CHAPTER 19🌙

2.4K 166 6
                                    

"Oh, ba't pumasok ka na?" Nagtatakang tanong ni Hannah.

"Kailangan kong makabawi. Bagsak mga score ko noong nakaraan," paliwanag ko.

Isang linggo na akong hindi pumapasok at noong nakaraang linggo naman pumasok nga ako bagsak naman mga score. Ayuko ko bumagsak. Hindi pwedeng magpapatalo ako sa mga nangyayari. Hindi sapat na dahilan ang mga nangyayari sa akin para pabayaan ko ang pag-aaral.

"Magaling ka na ba talaga?Baka mamaya nasa clinic ka na naman. Naku, suki ka na ng clinic ha," aniya na tila sinesermunan ako.

"Oo, ayos lang ako, Hannah. Kumalma ka lang."

Nag-advance reading ako kahapon kaya nakakasabay ako sa mga lesson. Maganda na rin ang mga naging result ng mga quiz at recitation ko.

Panandaliang nawala sa aking isip ang nangyari. Ngunit hindi iyon nagtagal, muling pumasok ito sa aking isip ng tumunog na ang bell hudyat na uwian na. Ilang oras na lang at matutulog na ulit ako.

"Zoey, kain muna tayo. Libre ko," masayang ani ko. Bahagya pa akong nagulat sa sinabi niyang ililibre daw niya ako. Wow! Amazing! Ang kuripot kong kaibigan ililibre daw ako.

"Hoy! Alam ko 'yang itsura na 'yan. Grabe ha, gano'n na ba ako kakuripot para magulat ka ng ganiyan?" Tanong niya na tango naman ang isinagot ko.

Sasapukin na sana niya ako ngunit bigla akong tumakbo. Hinabol naman niya ako hanggang sa makarating kami sa isang kainan na siguradong hindi siya papayag dahil sa mahal ng mga pagkain.

"Hoy! Ang mahal ng paninda diyan. Bukod do'n ang pangit pa ng lasa. Kaya kung ako sa'yo pipiliin kong doon kumain," aniya sabay turo sa tindahan ng mga ihaw-ihaw.

Bigo akong hinila siya papunta roon. Akala ko naman pagkakataon ko na para sulitin ang libre niya. Dahil ngayon lang niya ako ililibre sinigurado kong mabubusog ako at mamumulubi siya. Pagkatapos maluto ang mga pagkain namin ay pumunta kami sa park upang makakain nang maayos.

"Kumusta na---" pagsisimula ko ng usapan ngunit bigla ko itong pinutol ng mapagtantong mali ang sasabihin ko.

Bahagya siyang tumawa bago magsalita. "Ayon, nagpaliwanag na siya sa 'kin. Lintek na dahilan 'yan," aniya bago sumubo at ngumiti ng bahagya.

"Hindi daw nag-aayos si Mama at sa edad na fourty muka na siyang sixty," muling aniya at tumawa ng pilit.

"Pinagpalit sa mas bata at mas maganda kasi hindi na makapag-ayos dahil sa dami ng ginagawa," aniya at muling tumawa ngunit sa pagkakataon na ito ay may tumulo ng luha sa kaniyang mga mata.

Madami pa siyang sinabi ngunit hindi ako nagsalita at pinakinggan lang siya. Ilang saglit pa ay tumigil din siya at sa wakas ay nasabi ko rin ang gusto kong sabihin.

"Hindi ko maintindihan ang mga tao ngayon....muka na ba ang basehan ng pagmamahal?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot. " Kasi kung ganoon ayuko ng magmahal."

Parehas kaming natahimik. Muling ibinaling ang pansin sa kinakain.

"Uwi na tayo, malapit ng dumilim." Anyaya ko. Wala akong nakuhang sagot pero tumayo siya bilang pagsang-ayon.

Nagdireretso siya sa paglalakad ng walang paalam. Hinayaan ko na lang muna siya, nasa proseso pa rin siya ng pagtanggap. At alam kong hindi 'yun madali. Umuwi na rin ako ng hindi ko na siya matanaw.

