CHAPTER 5🌙

4.8K 235 41
                                    

It was a normal day again at school. Woah, napapa-english ako ah epekto na ba 'to ng pag-aaral ng mabuti. Nakinig lang ulit ako sa klase at noong uwian na hinintay namin si Kyle sa tapat ng gate. Inakit kasi n'ya kami kahapon na gagala raw ulit kaya hihintayin namin s'ya dito sa tapat ng school. Nabanggit din niya na may isasama siya ngayon, siguro isa sa mga kaibigan niya para hindi siya nag-iisang lalaki.

"Oh, ayan na pala s'ya," wika ni Hannah at napalingon agad ako kung saan siya naka-tingin.

Napasimangot agad ako ng makita kong may kasama s'yang babae. Akala ko naman kaibigan niyang lalaki isasama niya. Sino naman kaya 'yang maganda niyang alalay?

"Hannah, Zoey, girlfriend ko nga pala si Hailey," naka-ngiti niyang pagpapakilala sa babaeng kasama niya. Wait- ano raw? Girlfriend?! Hindi ba siya nagkakamali? Seryuso na talaga? Final na? Hindi kami ang end game.

"Hi Hailey, ako si Hannah," naka-ngiting ani n'ya at nakipag kamay. Gano'n na lang din ang ginawa ko. Binigyan ko lang ng peke at pilit na ngiti ang mala-angel nitong muka.

Ba't ko ba natanong sa sarili ko kanina kung seryuso ba si Kyle na gf niya 'tong babae na 'to. Hindi naman malayo na magustuhan siya ni Kyle. Mula sa maputi at makinis na balat nito ay kompermadong mayaman. Kung tititigan mo siya ay masasabi mong matalino at higit sa lahat mabait, muka rin siyang mahinhin. Hindi tulad ko na hindi na nga mukang tao ang lakas pa tumawa.

Ano ba naman 'tong buhay na 'to pa crush-crush na nga lang nab-broken pa. Ito na ba ang epektong kamalasan na dala ni Hannah?

"Oh tara na, baka gabihin tayo," ani Hannah kaya naman umalis na kami at pumunta sa malapit na park.

Namayani ang nakaka-binging katahimikan ng magsimula na kaming mag-lakad.

"So, ilang months na kayo?" Minsan sarap sipain nitong si Hannah eh, magtatanong pa talaga. Hey, Sis! Andito ako nasasaktan, chos.

Patuloy lang silang nagkwe-kwentuhan hanggang sa makarating kami sa pinaka-malapit na park. Samantalang ako ito pakain-kain lang. Ayuko makisali sa usapan nila lalo na at si crush at 'yung girlfriend n'ya ang topic.

"Zoey, ok ka lang ba?Kanina ka pa tahimik, eh." Nag-aalalang wika ni Hailey.

"Medyo masama lang pakiramdam ko pero kaya ko naman," dahilan ko upang pagtakpan ang sariling katahimikan.

"Uwi ka na kaya, baka kung mapaano ka pa, 'teh," suhestyon ni Hannah. Hay, sa wakas may nagawa ka ring mabuti sa araw na 'to.

Sinang-ayunan ni Hailey at Kyle ang suggestion ni Hannah kaya wala akong nagawa kun'di magpaalam na.

"Ingat, Zoey," sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

"Pagaling ka, Zoey," nakangiting ani Kyle.

"Sige thank you, ingat din kayo," wika ko at tuluyan ng nagpaalam sa kanila.

Ansakit kaya makita na 'yung crush mo may gustong iba. Ok lang yan, hanap nalang ako ng ibang crush madami naman diyan eh. Wait- nasa'n ba listahan ng mga crush ko? Isasampal ko lang kay Kyle para malaman niyang hindi ako ang nawalan.

"Aray," mahinang wika ko ng masagi ako ng kasalubong ko. Nangalat pa ang mga librong hawak ko sa kalsada.

Isa-isa kong pinulot ang mga gamit ko, nag-aantay na tulungan ako ng nakasagi sa 'kin ngunit hindi nangyari yun. Paglingon ko sa aking likuran ay doon ko napagtanto na isang grupo ng magkakaibigan ang nakasalubong ko at ang nasa dulo ang nakasagi sa 'kin. Napa-iling-iling na lang ako at naglakad na ulit.

