CHAPTER 15 🌙 The pass returns

2.8K 137 3
                                    

"Zoey, wala ka bang balak pumasok? 6:30 na oh, nakahiga ka pa rin," sigaw ni ate sa labas ng kwarto ko kaya napilitan akong bumangon at maghilamos bago lumabas ng kwarto.

"Ano nangyari sa mata mo?" nagtatakang tanong ni ate at agad ako nilingon ni mama.

"Oo nga, umiyak ka ba?" Nagtatakang ani mama.

Dali-dali akong tumapat sa salamin at doon nakita na pugto na ang mata ko. Dahil ba ito sa pag-iyak ko kagabi? Bakit pugto ang mata ko? Sa panaginip ako umiyak. Ibig bang sabihin nito ay umiiyak din ako sa reality?

"Wala 'to ma, puyat lang siguro madami akong ginawa kagabi eh," ani ko at pinilit ngumiti ng hindi mahahalatang peke.

Hinayaan na lang nila ako at inaya kumain ng almusal para makaligo na.

"Wow ang ganda! Sayo 'to? Pa'no mo naisip 'to?" Manghang ani Hannah ng makita ang project na ginawa ko kagabi. Nakakatuwang hindi siya nagpa-epekto sa nangyari kagabi.

" Balita ko sis, ginagamit daw ang utak para magisip. Minsan gamitin mo yung sa'yo," iritadong wika ko. Sinabayan ko lang ang mood niya ayaw kong banggitin at ipaalala sa kaniya ang nangyari kagabi.

Agad naman napasimangot si Hannah sa isinagot ko sa kanya. Wala ako sa mood para makipag-chikahan sa kaniya ngayon. Sa tingin ko naman ay naramdaman niya iyon kaya hindi na ako kinulit.

Natapos na ang maghapon at kagaya kahapon ay madami na naman pinagawa. Malapit na din kasi ang bakasyon. Madami ng project at activities, ewan ko ba kung bakit kung kilan patapos na ang school year tsaka magbibigay ng tambak na gawain. Hindi ba pwede chill na kasi magbabakasyon na.

Sa sobrang busy ko maghapon nalimutan ko na ang nangyari kagabi. Mas ok na siguro 'yun, baka maiyak lang ulit ako.

"Zoey, kain muna tayo sa labas," anyaya ni Hannah. Simula kaninang umaga ay ngayon lang ulit kami nakapag-usap dahil busy at wala ako sa mood.

Pumayag ako sa gusto niya. Gusto kong libangin siya at makalimutan ang lahat ng nangyari kahit sandali lang. Kumain kami sa labas at pinag-kwentohan ang maghapon na kapaguran. Pagkatapos na maubos ang pagkain ay nagpaalam na kami sa isa't isa.

Papauwi na ako ng may makita akong babae, siguro nasa 40-50 ang edad niya. Nakita kong nahihirapan siya sa mga pinamili niya at ang iba ay nahuhulog na. Nilapitan ko siya para tulungang pulutin ang mga nalalaglag niyang dala-dala.

Pinagmasdan ko muna siya saglit pati na ang mga taong dumadaan sa kan'ya. Kahit isa sa mga dumadaan ay wala man lang nag-alok ng tulong, kaya naman lumapit na ako para tumulong.

"Salamat, Ne," nakangiti niyang wika.

Ang mga ngiti niya. Pamilyar ito sa 'kin. Alam kong malabo pero marehas sila ng ngiti.

"Saan po ba kayo pupunta? Tulungan ko na po kayong magdala niya."

"Diyan lang sa hospital pagkatawid ng kalsada," ani niya at itinuro ang ospital.

Napagpasyahan ko na tulungan siyang magdala. No'ng una ay hindi siya pumayag pero napilitan din dahil hindi niya kinaya.

" Anak, andito na ulit si mama," ani niya ng makapasok kami sa kwarto sa ospital.

Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto, maganda, malawak at mukang mamahalin.

"Drake, anak."

D-Drake? Naguguluhan ako. Hindi ko magawang lumingon. Naghalo-halo na ang emosyon sa puso ko, ang gulat,lito, kaba at saya. Hindi ko pa man nakikita ang muka niya pero may parte sa puso ko ang nag-sasabi na ang kilala kong Drake at ang nasa kwartong ito ay iisa. Ngunit paano? Paanong ang Drake na nasa panaginip ko ay nasa reality ko rin.

Unti-unti akong lumingon may parte sa 'kin na umaasa na siya iyon. Rumihestro ang gulat sa muka ko ng makita ang muka niya.

