CHAPTER 9 🌙

3.5K 189 8
                                    

"The word petroleum literally means  'oil' from rocks. Petroleum is also known as fossil fuel since it came from the remains of plants and animal that lived millions of years ago. It is also called crude oil since it is mixture of severel hydrocarbons," nakangiti ngunit may kabang ani ko kay Ma'am Lucy. Nahuli na naman n'ya kasi akong nakatulala.

"Good akala ko ay kailangan na naman kitang palabasin," seryusong ani Mrs. Saberna.

Hay nako! 'Yang lalaking 'yan talaga lagi nalang nasa isip ko. Kung nilinaw lang sana n'ya 'yung sinabi niya ide sana hindi ko iniisip kung tama ba yung narinig ko. Hayst, kainis!

Ibinalik ko nalang ulit ang paningin kay Ma'am Lucy baka mamaya mapalabas pa ako ng tuluyan eh. Baka malaman pa ni Mama 'to lalo akong malilintikan.

"Oh, ano sis? Tulala ka na naman kanina. Akala ko mapapalabas ka na naman eh," pailing-iling na ani ni Hannah.

"Oo nga eh, buti na lang nasagot ko tanong ni Ma'am kun'di malilintikan na ako dun," aniya ko at napabuntong hininga.

"Ano ba kasi ang iniisip mo? Lagi ka na lang natutulala. May problema ka ba? Pwede mo naman sabihin sa 'kin. Handa ako makinig pero wala akong kwentang magpayo." Nag-aalalang tanong n'ya sa 'kin.

"Wala naman may gumugulo lang sa isip ko."

"Sino 'yan ha?" Pinaningkitan n'ya ako ng mata. "May bago na bang nagpapatibok ng puso mo?" Dagdag niya.

"Anong sino? Tsaka ano pinagsasasabi mo na nagpapatibok ng puso kadiri ka oy. Ikaw ata hindi nakikinig kapag nagtuturo si Ma'am. Pati pagtibok ng puso binibintang mo sa iba," napapailing na ani ko.

"Ok na, hindi na kita kukulitin. Dami mong nasasabi, eh," sabi niya sa akin at napa-irap pa." Una na ako na ako sa room," dugtong niya at padabog na tumalikod sa 'kin.

Bahagya akong napa-iling at ibinalik ang isip ko sa kanina pa nitong laman.

Tama ba talaga narinig ko? Gusto niya ako? Pero ilang buwan pa lang siya sa panaginip ko. Ilang buwan pa lang din kaming magkasama at magkakilala. Hindi naman siguro iyon 'yung sinabi nya. Tama, mali lang ako ng narinig. Pa'no niya ako mamahalin eh nasa panaginip lang kami.

Napailing na lang ako sa naisip ko. Mali lang siguro ang narinig ko.

"Plus 2, minus 2," bungad sa'min ni Ma'am MJ. Teacher namin sa filipino.

"Gaya ng dati plus 2 ang makasagot, minus 2 ang hindi makasagot."

Sinimulan na ni Maam MJ ang pagtatanong. Ganito lagi ang ginagawa niya t'wing pagkatapos n'ya maikwento ang pitong kabanata ng Noli Me Tangere.

"Blanza," tawag ni Ma'am sa isang kaklase ko.

"Sino ang magkatabing nakaupo sa ikalawang palapag ng tore?"

"Si Crispin at Basilio po maam."

"Marquez," napatayo ako sa gulat ng tawagin ako ni maam.

"Magkano ang sahod ng magkapatid na Crispin at Basilio?" nakatalikod na tanong ni Maam MJ.

"Dalawang piso po, Ma'am," sagot ko at umupo na ng makitang tumango ang teacher namin.

Nagpatuloy lang si Ma'am MJ sa pagtatanong hanggang sa tumunog ang bell hudyat na uwian na. Nag-ayos na ako ng gamit at nauna ng lumabas kay Hannah. Tiyak akong magtatanong 'yon sa 'kin tungkol sa kanina.

"So, sino nga 'yun sis?" Tanong ni Hannah na bigla nalang sumulpot sa tabi ko.

