CHAPTER 26🌙

2.2K 136 8
                                    

"Good morning, Ma'am. I'm so sorry to interrupt your teaching. We're just having some announcements." Naka-ngiting bati ng SSG president kasama ang ilang officers.

"Come in," maikling sagot ni Mrs. Givenchy.

"Good morning, class. We were having a painting contest next week. May I know who's in this class knows how to paint or has a talent for painting?"

Limang estudyante ang nagtaas ng kamay at kabilang kami ni Lexi. Napataas ang kilay niya ng makitang nakataas ang aking kamay. Isang matamis na ngiti lang ang ginanti ko sa kaniya upang lalo siyang inisin.

"Oh, really, Zoey? I doubt that." Matapang na ani Lexi na hindi ko pinatulan. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti at ibinaling na sa unahan ang atensyon.

" Kung ako sayo 'wag ka na sumali. Bukod sa hindi mo afford ang painting materials kahit ata itlog hindi mo kayang ipinta," dagdag nito na siyang ikinakulo ng dugo ko.

" Talaga ba, Lexi? Itlog hindi ko kayang ipinta? Eh kaya ko ngang ipinta muka mo kasi muka kang itlog," mariing ani ko na siyang ikina-ingay ng mga kaklase namin.

Kaniya-kaniya hiyaw ang mga ito na parang nagche-chear.

"Class! Quiet! " Ma-awtoridad na wika ni Mrs. Givenchy. "Continue," ani nito sa SSG president.

"So sa mga gustong sumali pwede kayong magpalista ng pangalan mamaya nasa gymnasium kami. And also libre ang painting materials so hindi niyo na kailangan gumastos para lang makasali," ani SSG president bago magpaalam na aalis na.

Nagsimula ng magturo si Mrs. Givenchy, ipinagsawalang bahala ang nangyari.

Si Lexi ay matatalim pa rin ang binabatong tingin sa akin na patuloy kong ginagantihan ng ngiti.

Paulit-ulit kong pinapanalangin na sana bumilis ang oras para makauwi na ako at hindi na makasalamuha si Lexi ngunit napakamalas ko ngayong araw.

"Lexi and Zoey kayo ang mag partner," naka-ngiting wika ni Mrs. Givenchy sa aming dalwa.

Sa buong oras na ibinigay sa amin ay hindi kami nagkasundo ni Lexi. Kaya naman napagdesisyonan kong i-suggest na lang sa kaniya na ako na ang gagawa at manahimik na lang siya. Tutal wala rin naman siyang maitutulong, puro reklamo lang ang naririnig ko sa kaniya.

"Tapos na ikaw na mag-present niyan sa unahan," ani ko sabay bigay sa kaniya ng kodigo ng sasabihin niya.

"What?" Gulay na aniya.

"Ipre-present mo o sasabihin ko kay Mrs. Givenchy na hindi mo ako tinulungan.

Napabuntong hininga na lang siya bago basahin ang nakasulat sa papel. Sigurado naman akong kaya niyang mamemorya lahat ng nasa papel dahil kasali siya ng theater club at mahaba-haba pa ang oras bago dumating ang oras na siya na ang magpre-present.

Hindi naman ako nagkamali. Nang tawagin siya para pumunta sa unahan ay ibinato niya sa akin ang papel na ibinigay ko sa kaniya kanina. Maayos niyang naipresent ang gawa ko dahil ako lang naman talaga ang gumawa no'n. Walang kulang kahit na isang word sa kaniyang sinabi.

Kahit na pinuri kami ni Mrs. Givenchy ay hindi pa rin ako nakatanggap kahit na isang ngiti mula sa kaniya.

Hindi ko alam kung gaano ba kalalim ang galit nito sa akin at kung anong dahilan.

~•Dream•~

"How's your day?" Naka-ngiting tanong sa akin ni Drake.

"Ok lang," walang emosyong wika ko, wala sa mood para makipag-usap.

"Sigurado ka?" Tanong niya ulit.

"Oo nga." Ani ko na bahagyang barino ang tuno, pinipigilan ang sarili.

Bigla siyang tumawa kaya naman hinirap ko siya ng may nakataas na kilay.

"Sige na, kwento mo na kung anong nangyari," aniya at sumeryuso.