~•Dream•~

Malungkot kong pinagmasdan ang kulay itim na kalangitan. Hindi na ba 'to mawawala? Tuluyan na nga bang nasira ang panaginip ko?

"Zoey," tawag sa 'kin ng pamilyar na boses. Hindi ko ito nilingon. Tahimik kong tinahak ang daan papunta sa bago kong tambayan.

"Zoey, sandali," aniya at hinawakan ang braso ko.

"Drake, 'wag muna ngayon," mahinang ani ko 'tsaka naramdaman ang dahan-dahan niyang pagbitaw. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi ko ito nilingon, nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Halos dalwang linggo ko siyang hindi nakausap at nakita pero hindi sapat ang mga araw na iyon para magpatawad at kalimutan ang lahat. Si Adele naman hindi ko alam kong nasaang lupalop ng panaginip ko. Alam kong andito siya dahil sa nakakatakot na kulay ng paligid. Ayukong libutin ang panaginip ko dahil ayukong mangyari ulit ang muntik ko ng ikamatay.

Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko para maranasan 'to. Gusto ko lang naman matakasan ang reality sa pamamagitan ng mundong ito.

"D-drake," mahinang ani ko. Hindi ko namalayan na dinala na ako ng aking mga paa sa kaniya.

"Zoey," aniya at tiningnan ako. Hindi siya umibo na tila inaabangan ang susunod kong gagawin.

"Hindi mo ba ako sasaktan? Hahampasin? Sisigawan? Saktan mo ako, Zoey. Hindi kita pipigilan," aniya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinalo ang sarili niya gamit ang mga kamay ko.

"Zoey, ano ba? Sige na saktan mo na ako."

"Bakit kita sasaktan? Mababago ba niyan ang lahat ng nangyari? Hindi naman diba?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Oo nasaktan ako no'ng nalaman ko na ginagamit mo lang ako at may balak kang masama sa 'kin. Oo sobrang sakit no'n. Gusto kong magalit sa'yo. Gusto kong iparamdam sa'yo lahat ng nararamdaman ko," umiiyak na ani ko. "Pero hindi ko magawa kasi hindi ko ugaling gumanti. Hindi ko ginawa kasi hindi naman no'n mababago ang mga nangyari na," pagpapatuloy ko.

Wala akong narinig na tugon sa kaniya. Tanging paghikbi ko lang ang naririnig na ingay sa paligid.

"What a great scene," biglang singit ni Adele. Hindi ko namalayan na kanina pa pala siya nanonood sa aming dalwa.

"Ang tanga mo, Zoey," naka-ngiting aniya habang humahakbang papalapit sa akin. " 'Wag kang magpaka-anghel. Normal lang sa tao ang gumanti," dagdag nito.

"'Yan ba ang laman ng isip mo kaya mo nagawa ang lahat ng ito?" Tanong ko sa kaniya. "Ganiyan ka ba mag-isip kaya hindi ka pa rin nakakalimot?  Kaya hindi pa rin gumagaling 'yang mga sugat sa puso mo? Kasi kung ganoon ikaw ang tanga hindi ako," lakas loob na ani ko.

Bigla niya akong sinakal. Nakikita ko ang galit at lungkot sa muka niya.

"Wala kang alam, Zoey," matigas na aniya at sunod-sunod na nagpatakan ang kaniyang mga luha.

Unti-unting lumuwag ang pagkakakapit niya sa leeg ko. Patuloy na pumapatak ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"S-sorry," nakayukong ani ko.

Kitang-kita pa rin ang mga galit sa kaniyang mga muka. Sa tingin ko ay gusto na niya akong tuluyan ngunit pilit niya itong pinipigilan.

"S-sorry, Adele--"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang tumalikod.

Nabaling na lang ang paningin ko kay Drake na tahimik na nakayuko.

Tama si Adele, wala akong alam. Wala akong karapatan na husgahan siya. Wala akong alam sa nakaraan niya. Kung meron man siguradong isang pahina lang iyon ng kaniyang libro. At hindi 'yun sapat para husgahan at pagsalitaan siya ng kung ano-ano.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now