CHAPTER 33

1.2K 59 5
                                    

"Papa naman eh," umiiyak na aniya ko habang nakayakap sa malamig niyang katawan.

Wala na akong pakialam kung may mga taong nanonood sa akin dahil sa lakas ng pag-iyak ko.

"Papa, nangako ka eh. S-sabi mo magkakasama-sama na ulit tayo,"  pahina ng pahina na ani ko dahil sa pagod na lalamunan.

"Papa ko!" Malakas na sigaw ko habang patuloy ang pag-agos ng mga luha.

Kanina pa ako pinapatahan ni ate at mama ngunit hindi ko sila pinapansin.

"Anak, tahan na," mahinanong aniya, tila ba awang-awa sa akin.

"M-mama, papa ko 'yan eh," aniya ko ng lingunin siya. Tanging pagtango lamang ang isinagot niya sa akin.

"Ma, n-nangako s-sa 'kin si papa, uuwi siya..." Madami pa akong gustong sabihin pero hindi ko na kaya. Gusto ko ng magpahinga.

"Umuwi na ang papa mo, anak--"  hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng muli ako magsalita sa pagitan ng paghikbi.

"A-ayaw ko n-nito, Ma. Hindi ito ang panagako niya."

"Ma'am, kailangan na pong dalhin sa morgue ang bangkay," aniya ng lalaking lumapit sa amin.

"Ayuko!" Umiiyak na sigaw ko dito at ibinalik ang sarili sa pagkakayakap kay papa.

"Pero, Ma'am--" hindi nito natuloy ang kaniyang sasabihin sa hindi ko malamang dahilan dahil nakatalikod ako sa kaniya.

Naghintay pa ako ng ilang sandali upang pakiramdam kung magsasalita pa siya ngunit wala akong narinig. Nilingon ko ito at nakitang nasa malayo sila sa akin. Kinakausap na siya ni mama ngayon.

Nang kumalma ay hinayaan ko ng kuhain nila si papa para madala sa morgue. Noon ko lang naramdaman ang lamig dahil sa basa kong damit at air-conditioning na hospital. Unti-unti ng natutuyo ang aking buhok at damit na nabasa dahil sa pagsugod ko sa ulan kanina upang makarating dito.

"Uwi na muna tayo, anak," aya sa akin ni mama.

Agad akong tumayo at nauna ng maglakad. Hindi na ako tumutol sa aming pag-uwi na hindi kasama si papa dahil sa nararamdaman na pagbigat ng aking katawan.

Nang maka uwi ay agad akong nagtungo sa aking kwarto. Nagpalit ako ng aking damit at agad na humiga sa kama upang magpahinga.

Mabigat man ang nilalaman ng aking puso hindi nito napigilan ang pagod na aking naramdaman. Mabilis akong nakatulog at nagising na hinang-hina.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto ng aking silid at iniluwa nito si mama na may dalang pagkain.

"Kain ka na muna para makainom ng gamot," mahinanong wika ni mama.

Kitang-kita sa kaniyang muka ang labis na pagkapagod. Halata rin na wala pa siyang tulog.

Pagtapos kong kumain at maka-inom ng gamot ay agad na rin siyang nagpaalam. Aasikasuhin pa niya ang mga nakikiramay sa labas.

Hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyayari.

Nang magkaroon ng kaunting lakas ay lumabas ako sa aking kwarto. Ilang hakbang pa lang ang aking nagagawa ay tanaw ko na agad ang puting kabaong kung saan nakahiga si papa. Humila ako ng isang monoblock upang dalhin sa tapat ni papa. Doon ay tahimik ko lamang siyang pinagmasdan pinipigilan ang bawat butil ng luha na pumatak.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now