"Alin? Eh wala nga," mariin kong sinabi, patuloy pa ring pinipigilan ang sarili.

"Kung wala eh---"

"Ito kasing si Lexi, sumusobra na! Anong bang atraso ko sa kaniya?! Ba't gano'n na lang ang galit niya sa akin?" Galit na putol ko sa sinasabi niya.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at magbigay ng opinyon sa sinabi ko muli akong nagpatuloy.

"No'ng nakaraan pinatamaan niya ako ng bola sa muka. Oo, alam kong sinadya niya 'yun, hindi ko na lang pinatulan kasi ayaw ko ng gulo. Tapos kanina kahit pag-painting ng itlog sinasabi niyang hindi ko kaya!" Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ngunit hindi epektibo.

"Kunting-kunti na lang talaga papatulan ko na 'yung babaeng 'yun!" Ani ko sabay lingon kay Drake.

Nakatingin lang siya sa akin na para bang wala lang. Na para bang natural lang ang reaksyon ko at walang bago doon. Hindi man lang ba siya magtatanong kung sino 'yun. Hindi man lang ba niya ako iche-cheer sa mga plano ko sa babaeng 'yun. Mas lalo ata niyang pinag-iinit ang ulo ko.

Magtatanong-tanong siya tapos wala naman pala siyang pakinabang na pagsabihan ng sama ng loob.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Iritadong tanong ko na hindi nagpatinag sa kaniya.

"Why are you so beautiful even when you're mad?" Naka-ngiting wika niya habang patuloy pa rin siyang nakatingin sa 'kin.

"Ano?" Kunot-noong tanong ko upang malinawan.

"Ang ganda mo--"

"Crush mo 'ko, 'no?" Pabirong sabi ko na nagpagising sa pagkatulala niya. Pati ang namumuong galit ko sa kaniya ay humupa.

"Ano? Crush kita? Yak, kilabutan ka. Ba't naman ako magkaka-gusto sa 'yo? Hindi ka pasok sa standard ko, oyy," mabilis na aniya at pinagpagan ang balikat na parang may dumi ito.

"OA naman ng reaction mo. Halatang guilty," pang-aasar ko. "H'wag ka na mahiya. Ako lang 'to." Pagpapatuloy ko, tuwang-tuwa sa reaksyon niya.

Umarte siyang nasusuka dahil sa sinabi ko.

"Hoy! Grabe na reaction mo ha, nakaka-insulto," aniya ko at nagkunwaring galit.

"Joke lang naman. Maganda ka naman kaso..."

"Kaso?"

"Kaso...hindi ka talaga pasa sa standard ko, eh," aniya na punong-puno ng pagkabilib at paghanga sa sarili.

"Wow ang taas ha," ani ko at sabay kaming tumawa. Parehas napailing-iling sa kalokohan.

"Nako alisin na lang natin init ng ulo mo." Suggest niya.

"Pa'no?" Tanong ko na tila naghahamon.

"We're in your dream. You can control it and you love stars and moon, right?" Naka-ngiting wika nito.

Agad ko naman nakuha ang nais niyang iparating. Hindi na rin ako nagtanong ng kung ano-ano tulad ng 'Paano siya nakakasigurado na maaalis noon ang inis ko?' dahil aminado akong maalis nga no'n ang inis ko.

Sa isang iglap lang ay nakasuot na kami ng spacesuit. Mas lalo kong nafeel ang pagiging astronaut.

"Really, Zoey?" Aniya ng makita ang kaniyang suot.

"H'wag mo 'kong kuntrahin kung ayaw mong ibuhos ko sayo lahat ng galit ko," masungit kong wika na ikinatahimik naman niya.

Unti-unti kaming umangat. Hindi pa man kami nakakarating sa taas ay gumagaan na agad ang loob ko.

"Feel calm already?" Ani Drake at sinagot ko lang siya ng ngiti.

Mas lalong lumawak ang aking ngiti ng sa wakas ay narating na namin ang buwan na napapalibutan ng napakaraming bituin.

Wala akong ibang masabi kun'di napakaganda. Manghang-manghang inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Sinimulang hawakan ang mga bituin at mas lalong lumapit sa buwan. 

It's like feel at home. It's comporting me.


THE BOY IN MY DREAMNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