CHAPTER 18🌙

2.4K 155 5
                                    

Nagising akong habol-habol ang hininga. Nasa tabi ko na si Ate at Mama. Bigla na lang akong napayakap sa kanila. Akala ko ay katapusan ko na.

"Oh, inom ka muna ng tubig," ani Ate at iniabot sa 'kin ang isang basong tubig. 

"Buti na lang narinig namin ang ingay na ginagawa mo kaya naagapan ka," mahinhing ani Mama.

"Ano po bang nangyari?" Pagtatanong ko.

"Binabangongot ka," si Ate na ang sumagot sa tanong ko.

Pagtingin ko sa paligid ay madilim pa. Mukhang matagal pa bago magliwanag. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table upang malaman ang oras. Tama nga ako matagal pa bago magliwanag, ala una pa lang ng madaling araw.

Umalis na si Ate ngunit kumuha lang ng kumot at unan si Mama. Tatabihan daw muna niya ako sa pagtulog.

Hindi na ako tumutol pa kahit wala na akong balak matulog pa.

Nangibabaw na sa ‘kin ang takot na baka matuluyan na ako kung babalik pa ako.

"Malayo pa ang umaga. Matulog ka muna, nasa tabi mo naman si Mama," ani mama at niyakap ako. Gumanti na lang din ako ng yakap at nagpanggap na natutulog.

Gusto ko lang naman sumaya. Gusto ko lang naman buo ng sarili kong mundo. Gusto ko lang naman takasan ang reality ko. Bakit nagkaganito? Bakit kailangan umabot sa ganito? Ano bang maling ginawa ko? Ano bang ginawa ko sa kanila? Kasi kung ako ang tatanungin, wala ang sagot.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi ko na sana hinayaang manatili si Drake sa tabi ko. Hindi ko na sana siya hinayaang mapalapit sa ‘kin.

"Anak, tulog na. H‘wag ka ng umiyak," wika ni Mama at hinagod ang likod ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Safe ka na, andito na si Mama sa tabi mo," aniya upang mapatahan ako.

"Zoey, anong nangyari sa ‘yo. Nagshabu ka ba?" Aniya ‘tsaka tumawa. Hindi ko magawang gantihan ang mga tawa at pang-aasar niya. 

Agad din siyang tumigil ng mapanaing seryuso ako.

"Ah...eh...anong problema? Mukang hindi ka nakatulog," seryusong aniya.

"Wala."

Hindi na niya ako ulit kinulit. Hinayaan niya na lang ako sa gusto ko.

Hindi ako masyadong active sa klase ngayon. Hindi rin ako nagsulat ng mga notes. Ilang teacher ang nadismaya sa mga score ko ngunit hindi na nila ako tinanong kung anong nangyayari sa ‘kin.

Lumipas ang mga araw at ganoon pa rin ang lagay ng mga score ko. Mas lalong lumaki ang eyebags ko at pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin. Ilang araw na akong walang tulog. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isip ko ang mga nangyari.

Masama na ako kung hahayaan ko si Drake na kasama si Adele. Alam kong hindi sigurado ang kaligtasan niya kapag kasama ito ngunit wala na akong magagawa.  Kailangan kong isipin ang sariling kaligtasan, kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang pipiliin ko muna ang sarili ko.

"Zoey, pakikuha naman ng libro ko. Nasa lamesa sa faculty," utos ni Mrs. Pierson.

Alam ko sa sarili ko na hindi ko na kaya ngunit pinili ko pa ring sundin ang utos niya.

Nakarating naman ako sa faculty at nakuha ang pinapakuha ni Ma'am. Papaakyat na ako ng hagdan ng makaramdam ng hilo. Binaliwala ko ito at pinagpatuloy ang pagakyat. Nagdadalwa na ang paningin ko ngunit pinilit ko pa rin. Huling hakbang na lang at makakarating na ako sa taas ng sumala ang tapak ko. Nahulog ako pababa, nauna ang pwetan kong dumait sa baitang ng hagdan bago ako tuluyang gumulong pababa. Unti-unting nagdilim ang patingin ko hanggang sa wala na akong pakita.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now