CHAPTER 11🌙

3.2K 172 15
                                    

"Oh ma, ano pong nangyari?" Nagtatakang tanong ko ng makita sila ni ate sa may pinto kasama ang kapitbahay namin.

"Dito muna sila ngayong gabi. Nilipad kasi ang bubong ng bahay nila dahil sa lakas ng hangin," ani mama habang inaasikaso ang aming kapitbahay.

Tiningnan ko ang oras at nalaman ko na twelve o'clock am pa lang pala, grabe! Antagal naman ng oras. Hindi ba pwedeng i-fast forward itong araw na 'to? Pwede bang umaga na agad.

Nagdadalwang isip ako kung matutulog pa ba ako o hindi na lang. Tuwing naalala ko ang kwento ni Drake kapag nagigising ako ay parang gusto ko na lang matulog pero, sa tuwing maalala ko naman ang pagtitig n'ya sa akin at ang pagka-ilang ko ay parang ayaw ko ng matulog.

Ang puso at mata ko ay nagsasabing matulog na ako ngunit, pilit lumalaban ang isip ko na 'wag na muna.

Napag-desisyonan ko na lang na libangin ang sarili ko, magbabasa na lang ako story o kaya ay mag-advance reading kahit na maingay ang paligid.Kumuha ako ng flashlight at ng mga libro. Pinili ko na lang magbasa at kalimutan ang nasa isip ko. Sigurado naman ako na walang ibig sabihin iyon. Ayaw ko rin umasa lalo na at wala naman akong aasahan. Nasa panaginip lang kami kaya wala akong dapat asahan.

Hindi pa man ako nakakakalhati ng binasa ko ngunit, nakakaramdam na ako ng antok. Pilit ko iyong pinipigilan at iniintindi ang binabasa ko. Ilang oras pa bago mag-sumikat ang araw—kung sisikat man at hindi ko yata kakayanin na manatiling gising.

~•Dream•~

Hindi ako nagtagumpay. Nasa panaginip na naman ako.Ngunit, bakit parang wala siya?

Nilingon ko ang paligid ngunit kahit anino n'ya ay wala akong makita. Nakakatuwa na nakikiayon ang panaginip ko.

Kahit nasa panaginip na ako ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Lumikha ako ng libro gamit ang imahinasyon ko. Nakakilig kasi ang binasa ko. Naiimagine ko ang sarili ko na kasama ang isang lalaki na tulad ni Maxwell. Napaka-swerte ng babaeng makakakuha ng lalaking katulad ni Maxwell, 'yon bang ituturing kang special kahit sa pinaka-simpleng paraan.

"Zoey," napatigil ako sa pag-iisip ng marinig kong tinawag ako ni Drake.

Dahan-dahan ko itong nilingon. Pumunta s'ya sa harapan ko at no'n ko lang napansin na nasa likuran niya ang kaniyang mga kamay. Tila ba may tinatago.

"Saan ka galing? Bakit nasa likuran ang iyong mga kamay?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Chill, alam ko naman na namiss mo ako hindi mo na kailangan ipamuka. Ito ba namang mukang 'to," ani nya at nakangising umiling-iling.

"Asa ka."

Umupo sya sa katabi ko ngunit, nasa likuran pa rin ang kaniyang mga kamay.

"Ano ba iyang inatago mo sa likod mo?" Tanong ko at sinilip ang likuran n'ya ngunit iniiwas niya ito.

"Ahh, ehh," kamot ang ulong aniya.

" I,O,U." Pagpapatuloy ko sa sinabi n'ya at tsaka ibinaling na lang ulit sa pagbabasa ang sarili.

Maya-maya pa ay may lumantad na tatlong pulang rosas sa harapan ko. Tiningnan ko s'ya ng may pagtataka ngunit, hindi s'ya nakatingin sa 'kin.

"Ano iyan?" Nagtatakang tanong ko tsaka kinuha ang mga bulaklak.