Pagka-uwi ko ay naabutan kong magka-usap si Mama at Papa sa cellphone. Mukang nagtatalo na naman sila ngunit hindi ko na 'yun pinansin. Pumasok na lang ako sa kwarto ko at nagsimulang magbasa-basa ng susunod na lesson.

Dream~

"Huy! Bakit tulala ka?" Napatalon ako sa gitla ng bilang sumulpot si Drake sa tabi ko.

Lagi nalang s'ya sumusulpot kung saan-saan parang taeng bigla mo nalang matatapakan sa daan.

"Ba't ka ba ng gugulat, ha?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Tulala ka kasi, ano ba iniisip mo?"

"Wala ka na do'n," inis na wika ko sa kanya at umalis na sa garden para kumain sa mga restaurant dito sa panaginip ko. Kakagutom kaya mag-isip sa wala.

"Hoy! Saan ka? Sama ako," sigaw n'ya pero hindi ko s'ya pinansin alam ko naman na susunod 'yan kahit hindi ko sabihin.

"Napaka-sarap talaga ng mga pagkain dito," ani Drake habang patuloy sa pagkain.

"Ano ba problema mo at natutulala ka?" Pangungulit nito sa 'kin.

"Hindi ako gusto ng crush ko," wala sa sariling wika ko.

"Problema ba 'yan 'di ako ang gustuhin mo," wika n'ya pero hindi malinaw sa 'kin kung ano 'yun.

"Ano yun? May sinasabi ka ba?"

"Wala sabi ko kumain na na tapos gagala ulit tayo sa panaginip mo," wika n'ya kaya kumain nalang ako.

"Ilang araw ka na pala dito sa panaginip ko,'no?" Pagbubukas ko ng bagong topic.

Andito kami ngayon sa dagat at pinapanood ang paglubog ng araw.

"Hindi araw, kun'di buwan na."

"Huh? Ano ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kan'ya.

"Matagal na ako dito, matagal na rin akong naglilibot sa panaginip mo," pagpapaliwanag n'ya sa 'kin.

"Eh ba't hindi naman kita nakikita?"

"Dahil hindi ako nagpapakita."

"Eh, ba't ka naman nakarating sa panaginip ko?" Nagtatakang tagtatanong ko.

"Isa akong dream traveler kung kani-kanino ako na pupuntang panaginip--" hindi n'ya natapos ang sasabihin dahil nagsalita na agad ako.

"Dream traveler? Ibig sabihin hindi ka lucid dreamer na tulad ko?"

"Dream traveler sabi ko diba hindi lucid dreamer."

*-_-

"Madami na akong panaginip na napuntahan pero itong panaginip mo ang pinaka nagustuhan ko kaya nag stay ako dito," pagkwe-kwento pa niya.

"Mamatay na nagtanong," pambabara ko sa sinabi ni Drake.

"Sungit mo ah, bigla ka bang dinalaw?" Nang-aasar na wika nito. Luh, hindi man lang napikon.

"Ewan ko sayo," tawa lang ng tawa si Drake. Ewan ko ba baliw na ata 'to.

Ilang oras nalang magigising na naman ako. Para atang ayaw ko ng gumising. Gusto na dito nalang tumira.

"Maganda ba tumira sa panaginip?" pagtatanong ko kay Drake.

Bigla siyang sumeryuso."Hindi din."

"Bakit naman? Sa tingin ko mas maganda dito kasi walang problema, walang aapi sayo, magagawa mo ang lahat ng gusto mo--"

"Pero wala dito ang pamilya mo," putol ni Drake sa sinasabi ko.

Bigla akong natahimik dahil sa sinabi niya. Hindi dahil tama siya, kun'd may nakita akong lungkot sa kaniyang mga mata ng banggitin niya ang salitang 'pamilya'.

Bakit gano'n na lang ang kaniyang naging reaksyon?

Napa-tanong agad ako sa aking sarili kung may pamilya ba siya. Kung nasaan sila? At iba pang tanong na tanging siya lamang ang nakaka-alam ng kasagutan.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now