CHAPTER 21🌙

2.4K 146 18
                                    

"Mukang galante kaibigan mo kagabi, ah. Hindi ko na namalayan ang pagdating mo," ani Mama habang naghahain ng pagkain. Maaga pa naman ng umuwi ako ngunit maaga ring natulog si Mama. Pagod siguro siya kaya naman kahit alas syete pa lang ay himbig na siya.

"Oo nga, Mama, eh. Kung makagastos siya kahapon parang hindi ako pinagdadamutan ng limang piso dati eh," kwento ko at parehas kaming tumawa.

Nalala ko tuloy 'yung mga panahon na humihiram ako sa kaniya ng five pesos pambayad ng fines. Hindi niya ako pinapahiram, pinapagalitan niya pa ako dahil ang daldal ko. Wala kasing teacher no'n at nagkwekwento ako kay Hannah tungkol sa ginawa namin noong bakasyon. Sinisenyasan niya akong 'wag maingay pero diretso pa rin ako. Hindi ko alam na kaya hindi ako kinakausap ni Hannah kasi may naglilista ng noisy. Hindi ko magawang magtampo sa kaniya noong mga panahon na 'yun dahil sinenyasan na niya akong 'wag maingay.

"Nalabhan ko na ang damit mo, paplantsahin ko na lang mamaya kapag tuyo na," ani ate Kath at umupo sa tabi ko.

"Thank you, ate Kath," naka-ngiting wika ko.

"Basta para sa 'yo," aniya at tinaas baba ang kilay na naging dahilan ng tawanan namin. "By the way, may mag-aayos na ba sa inyo?" Tanong niya na iling naman ang naging sagot ko.

"Pulbo at liptint na lang, 'teh, ok na 'yun---"

"Ay nako! Hindi kami papayag ni Mama. 'Di ba, Mama?" Aniya at tumingin kay Mama, naghihintay ng sagot nito.

"Hindi talaga, lalo na at ngayon ka lang aattend ng party sa school," ani Mama.

Pagkatapos naming kumain ay naggayak na agad ako para makapasok na. Naka-P.E uniform lang ako ngayon, hindi pa Friday pero wala naman kasi kaming klase ngayon. Ang bawat grade level ay nakatuka sa magkakaibang gawain. Foundation day na bukas at siguradong busy ang lahat sa pag-aayos.

Gaya ng inaasahan ko abala na ang lahat sa kaniya-kaniyang gawain. Hindi din sila naka-uniform, ang iba nga ay naka-free style. Gaya na lang ni Hannah na natanawan ko sa 'di kalayuan. Abala siya paggawa ng mga design habang ang iba naming kaklase ay idinidikit na ito sa pader.

"Oh buti naman naisipan mo pang pumasok," ani Hannah na busy pa rin sa kaniyang ginagawa. Eight o'clock na kasi at madami-dami na silang nagawa.

Hindi ko sinagot ang sinabi niya. Umupo na lang ako sa kaniyang tabi at tumulong.

Matapos gawin ang mga design para sa stage ay nilinis na ng mga sophomores ang kalat namin. Sila kasi ang nakatuka sa paglilinis.

"Ayos na ba ang susuotin mo bukas na gabi?" Tanong ni Hannah habang nakapila kami sa canteen.

"Oo nilabhan na ni ate Cath kanina. Sabi niya siya na raw ang bahala sa pagplantsa noon. Pinapasabi rin niya na siya ang mag-aayos sa atin bukas," naka-ngiting ani ko. Excited na ako para bukas baka hindi ako makatulog nito ah.

Pagkatapos naming makabili ng pagkain ay dumiretso na kami sa lamesang pang-dalwang tao. Doon namin sinabi sa isa't isa ang plano para bukas.

Pagkatapos ng parade ay magaganap ang ilang event na hinanda ng mga Senior Highschool. Kalahating araw lang iyon dahil mag-aayos pa ang mga Senior Highschool sa hapon. Sila kasi ang nakatuka sa mga event at sa party sa gabi.

Saktong pagtapos naming kumain ay may narecieve siyang tawag na agad naman niyang sinagot. Base sa kanilang pag-uusap ay nahulaan kong ang Papa niya ang tumawag.

"Ok na kayo?" Tanong ko pagkatapos nilang mag-usap. Tanging pagtango lang ang naging sagot niya. "Bakit? Paano?" Naguguluhang tanong ko. Malaki ang naging kasalanan ng kaniyang Papa sa kanila ni Tita bukod doon ay wala pang valid reason si Tito sa kaniyang ginawa.

