CHAPTER 20🌙

2.4K 161 14
                                    

"Ang mahal naman dito," reklamo ko habang pinagmamasdan ang mga presyo ng damit.

"Mamili ka na lang. Dami mo pang-reklamo," inis na wika ni Hannah.

"Basta ikaw magbabayad nito, ha. Ayusin mo, Hannah, siguradohin mong may pera ka. Ayukong makulong," nakasimangot na ani ko habang patuloy na nagtitingin ng damit habang nasa fitting room siya.

"Gaga, may pera ako, 'no. 'Tsaka sa ganda kong 'to sa tingin mo tuturuan kita magnakaw?" Asik nito. "Basta ayusin mo ang pagpili ng susuotin, gusto ko malalaglag underwear nila kapag dumaan tayo," dagdag nito 'tsaka tumawa. Napa-iling-iling na lang ako sa idea niyang iyon.

Foundation day namin sa Thursday. Kagaya ng nakasanay ng school, sari-saring event sa umaga hanggang hapon at sa gabi naman ang party. Wala sana akong balak umattend ng party kaso itong si Hannah pinilit ako. Ililibre daw niya ako ng damit. Akala ko nga sa ukay lang kami pupunta. Nagulat na lang ako ng bigla siyang pumara sa tapat ng SM.

"Mukang pinaghandaan mo ang araw na 'to, ah."

"Hindi, sa totoo nga nyan hindi rin sana ako aattend kaso itong Ama kong loko bumabawi raw keme. Binigyan niya ako ng pera, syempre tinanggal ko puro asul eh," aniya at bahagyang humalakhak bago lumabas ng fitting room.

Suot niya ang kulay pulang cocktail dress na hanggang kalahati ng hita niya ang haba sa unahan at hanggang likod naman ng tuhod niya ang haba sa likod. Bagay na bagay sa kaniyang balat ang kulay ng damit. Sakto ang sukat ng damit sa kaniyang katawan na tila sadyang ginawa para sa kaniya.

"Ok na," komento ko, hindi pinahalata ang pagkamangha sa kaniya.

"Ok na? Grabe ka naman, Zoey. Itong ganda kong 'to ok lang ang masasabi mo?" Pasigaw na sabi niya na siyang dahilan ng pagkatawa ko.

"Oo na, maganda," pilit na ani ko bago pumasok sa fitting room hawak ang isang cocktail dress.

Kalhatian ang kulay nito. Puti sa itaas at kulay blue naman sa laylayan. Sleeveless ito at kita ang likod ko. Maganda, halatang mamahalin. Mula sa nakalugay kong buhok ay itinali ko ito na messy bun kung tawagin bago lumabas.

"OMG! Ikot ka nga, 'teh," manghang-manghang utos nito na ginawa ko naman.

Napatalon-talon pa siya at bahagyang nakabukas ang bibig.

"Grabe, wala akong masabi kun'di ito na luluhod na mahal na prinsesa," ani nito at sabay kaming tumawa.

Matapos magpicture-picture sa fitting room ay nagbihis na kami upang bayaran ang mga damit.

Bigla akong nahiya ng makitang mahigit dalwang libo ang pinagbayaran niya.

"H'wag kang mag-alala, Hannah, mag-iipon ako. Babayaran kita," nahihiyang wika nito.

"Ano ka ba? Libre 'to hindi utang. Tara na nga high heels naman hanapin natin."

"H'wag na may sandals naman ako sa bahay 'yun na lang gagamitin ko," depensa ko. Nahihiya na talaga ako sa kaniya.

"Hindi ka sasama?" Tanong niya na tanging iling lang ang naisagot ko. "Oh sige, maiwan ka diyan. Kahit kailan 'wag mo na akong kausapin," aniya at tinalikuran ako. Lumakad na siya palayo.

Nagdadalawang isip pa ako kung susunod ako sa kaniya. Baka kung hindi eh magtampo siya sa akin. Napa-iling-iling na lang ako bago sumunod sa kaniya.

