CHAPTER 22🌙

2.2K 135 2
                                    

"H'wag na tayo manood ng event," ani Hannah habang naglalakad kami. Bago kasi magsimula ang event nililibot muna namin ang kabayanan-parade kung tatawagin.

"Bawal 'yun," tutol ko sa kaniya.

"Hindi bawal kung hindi tayo mahuhuli," naka-ngiting aniya at tinaas baba pa ang kaniyang kilay.

Napailing-iling na lang ako sa plano niya.

Si Hannah 'to at alam kong hindi ko siya mapipigilan sa plano niya. 'Tsaka mas maigi rin namang umuwi na lang kesa makipagsiksikan para makanood.

"Ang init," reklamo ko.

Nagulat ako ng biglang may inilabas na payong si Hannah sa kaniyang bag.

"May payong ka?" Nanglalaki ang matang tanong ko.

"Ay wala imagination mo lang 'yang nakikita mo," pamimilosopong sagot niya.

"I mean may payong ka pala ngayon mo lang naisipang ilabas. Nagtiis pa tayo ng init pwede naman palang hindi," inis na wika ko.

"Kasalanan ko pang ngayon ko lang naalala?"

"Sino pa ba?--"

"Bilisan niyo nga maglakad, nagtatalo pa kayo e parehas naman kayong...ahh nevermind," maarteng ani Trixie. Kaklase naming rich kid wala ng utak-what I mean is bobo.

Magsasalita pa sana si Hannah para sagutin si Trixie pero pinigilan ko siya.

Wala naman siyang mapapala kung ipapamuka niya na walang laman ang utak ni Trixie. Hindi nagpapatalo si Trixie idagdag pa ang mga kaibigan niyang pera lang ang habol sa kaniya. Bakit ko nasabi? Dahil narinig ko ang usapan ng mga kaibigan niya no'ng wala siya.

Bigla akong natauhan ng bigla akong higitin ni Hannah para tumakas. Agad siyang tumawag ng tricycle upang wala ng makakita sa ginagawa namin.

"Bakit ang aga niyo umuwi? Diba may event pa kayo?" Bungad na tanong ni Mama ng makita kami sa sala.

"Boring naman, Tita, kaya umuwi na lang kami," sagot ni Hannah.

"Oh sige, alis muna ako. Pupunta lang ako sa palengke. Zoey, bantayan mo ang tindahan," ani Mama bago tuluyang umalis. Hindi na siya nagtitinda ng isda sa palengke ngayon. Nagtayo na lang siya ng maliit na tindahan dito sa bakuran namin.

"Oh ba't may dala kang mga damit?" Kunot noong tanong ko habang pinagmamasdan ang isang pares ng pantulog at ang kaniyang dress na isusuot mamaya.

"Dito ako matutulog," simpleng sagot niya na siyang ikinatigil ko.

Pinatay ko ang TV at muli siyang tinanong.

"Bakit may dala kang damit?"

"Bingi ka ba? Dito nga sabi ako matutulog--" pauulit niya ngunit hindi na ito natapos ng bigla ko siyang pukulin ng unan.

"Aray ko!" Reklamo niya dahil sa muka tumama ang unan.

"Dito ka matutulog? Sino may sabing pwede?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Si ate Kath," maikling ani nito.

"Saan ka matutulog dito, aber?"

"Sa kwarto mo," simpleng sagot niya.

Patuloy pa aking nagsagutan at nagpukolan ng unan hanggang sa dumating si Mama at pinatigil kami. Alam na rin pala ni Mama na dito matutulog si Hannah. Ako lang ang walang kaalam-alam. Tuwing nagkakatinginan kami ni Hannah ay iniirapan namin ang isa't isa.

Pagpatak ng alas kwatro ay nagsimula na kaming mag-ayos dahil matatagal kasi dalwa kami. Habang inaayusan si Hannah ay plinantsa ko muna ang damit niya dahil nagusot sa pagkakalagay niya sa bag.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now