"Bakit? Dahil kahit anong gawin ko alam kong hindi na mababago kung ano man ang nangyari. Paano? Tinanggap ko lang para sa ikagagaan ng loob ko. Hindi ko pa siya pinatawad, tinanggap ko lang kung anong nangyari," paliwanag nito.

Hindi ako nagsalita. Hinihimay-himay ko ang mga sinabi niya. Nang magets ko ang point niya ay agad naman akong napatango-tango.

"Sometimes, acceptance is the best medicine to heal all the wound in your heart," naka-ngiting ani ko. "Wala kang mapapala kung magtatanim ka ng galit. Wala kang mapapala kung hindi mo ilalabas lahat ng bigat na nararamdaman mo," dagdag nito.

Hindi ko alam kung paano pero gumaan ang loob ko sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko kaya ko na ulit magpatawad at tumanggap ng tao sa buhay ko. Tama si Hannah wala mapapala kung patuloy lang akong magagalit.

Walang perpektong tao. Ang lahat ay may karapatang magbago at bigyan ng second chance. Sa oras na 'to isa lang ang na-realized ko. Hindi pagiging marupok ang magpapatawad. Hindi pagiging marupok ang tanggapin ulit ang tanong nanakit sa 'yo. Hindi pagiging marupok ang tagkalin mo ang lahat ng galit sa puso mo.

Tama si Hannah. Acceptance is the best medicine to all the wound in your heart.

~•Dream•~

"Oo totoong may balak akong ipahamak ka. May balak akong ikulong ka sa mundong ito," paninimula ni Drake.

Hindi ako nagaalita. Hinayaan ko muna siyang magpaliwanag.

"Sa maniwala ka o sa hindi, hindi ako masamang tao, Zoey. Oo, aminado ako na pinag-balakan kita ng masama. Oo, gusto kong ikulong ka dito. Ngunit nawala lahat ng gusto kong gawin sa 'yo ng makilala kita. Nawala lahat ng masamang balak ko sa iyo ng nakasama kita, ng mapagtanto ko na napaka-buti mong tao," nakayukong aniya.

"I'm sorry, Zoey. I'm really sorry. Pumayag lang naman ako sa kasunduan namin ni Haring Morpheus dahil gusto ko ng makita ulit si Mama," pagkabanggit niya sa kaniyang Ina ay agad nag-unahan ang mga luha palabas ng kaniyang mata.

"Z-zoey, s-sorry," aniya sa paggitan ng mga hikbi.

"Nawala lahat ng balak kong masama sa iyo ng makita kung gaano ka kabuting tao. Nawala lahat ng balak ko sa 'yo ng mapagtantong hindi dapat iba ang maghihirap dahil sa mga padalos-dalos na disesyon ko."

Hindi ako makapag-salita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nauunawaan ko siya. Naiintindihan ko kung bakit niya naisipan na gawin iyon. Naniniwala ako sa dahilan niya dahil minsan ng nagtagpo ang landas namin ng kaniyang Ina.

"Z-zoey," humihikbing aniya. "Maiintindihan ko kung hindi na tayo magiging katulad ng dati. Tatanggapin ko kung ayaw mo na akong makita. Aalis ako, Zoey, mapatawad mo lang ako. Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako," pagpapatuloy niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. Tila ba may sariling utak ang ang kamay ko at niyakap siya. Hinagod ko ang kaniyang likod upang pagaanin ang kaniyang nararamdaman at upang ipahiwatig na naiintindihan ko siya.

Gusto kong magsalita. Gusto kong sabihin sa kaniya na tatanggapin ko ulit siya. Gusto kong sabihin na manatili lang siya satabi ko. Gusto kong sabihin na hindi ko kaya kung aalis siya. Madami akong gustong sabihin ngunit walang lumalabas na salita sa aking bibig.

Maya-maya pa ay tumigil na siya sa pag-iyak. Kinalas ko na ang aking pagkakayakap.

"Zoey, sabihin mo lang na ayaw mo na akong makasama, na ayaw mo na akong makita, aalis ako. Aalis ako at hindi na muling magpapakita sa iyo---" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng magsalita ako. Dalwang salita lamang ito ngunit ikinatigil naming dalwa.

"Please, stay."

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now