Gaya ng sinabi niya pumunta nga kami sa tindahan ng mga high heels. Halos malaglag ang panga ko sa mga presyo nito.

"Pili ka na," utos ni Hannah bago mamili ng para sa kaniya.

"Hannah, hindi mo ba nakikita 'yung price?" Nagtatakang tanong ko dito.

Hindi si Hannah itong kasama ko. Nasaan ang kaibigan ko? Kuripot 'yun. Hindi niya ako ililibre ng ganito. May balak ba siyang masama sa akin?

"Ako 'to, Zoey, kaya mamili ka na lang kasi ang tanging balak ko lang ay malaglag underwear nila pagnakita nila tayo," aniya.

Nasabi ko ba ang nasa isip ko? Nababasa niya ba ang iniisip ko? Hindi talaga 'to si Hannah. Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang lumagatok ang ulo ko.

"Aray!" Sigaw ko.

"Mamili ka na," aniya at ibinalik sa dating lagayan ang high heels na ipinukpok niya sa ulo ko.

Ok, si Hannah nga ang kasama ko. Kahit labag sa loob dahil mahal ang presyo ay namili na lang ako.

~•Dream•~

Napamasid ako sa paligid, parang may kakaiba. Parang may nabago, hindi ko lang masabi kung alin at ano iyon.

Naglibot-libot ako sa paligid, pilit iniisip kong anong kakaiba.

"Zoey," tawag sa akin ni Drake ngunit hindi ko ito pinansin. Abala pa rin ako sa pag-iisip kong ano ba talaga ang nag-iba---

"Wala na si Adele," masayang aniya ng makalapit sa akin na siyang ikinatigil ko.

Tama, 'yun nga. Maaliwalas na ang paligid. Bumalik na ang dating kulay at sigla ng panaginip ko. Naka-ngiti kong nilibot sa paligid ang aking paningin. Hindi ako makapaniwala na muli ko nakita ang ganda nito. Ang akala ko ay hindi ko na ito muling masisilayan pa. Akala ko ay hanggang sa panaginip magdudusa ako.

Gusto kong sumigaw sa sobrang saya ngunit may pumasok na imahe sa aking isipan. 'Yun ay ang huling pagkikita namin ni Adele. Hindi 'yun maganda at mukang 'yun ang dahilan ng pag-alis niya. Gusto kong matuwa dahil lumabas ang mga salitang iyon para masabi sa kaniya ngunit hindi ko magawa.

Sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa akin ay hindi ko magawang matuwa dahil sa nagawa ko.

"Bakit ka malungkot? Dapat masaya ka kasi wala na siya," naka-ngiting ani Drake.

Hindi ko siya pinansin. Hindi purket wala na si Adele ay mapapatawad ko na siya. Gusto ko siyang paalis ngunit gusto ko ring marinig ang paliwanag niya.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong niya.

Imbes na sagutin ang tanong niya ay tumalikod ako. Ayuko muna siyang kausapin. Valid naman siguro ang reason ko kung bakit ayuko siyang kausapin, 'di ba?

"Zoey, magpapaliwanag ako," aniya habang tumatakbo papunta sa kinatatayuan ko.

"Zoey, please, kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya.

"Drake, pwedeng 'wag muna ngayon?" Ani ko ngunit hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Nilibot ko ang aking panaginip. Matagal-tagal ko na ring hindi ito ginagawa. Matagal-tagal na rin no'ng huling beses na naging payapa ang isip at puso ko dahil dito. Gusto kong maramdaman ang kapayapaan na ibinibigay nito dati. Gusto kong mapanatag ulit ang puso't isip ko. Gusto ko munang magpahinga. Gusto ko munang piliin ang sarili ko.

Kapag nagawa ko na lahat ng gusto ko 'saka ko pag-iisipan kung kaya ko pa bang tumanggap muli. Kung kaya ko pang magpatawad.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now