga ni Sir eh. Pinatuloy kami, ikaw kasi ayaw mo kaming pagbuksan." Ani Gio na pinakamadaldal sa kanilang lahat.

"S-Sorry, nakatulog kasi ako." Nahihiyang ani ko.

"Okay lang Belle, pinapasok naman kami ni Sir eh." Ani naman ni Kenzo.

"Noona? What the?!" Ani Azri ng makalabas sya galing sa kwarto nya. "What happened to your face?!" Gulat na aniya.

Agad nyang hinawakan ang mukha ko at inilapit sa kanya na parang bang doctor na sinusuri ang mga sugat sa mukha at iba pang parte ng katawan ko.

"A-Ano....wala toh Azri." Ani ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Halata naman sa mga kasama namin dito ang pagtataka, halatang naguguluhan sila sa mga nangyayari. Pinilit kong ibahin ang usapan para mawala ang pagkailang ko.

"A-Ahmm, nasan na pala yung mga binili nyong pagkain?" Ilang na tanong ko.

Tumayo naman ang ilan sa kanila na may bitbit na pagkain, agad ko naman silang nilapitan para kunin yong mga pagkain pero hindi sila pumayag.

Wala na kong nagawa kundi ang tulungan sila sa paghanda ng pagkain, naging maingay ang condo ko dahil sa kadaldalan ni Gio at ng iba pa nilang tropa.

"Sino yon Belle?" Tanong ni Gio. "Jowa mo?" Dugtong nya pa.

'Kulit amp!'

"Psh! Chismoso!" Pang aasar ko.

Nakita ko naman syang ngumuso matapos kong sabihin yon, kaya naman natawa ako.

Nang matapos kami sa paghahanda ng makakain ay agad silang dumalog doon at nagsimulang kumain. Hindi daw kasi sila nakapag lunch kanina dahil sa ginawang pag inom ni Donny.

Hindi pa naman ako gutom kaya napagpasyahan ko na lang na puntahan si Donny sa kwarto at dalhan sya ng makakain nya.

Wala sana akong balak na gisingin sya dahil nga ayaw kong magpakita pero dahil mukhang kailangan ay gigisingin ko na lang sya.

Papasok na sana ako sa kwarto ko pero pinigilan ako ni Kuya Aldean kaya wala na kong nagawa pa kundi ang harapin sya.

"Belle? Can we talk?" Aniya, kaya wala na kong nagawa kundi ang bumuntong hininga.

"Sila yung may gawa sakin nito." Ani ko sabay turo sa mga sugat na tinamo ko.

"Sinong sila?! Yan bang mga lalaki na yan?" Naguguluhang tanong nya.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now