"Ne, ayos ka lang ba?" Nagtatakang tanong ng babaeng tinulungan ko.

Hindi ako makapag-salita ando'n pa rin ang gulat sa muka ko dahil sa nakita.

"D-Drake?" Pabulong na ani ko. Hindi ko alam kung narinig ba ito ng ina niya. Unti-unti akong lumapit at doon naging malinaw ang itsura niya.

"Bakit ka umiiyak? May atraso ba sa'yo ang anak ko? May ginawa ba siya sa'yo?" Naguguluhang aniya dahil hindi ko na napigilan ang mga luha sa mata ko.

Sinabi ko lahat sa nanay ni Drake. Nag-kwento ako kung bakit ko kilala ang anak niya. Nang una ay hindi siya naniniwala ngunit dumating ang ate ni Drake at sinabing totoo lahat ng sinasabi ko. Alam pala niya ang tungkol sa pag-lucid dream ni Drake.

Nalaman ko rin na kaya siya andito dahil hindi nalang siya nagising ng minsang matulog. Pinaniniwalaan ng ate ni Drake na nakulong siya sa panaginip kaya hindi na nagising.

Napag-desisyonan ko ng umuwi dahil medyo dumidilim na.

~• Dream •~

Hinanap ko agad si Drake pero nabigo ako. Hindi ko siya makita sa kahit saang lugar sa panaginip ko.

Natigil ako sa paghahanap ng biglang dumilim ang paligid.

Lumakas ang hangin at biglang nagkaroon ng malaking butas ang kalangitan. Lumabas dito ang nakakatakot na babae. Nakasuot ito ng itim.Lumapit siya sa 'kin, ngunit lumakad ako paatras. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung pa'no siya napunta dito. Mas lalo akong natakot ng magliparan ang mga itim na ibon sa paligid niya.

"Zoey," tawag ng pamilyar na boses sa akin. Hindi ako lumingon dahil natatakot ako na pagkalingon ko ay may gawing masama sa akin ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

Lumapit sa akin si Drake ng hindi ko siya lingonin, natigilan sya nang-makita ang babaeng nasa harapan ko.

"A-adele," tawag ni Drake sa babaeng nasa harapan namin ngayon.

Teka, tinawag niya itong Adele. Magkakilala sila?

"Nandito ako para--" hindi na tapos ng babaeng tinawag ni Drake na Adele ang sasabihin niya dahil agad itong pinutol ni Drake.

"Bakit ka nandito?"

"Hindi ka ba natutuwang andito ako? Hindi ka ba nasisiyahan na masilayan muli ako?" Malungkot na wika ng babae.

Wala akong maintindihan sa pinapag-usapan nilang dalwa. Naguguluhan ako.

"Bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ni Drake.

"Ginawa ko ito para sa 'yo. Hindi ka ba natutuwa?" Malungkot na ani Adele.

"Tuwa? Paano ko magagawa iyon kung kinain ka na ng kasamaan? Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Hindi ikaw 'yan."

Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngunit nanatili akong tahimik sa takot na baka kung anong gawin sa 'kin ng babaeng ito.

"Kasamaan? Anong sa tingin mo ang ginagawa mo? Sigurado ka bang mabuti iyan?" Ani Adele at nagpakawala ng nakakalokong ngiti.

"Adele, please---"

"Hindi niya ba alam?" Tanong ni Adele at tumingin sa akin.

Anong hindi ko alam? Sumasakit na ang ulo ko sa pag-intindi sa mga nangyayari. Napatingin ako kay Drake ngunit wala akong nakuhang sagot.

"Sabihin mo sa akin, Drake. Sino ang masama sa ating dalwa?" Naka-ngiting wika ni Adele.

"Adele, please," pagmamaka-awa ni Drake na sinagot naman ni Adele ng malakas na tawa.

Hindi na kayang unawain ng utak ko ang mga nangyayari.

"Sumama ka sa 'kin at hindi niya malalaman," naka-ngiting wika ni Adele.

"D-drake," sa wakas ay may lumabas din sa aking bibig.

"Nakapaka-inosente niya, Drake. Hindi ka ba naawa sa kaniya? Payapa ang buhay niya noon---"

"Adele, nagmamakaawa ako sa iyo," naluluhang wika ni Drake.

"Bibigyan kita ng oras para makapag-isip, Drake. Malapit na siyang gumising at doon magsisimula ang oras mo at sa pagtulog niya ito matatapos. H'wag kang mag-alala dito lang ako at hangga't hindi pa tapos ang oras mo mananahimik ako," ani Adele.

Iyon na ang huling mga pangungusap na narinig ko bago ako tuluyang magising.






THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now