"Akala ko ba hindi mo na ako kukulitin?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Napaka-damot mo! Alam ko naman na lalaki lang 'yang nasa isip mo ayaw mo pa ikwento," nang-aasar na aniya nya.

"At sino namang tanga ang nagbalita na lalaki ang iniisip ko?" Napairap ako sa kawalan dahil sa kakulitan n'ya. Pilit niya talaga akong pinapaamin kung sino ang lalaking gumugulo sa isip ko.

"Sige una na ako. Bukas mo na lang sabihin kung sino 'yang maswerteng lalaki na 'yan," nakangisi n'yang sabi 'saka tuluyang umalis.

Umuwi na rin lang ako para gumawa ng mga assignments at project.

~•Dream•~

"Saan ka nakatira?" Pagtatanong ko kay Drake. Nandito kami sa garden at kumakain habang nagkwe-kwentuhan.

"Dito sa panaginip mo."

"'No'ng wala ka pa sa panaginip ko. Wala ka bang pinupuntahan na iba bukod sa panaginip ng iba?"

"Ahh, meron naman pumupunta ako sa kaharian ng Goddess of dream na si Morpheus," ani Drake.

"Morpheus?" Patanong na ani ko sa kan'ya.

"Si Morpheus ang nagpapadala ng mga panaginip ng tao, s'ya 'yung magde-decide kung anong panaginip ang masasaksihan ng tao kapag natulog na ito," paliwanag niya sa 'kin habang kumakain.

"Pa'no ka nakakapunta do'n?" Tumingin s'ya sa 'kin iniisip kung sasagutin ba ang tanong ko.

"Sa tulong na kaibigan kung si Princess Celestina."

"Sino siya? Anak ba s'ya ng Goddess of Dream?" Pagtatanong ko sa kanya at 'saka sumubo ng kinakain namin.

"Oo, sya ang bunso sa tatlong anak ni Morpheus. Pinakamabait at pinakamaganda ang bunsong si Princess Celestina. S'ya lang ang naging kaibigan ko sa tatlong magkakapatid dahil ang sungit ng dalwang prinsesa," natatawang kwento niya.

"Pa'no kayo nagkakilala?" Curious na tanong ko sa kaniya.

"Namamasyal ako no'ng may makita akong malaki at magandang kaharian. Bago ka makarating ng kaharian may mahabang tulay na dadaanan. Nang nasa gitna ako ng tulay meron akong nakitang nakatalikod na babae. Nilapitan ko 'yung babae. Pagkalapit ko hinawakan ko s'ya sa balikat sa gulat niya muntik na s'ya mahulog sa tulay kaya tinulungan ko," nakangiting kwento niya sa 'kin at sinubo ang kinakain niya.

"'Yung babaeng nakita ko sa tulay ay si Princess Celestina. Simula no'n naging magkaibigan kami pinapasok nya ako sa kaharian." Pagpapatuloy niyang kwento.

"Pwede ba tayong pumunta do'n?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Hindi pwede," malungkot na ani niya.

"Huh? Bakit naman? Diba kaibigan mo naman si Princess Celestina? Sigurado akong papapasukin niya tayo. Malay mo maging kaibigan ko rin s'ya."

"Dahil bawal doon ang tao. Kapag pumunta ka sa kaharian ng Goddess of Dream baka hindi ka na makabalik sa reality mo," malungkot na aniya.

"Sayang naman, gusto ko pa naman makita kung ga'no kaganda ang kaharian ni Morpheus," napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang na hindi ko man lang makikita ang magandang kaharian na ikwenento n'ya.

"Oh, ba't ang lungkot mo na?" Nagtatakang tanong niya sa 'kin.

"Gusto ko kasi talagang pumunta sa kaharian ng goddess of dream."

"Gusto mo bang hindi na makabalik sa reality?" Pagtatanong niya sa 'kin.

Napabuntong hininga ako. "Ayaw ko."

"Gano'n naman pala eh. Tara gala na lang tayo dito sa panaginip mo para hindi ka na malungkot," ani n'ya at inalalayan akong tumayo.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now