CHAPTER 2🌙

9.4K 329 59
                                    

Nagising ako sa malakas na alarm ng aking cellphone. Nakakahiya kasi sa kapitbahay kapag si mama ang maggigising sa 'kin daig mo walang kapit-bahay kung makasigaw.

Lumabas na ako ng kwarto para mag-almusal at maligo para pumasok ng maaga.

"Anak," tawag sa akin ni Mama habang nasa banyo ako.

"Bakit po?"

"Bago ka pumasok ay dumaan ka muna kina Aling Marta kuhain mo 'yung bayad sa isda at 'yun ang ipambaon mo ha. Aalis na ako. Ikaw na bahalang magsarado ng bahay." Dire-diretsong wika ni Mama. Hindi na ako nag-abalang sumagot pa dahil naramdaman ko na ang pagbukas at sara ng pinto.

"Oh, ito Neng," naka-ngiting wika ni Aling Marta.

"Salamat po."

Handa na sana akong maglakad at magtungo sa school ngunit may nahagip ang aking mga mata. Hindi ako sigurado kung tama ba ang nakikita ko at hindi ko rin natitiyak kung siya nga iyon kaya naglakad na ako muli.

"Zoey!" Pagkapasok na pagkapasok ko ng room ay nakakarinding boses agad ni Hannah ang narinig ko. Isinawalang bahala ko muna ang mga nakita ko kanina.

"Oh, problema mo? " Inis na tanong ko dito magang-maga kasi nakakarindi boses n'ya.

"Magang-maga mainit ulo mo," seryusong wika nito sa 'kin kaya nilagpasan ko na lang s'ya at pumunta sa upuan ko. Ramdam ko naman na sumunod sya sa 'kin.

"Sis, may chika ako sayo," excited na excited na wika niya.

"Oh, ano 'yun?" Walang gana na tanong ko sa kanya.

"Sis, ang gwapo no'ng naka salubong kung grade 10 student kanina grabe," hays ano pa ba bago? Puro kalandian lang naman chika nito. Wala man lang chika na makabuluhan at may silbi.

Tinitigan ko lang s'ya na parang walang pakialam pero totoo naman na wala akong pakialam. Lagi na lang kasi gwapo ang bukang-bibig niya. Minsan nga ay magko-kunwari siyang busy at bina-bangga nito ang mga gwapo na nakikita niya para lang magpapansin. Noong umulan kasi ng kakapalan ng muka may dalang drum si Hannah, kaya ang ending ito walang hiya.

Magsasalita pa sana s'ya ng biglang pumasok si maam Lucy.

"Open your book on page 142," bungad ni Ma'am ng tuluyang makapasok sa room. Hindi na talaga siya nag-abala na batiin kami ng 'good morning', ha.

"Our topic for today is matter," pagsisimula ni Mrs. Saberna.

Natapos si Ma'am sa pagtuturo at syempre kasunod nito ay quiz kaya naman kailangan mong makinig para may maisagot ka.

Natapos na ang isang araw na puro assignments na naman.

"Zoey, una na ako ha, may pupuntahan pa kasi ako," paalam sa 'kin ni Hannah.

"Ah sige ingat ka,"aniya ko at pinagpatuloy na ang pagliligpit ng mga gamit ko at umuwi na rin.

Habang naglalakad ako ay may nasimot akong ID kaya tiningnan ko kung kanino ito.

"Kyle Zai Smith," shit! Tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para magkalapit kami kaya naman hinanap ko s'ya at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko s'ya sa 'di ka layuan sa 'kin.

Agad ko siyang nilapitan dahil bukod sa kilala ko siya, siya rin ang nag-iisang student mula sa kabilang school.

"Hi, pwede po bang magtanong?" Mahinhing tanong ko sa kaniya.

"Sure," maikling tugon nito.

"May kilala ka po bang 'Kyle Zai Smith?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Ako 'yun,bakit?" Masungit na aniya. Luh, kung hindi ko lang 'to crush baka sinungitan ko na rin siya.

"Ahh nahulog mo po 'yung ID mo sa daan," naka-ngiting ani ko.

