CHAPTER 12🌙

3K 169 20
                                    

"Grabe talaga ang pinsala ng bagyo," naka-pamewang na ani mama habang inililibot sa paligid ang paningin.

"Oo nga, sa kabilang kalye may natumbang punong kahoy," aniya naman ng kaharap na babae ni mama.

Mukang sa isang linggo pa magkakaroon ng pasok. Bukod kasi sa madaming nasirang bahay, may mga natumba rin na mga poste at puno, idagdag pa ang hanggang tuhod na baha.

Sinimulan na namin linisin ang loob at labas ng bahay. Puno ng mga dahon at basura ang bakuran namin. Tumigil lamang kami sa paglilinis ng makaramdam ng gutom. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa paglilinis. Natapos namin ang lahat ng gagawin ng papalubog na ang araw.

"Nakakapagod ang araw na ito," ani ate at nagpakawala ng buntong hininga.

"Zoey, magluto ka muna ng sinaing," utos ni mama na agad ko namang sinunod.

Pagkatapos kumain ay si ate na ang nagligpit ng kinainan namin. Kaya ito ako ngayon napagdesisyonan ko na magbasa muna ng libro habang maliwanag pa.

~•dream•~

"Welcome back," masayang bati ni Drake sa akin.

"Bakit andami atang pagkain ngayon," nagtatakang tanong ko.

"Magd-date tayo," bulong niya.

"Ano?" Tanong ko dito dahil hindi naging malinaw sa pandinig ko ang sinabi niya.

"Wala, upo ka na lang at kumain na tayo. Gutom na ako," aniya at inabutan ako ng pinggan na may laman ng pagkain.

"Wala ng bago. Lagi ka naman gutom."

"Grabe ka sa 'kin, mahina lang kaya ako kumain kaya mabilis ako magutom," aniya.

"Oo nga pala mahina ka lang kumain," aniya ko habang patango-tango.

"Mahina nga pala. Kaya mo lang siguro kumain ng isang puno sa kalderong kanin tapos isang kaserolang ulam," aniya ko habang patango-tango pa rin.

"Grabe ka talaga sa 'kin, 'no? Kung laitin mo ako eh malakas ka rin naman kumain," inis na wika niya.

"Anong malakas kumain? Eh kunti nga lang ang kinakain ko," pagdedepensa ko sa sarili.

"Ahh, hindi pala," ani niya habang ang paningin ay nasa plato ko.

Napakamot ako sa ulo ng makitang nilalagyan ko ng pagkain ang plato kong marami pa ang laman.

"Hindi man lang ako nabusog. Ikaw lahat ang kumain eh," reklamo niya.

"Anong ako? Eh, ikaw itong nabubulunan sa katakawan."

Nagsimula na kaming magtalo kung sino ang mas matakaw sa'min hanggang mapagdesisyonan na mag-dream travel na lang ulit.

"Niyaya mo talaga ako mag-dream travel para hindi mabunyag katakawan mo,'no?" Aniya habang pailing-iling.

"Ikaw naman talaga mas matakaw eh," aniya ko.

"Kaya pala naubos mo yung letsong manok."

"Tsk. Pili ka na lang ng kulay ng pinto ang ingay mo eh," aniya n'ya habang nakatingin sa tatlong pinto.

Basta ko na lang binuksan ang kulay blue na pinto. Agad ko iyong sinara ng makita ang nakakakilabot na laman ng loob ng kwarto.

"Oh? Bat mo sinara?" Nagtatakang tanong nito sa 'kin.

"Wala, ito na lang kulay violet na pinto, baka mas maganda 'to,"aniya ko at 'saka pilit siyang hinigit.

Pero ang kumag na ito ay ayaw magpadala.

"Ayuko diyan, dito tayo mas gusto ko dito," pagpipilit ko ng hinatak niya ako sa kulay blue na pinto.

"Mamaya nacurious ako kung bakit inayawan mo ito," naka-ngising aniya.

