PROLOGUE🌙

36.6K 1K 101
                                    

"DISCLAIMER"

The story you about to read is a work of fiction. Name, characters,place,event and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemble to actual person, living or dead is purely coincidental.

This story is unedited. It might have typographical and grammatical errors ( 'nanaman', 'din/rin','raw/daw', 'sa'kin', 'sa'min)
I'll get back to this after I finish the whole story. I need your long patience for slow update.

   AUTHOR'S NOTE:
Feel free to comment your thoughts in this story, I would love to read them all. If you have some correction kindly do message me.
:)

***


"Zoey, mas maganda ang reality," pag-pupumilit na aniya.

Kanina niya pa sinasabi 'yan. Halos minu-minuto ay pinapa-alaala niya na mas maganda ang reality ko. Kung ako ang tatanongin mas maganda nga dito eh, kunting lakad ko lang nasa paris na ako o kaya isipin ko lang makakarating na ako.

"Zoey, tandaan mo mas maganda ang reality, hindi mo lang ito nakikita at pinapahalagahan kasi pinipilit mo na masama ang reality mo," muling aniya ng lalaking katabi ko.

Ito na naman siya sa pangungulit. Siguradong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako sumasang-ayon.

"Oo na paulit-ulit ka." Inis na sabi ko sa kanya at umalis sa tabi n'ya.

Pa'no n'ya nasasabi 'yun gayung hindi naman n'ya alam kung anong klaseng buhay ang meron sa reality. Sa paniginip lang siya nakatira at walang ibang alam kun'di ginhawa at saya.

Pa'no n'ya nasasabi ang bagay na 'yun kung hindi naman n'ya nararanasan ang mga hirap ko sa reality.

Paano?

Gusto kong magalit dahil lagi niyang sinasabi na mas maganda ang reality ngunit hindi naman niya alam ang buhay sa mundong iyon. Hindi niya alam kung paano manirahan doon.

Ngunit siguro nga ay tama s'ya mas maganda ang reality hindi ko lamang iyon nakikita at pinapahalagahan. Pero kung papipiliin ako gugustuhin kong mamuhay sa lugar na 'to. Walang sakit, walang luha at puro saya lang. Puro lungkot at hirap lang siguro ang buhay ko kung hindi ko nadiskobre ang mundong ito. Mundong lahat ng isipin ko ay magkakakatotoo.

“Zoey-" magsasalita pa sana ulit siya pero inunahan ko na.

“Ok, you win reality is better than fantasy !” Sigaw ko. “Hindi mo na kailangang ulitin-ulit,” pagpapatuloy ko.

“S-sorry,” malungkot niyang sinabi.

“Kailangan ko muna ng katahimikan, iwan mo ako dito,” mahinahon kong sinabi.

"H'wag ka nawang mahulog sa desisyon na hindi mo alam ang kahahantungan. Buksan mo ang iyong puso't isip, pagmasdan ang kagandahan ng reyalidad," makahulugan niyang wika bago umalis.

Ang kaniyang linya ay hindi maalis-alis sa isip ko. Anong nais niyang iparating? Anong alam niya?

~•~•~

Continue reading at alamin ang kwento sa likod ng lalaking sa panaginip lamang nakilala.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now