Mas-gwapo talaga siya sa malapitan, sana tumigil ang oras at manatili kaming ganito.

"Ay thank you ha, oh ito." Aniya n'ya sabay abot sa 'kin ng pera.

"Para saan 'yan?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"'Di ba 'yan naman talaga ginagawa kapag may nag-suli ng gamit mo at 'yun naman ang dahilan kung bakit m-" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng magsalita ako.

"Kung 'yun ang iniisip mo iyo na 'yang pera mo kahit mahirap lang kami hindi ko tatanggapin 'yan," galit na ani ko sabay alis. Gwapo mo nga sama  naman ng ugali mo.Grrr.

Umuwi nalang ako sa bahay para maka-gawa na ng assignments at makatulog na. Hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan sa bahay ay agad na akong napahinto ng marinig ko ang boses ni Mama, kausap niya si Papa.

"Sana hindi mo na lang pinangakuan ang mga bata lalo na at hindi ka naman sigurado," mahinahong ani Mama.

Hindi ko man naririnig ang mga sinasabi ni Papa ngunit alam ko na agad ang pinag-uusapan nila. Isa lang naman ang pangako sa 'min ni Papa eh, 'yun ay uuwi na siya ngayong taon.

Nang hindi ko na marinig ang boses ni Mama ay agad na akong pumasok sa bahay na parang walang narinig.

"Hi, Ma," tanging bati ko na sinagot lamang niya ng ngiti.

Umasta akong walang narinig at dumiretso sa aking kwarto upang magpalit ng damit.

~•Dream•~

Sa muling pag-mulat ng aking mga mata ay nasilayan ko na naman ang mundong gawa-gawa lang ng imahinasyon ko.

Buti pa sa panaginip ko close kami at maganda pakikitungo nya sa 'kin.

"Zoey, kumusta? ," masiglang tanong  ani Kyle. Andito kami sa garden ng panaginip ko maganda at sariwa kasi ang hangin dito. Ito ang pinaka-paborito kong lugar sa panaginip ko, wala kasi sa reality nito. Puro usok ng mga sasakyan na lang ang nalalanghap ko sa reality.

" Ayos lang,ano pinunta mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Yayayain sana kita mag-date kung 'di ka busy," naka-ngiting ani Kyle.

"Ahh oo--"hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil may bigla na lang nagsalita sa likod ko.

"Anong date? Niloloko mo lang ba ako? Sabi mo ako lang." Aniya ng hindi pamilyar na lalaki na pumutol sa sasabihin ko kanina.

Hindi ko s'ya kilala, hindi ko rin s'ya binuo sa isip ko para lang umeksena sa usapan namin ni Kyle. Hindi ko kailangan ng kontrabida, 'no.

"Sino ka ba ha?" Inis na tanong ni Kyle.

"Ako na ang bahala dito basta puntahan na lang kita mamaya," aniya ko at pinaalis na muna siya.

"Umalis ka, umalis ka, "wika ko sa isip ko ngunit hindi gumana.

"Umalis ka." Muling wika ko sa isip ko ngunit hindi pa rin gumana.

"Kahit anong gawin mo hindi mo 'ko mapapaalis," tumatawang ani n'ya.

"Sino ka ba? Bakit nakarating ka dito?" Inis na wika ko sa kanya ngunit tinawanan nya lang ulit ako. Ay nako, kainis!

Tinalikuran na nya ako pero sinundan ko s'ya dahil gusto ko malaman kung sino s'ya at bakit s'ya nandito.

"Oh bat sumusunod ka sakin? Pogi ko ba?" Mapang-asar na aniya.

"Asa ka naman, sino ka ba at anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko ngunit tinawanan n'ya lang ako. Nakaka-asar lang ha, ang seryuso ko dito tapos tatawanan lang n'ya ako. Muka ba akong katawa-tawa?

"Malapit ka na gumising kaya sa susunod nalang na bumalik ka dito,"ani n'ya at tinalikuran na ako.

Ilang sandali ay narinig ko na ang boses ni mama na ginigising ako.Sana lang wala na siya dito kapag bumalik ako. Panira siya ng panaginip, eh.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now