"H'wag na nga!" Sigaw ko sa kaniya ng lumapit siya sa pintong kulay blue.

Binuksan niya ang pinto ngunit dahil sa takot ay hindi ko na ito muling sinilip.

"Zoey, ipis!" Sigaw niya.

Dahil sa takot na may iligay siyang ipis sa 'kin ay napatalon-talon ako sa takot.

Agad naman akong napatigil ng marinig ang malakas niyang tawa.

"Happy ka na?" Inis na tanong ko.

Tumatawa tawa pa rin siyang lumapit sa kulay violet na pintuan.

"Takot ka pala sa ipis," natatawang wika nito.

Dahil sa inis ay nauna na akong pumasok.

Ang dilim naman dito sa loob. Wala akong makita, ano ba naman itong panaginip na 'to? Ilang minuto akong palakad-lakad hanggang sa may maramdaman akong pumupulupot sa paanan ko. Nagsimula na akong kabahan dahil kahit ano ay wala akong makita.

"Zoey," tawag ni Drake mula sa malayo.

"Drake, andito ako," tawag ko dito. Nahanap niya ako. Lumiwanag ang paligid dahil sa dala niyang ilaw. Halos kapusin ako ng hininga ng makita kung ano ang nakapulupot sa paa ko.

"Zoey,'wag ka gagalaw," mahinahong wika ni Drake.

"Drake," maluha-luhang tawag ko sa kaniya.

"Zoey, kalma ka lang, tandaan mo nasa panaginip ka lang," mahinahon pa ring wika niya.

"Drake gumawa ka ng paraan. Alisin mo 'ko dito," umiiyak na pakiusap ko sa kanya.

"Bumuo ka ng itak gamit ang isip mo, Zoey," ani n'ya.

Naguguluhan man ay sinunod ko siya. Bumuo ako ng itak gamit ang imahinasyon ko, lumabas ito malapit sa kinatatayuan ni Drake.

"Zoey, pumikit ka lang, 'wag kang didilat hanggang hindi ko sinasabi," kalmadong ani niya.

Pumikit nalang ako gaya ng sabi niya. Ilang saglit pa ay unti-unti ng lumuluwag ang pagkakapulupot ng ahas sa binti ko.

"Open your eyes, Zoey," mahina niya wika.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakita kong wala ng buhay ang mga ahas, habang si Drake ay may mga tilamsik ng dugo sa kaniyang damit.

Patakbo akong lumapit sa kaniya at yumakap.

"Thank you, Drake," umiiyak na ani ko.

"You're welcome, baby," mahina niyang sabi at mas hininaan pa ang huling salita kaya hindi ko naintindihan.

"Stop crying, baby," mahinang wika niya ngunit gaya kanina ay hindi ko naintindihan ang huling salita. "I'm always here for you," dugtong niya.

Bumalik nalang kami sa panaginip ko at hindi na nagdream-travel.

"Zoey,sorry. I'm really sorry," malungkot na wika niya..

"Bakit? Para saan?" nagtatakang tanong ko.

"Dahil sa 'kin muntik ka na mapahamak. Dapat hindi kita tinakot," malungkot na aniya.

"Ano ka ba? Hindi mo kasalanan 'yon. Hindi mo kailangan magsorry, dapat nga magpasalamat ako sa'yo dahil niligtas mo ako," naka-ngiti kong wika at niyakap siya.Gumanti siya ng yakap ngunit hindi iyon nagtagal ng kalasin ko ang pagkakayakap sa kaniya.

Habang tumagal ay mas lalo akong napapalapit sa kaniya. Mas lalo ko siyang nakikilala hindi man gano'n kakilala, pero masasabi ko na mabait siya at hindi niya ako papabayaan habang magkasama kami. Napangiti ako ng makitang kumakain s'ya. Wala talagang kasing takaw ang lalaking ito.

"Gusto mo?" Tanong niya ng makitang nakatingin ako sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya at sinaluhan siyang kumain.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now