"Bulaklak." Aniya ngunit sa ibang direksyon pa rin nakatingin.

Napairap ako sa kawalan."Saan mo ito kinuha?"

"Diyan sa garden mo hehehe," aniya habang kinakamot ang ulo. May kuto na ata at kanina pa kamot ng kamot.

"Thank you, pero para saan 'to?" aniya ko at bumalik sa pagbabasa. Inalis sa isip na walang ibang ibig sabihin ang pagbibigay niya ng bulaklak. Siguro ay naisipan niya lang mamitas at ibinigay iyon sa 'kin.

"Hmm, wala nagandahan lang ako," nag-aalangan sagot niya.

Habang busy ako sa pagbabasa ay bigla ko na lang naramdaman na humiga siya at ginawa unan ang binti ko. Dahil sa inis ay ibinagsak ko sa muka n'ya ang makapal na librong hawak ko.

"Aray! Ang sakit!" Reklamo niya habang hinihimas ang muka.

Inis ko siya tiningnan."Bakit ba kasi sa binti ko pa?" Inis na wika ko sa kanya.

"Ok sorry na, hindi ko na uulitin."

Sa inis ko ay iniwanan ko s'ya sa garden at pumunta sa tabing dagat.

"Hoy!Zoey, sorry na," ani niya at umupo sa tabi ko.

Hindi na ako nagtaka ng may makita akong pagkain sa kamay niya. Lakas ba naman niya kumain siguro nalugi na mga tindahan dito sa panaginip ko.

"Bakit bigla kang umalis kanina? Sayang tuloy pagkain ko, hindi ko naubos," aniya na mahihimigan ang panghihinayang dahil sa nasayang niyang pagkain.

Tsk. Akala ko ay kung ano.

"May narinig kasi akong sigaw mula sa reality ko kaya ako gumising," walang ganang ani ko 'tsaka kumuha ng pagkain sa mga dala niya.

"Ahh, sa susunod magsabi ka nasasayang pagkain ko eh, hindi ko nauubos."

Hanggang ngayon ay pagkain pa rin ang nasaisip niya. Wala na atang laman ang utak niya kun'di pagkain, pagkain, pagkain.

"Ang ganda talaga panoorin ang paglubog ng haring araw," nakangiting ani ko.

"Oo nga, napaka-ganda," ani niya.

Nilingon ko siya ngunit napaiwas din agad ako ng makitang sa 'kin siya nakatingin at hindi sa papalubog na araw.

Sa pagkakataon na iyon ay nakaramdam na naman ako ng pagka-ilang. Hindi na naman mapakali ang buong sistema ko.

Ilang beses niya ba gagawin iyon? Ilang beses din ba ako magtatanong sa sarili ko kung may dahilan ba ang mga iyon? Syempre meron Zoey, lahat naman siguro ay may dahilan. Ngunit ano ang dahilan niya? Ayuko umasa lalo na at nasa panaginip lang kami.

Ito na naman tayo, Drake, eh. Pinapahiwatig mo na naman na merong kakaiba. Pinaparamdam mo na naman na may ibig sabihin. Gulong-gulo na naman ako. Litong-lito.

Nakakapanghinayang isipin na sa panginip ko pala makilala ang lalaking magpaparamdam sa 'kin ng ganito. Nakakalungkot isipin na sa pekeng mundo kami nagtagpo. Sa mundong walang kasiguraduhan kong tunay pa nga ba ang lahat ng ito.

Bakit dito pa? Bakit sa mundong malayo pang maging totoo? Bakit? Ganoon na ba ako kamalas? Ama, anak mo rin ako diba? Bakit naman ganito? Nakakaiyak naman 'tong buhay na 'to.

Noong una nagkagusto ako sa lalaking malabong maging kami dahil sa estado ng buhay namin tapos ngayon sa lalaking hindi ko malaman kung totoo ba o ilusyon ko lang. Anong sunod sa drug lord naman?

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now