CHAPTER 3🌙

7.1K 276 59
                                    

Nandito ako ngayon sa labas at naglalakad papuntang cafeteria. Pinalabas kasi ako ni Mrs. Saberna dahil nakatulala lang daw ako sa klase niya.Bwesit kasing lalaki 'yan napalabas tuloy ako kakaisip sa kanya.

Sino ba naman nagsabi sa 'kin na isipin s'ya diba? Pero kahit na, bigla-bigla kasi s'ya sumulpot sa panaginip ko tapos hindi pa nagpakilala. Hindi na nga nagpakilala ng gulo pa.Grrrrrrr.

Sino ba kasi s'ya----

"Hoy!" Putol ni Hannah sa pag-iisip ko andito na pala s'ya sa harap ko.

"Oh, bakit?" Walang ganang ani ko sa kan'ya.

"Hay nako, Zoey, kaya ka napapalabas ni Maam Lucy eh, hindi ka nakikinig tulala ka lang. Ano ba yang iniisip mo?" Sermon nito sa 'kin. Eh, ano ba magagawa ko? Hindi s'ya mawala sa isip ko.

"A-ahh wala 'to. Tara kain na lang tayo,"pag-aaya ko syempre sasama 'to pagkain ang usapan eh.

"Sino muna 'yung iniisip mo?" Tanong nito at hindi nagpadala sa paghila ko.

"Masarap 'yung mga ulam ngayon. Tara na, libre ko." Pag-iiba ko ng usapan tsaka siya hinilang muli.

Pagkatapos namin kumain ay pumasok na kami sa susunod na subject.

Inalis ko na muna sa isip ko ang lalaking bigla na lang pumasok at sumira sa panaginip ko baka kasi mapalabas na naman ako. Mahirap na baka malaman 'to ni mama malilintikan ako do'n.

Lumipas ang ilang oras at ito na naman ang hinihintay ng lahat. Walang iba kun'di ang UWIAN. Sa wakas!

Nag-paalam na ang huling teacher namin para sa araw na ito. Sunod na tumunog ang bell sa aming classroom hudyat na tapos na ang klase.

"Zoey, saan ka?" Nagtatakang tanong ni hannah.

"Malamang uuwi na, duh."

"Shunga, may practice pa," agad nawala ang ngiti sa mga labi ko ng maalalang may role play kami bukas sa filipino at magka-grupo kami.

Hay nako, ito na naman kami sa gym para mag practice at mag-usap tungkol sa gagawin namin bukas.

"Zoey, tandaan mo 'yung mga linya mo ha," paalala ni Trina, leader namin.

Palabas na ako ng gate ng makita ko ang gwapong muka ni Kyle-ano ginagawa n'ya dito?

"Hmm hi, gusto ko lang sana mang-hingi ng sorry tungkol sa nangyari kahapon," nahihiyang wika nito sa 'kin.

"Ano ka ba ok lang 'yun." Nakagat ko ang pang ibabang labi ng ma-realize ang sinabi ko. Ang rupok! Pero wala na akong magagawa kun'di pangatawanan ang sinabi ko.

"Are you sure?"

"Oo naman,'no."

"So friends?" nyeta naman oh friends lang?

"Sure."

"So, una na muna ako dumaan lang ako dito para humingi ng sorry."

"Sige bye."

"Bye, see you tomorrow." naka-ngiting wika nito. Sinundan ko lang s'ya ng tingin hanggang sa hindi ko na makita. Wait-tama ba ang pagkakarinig ko? See you tomorrow? Ibig sabihin magkikita kami bukas? Hindi ko mapigilan na mapa-ngiti at tumalon-talon.

"Sino 'yun?" Biglang sulpot ni Hannah na nagpakalma sa akin.

"Wala sige uwi na ako," ani ko at akmang tatalikod na ngunit pinigilan niya ako.

"Oy, crush mo 'yun,'no? Siya ba ang iniisip mo kanina kaya ka napalabas ni Ma'am Lucy? Talon-talon ka pa ha." Pang-aasar nito sa 'kin pero s'yempre hindi ako aamin 'no.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now