CHAPTER 17🌙

2.4K 140 4
                                    

G-ginagamit lang? Paano? Bakit?

Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa aking mata. Hindi agad maproseso ng isip ko ang sinabi niya. Imbis na masagotan ko ang mga tanong na gumugulo sa isip ko ay lalo pa itong nadagdagan. Paano? Bakit? Sino nga ba si Drake? Anong klaseng panggagamit ba ang ginagawa niya?

Gusto kong tumakbo. Gusto kong gumising. Gusto ko ng takasan ang lahat ng ito. Madami akong gustong gawin pero hindi ko magawang gumalaw.

"Zoey--" hindi na nagawang matapos ni Drake ang kaniyang sasabihin ng balutin siya ng itim na usok. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yun pero sigurado akong kagagawan ito ni Adele.

Agad akong pinanindigan ng balahibo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Baka ako naman ang isunod niya.

"A-anong g-ginawa mo?" Tanong ko sa pagitan ng paghikbi.

Ngumiti ito sa 'kin na lalong nagpalala ng takot.

"Ginawa ko lang kung ano ang dapat. Mas maipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat kung wala siya," naka-ngiting wika nito at humakbang ng isa palapit sa 'kin.

"Paano naman ako nakakasigurado na totoo ang sinasabi mo? Hindi kita kilala at hindi ko alam kung sino ka," mahinhing ani ko, iniingatan ang mga salitang lalabas sa bibig ko.

"Madali lang ang magpakikala, Zoey." Aniya at nagsimulang magkwento.

Hindi na ako tumutol sa gusto niya. Pinakinggan ko na lang ang mga salitang lalabas sa bibig niya, natatakot na baka kung anong gawin niya kung sakaling pakialaman ko siya.

*FLASHBACK

"What's your name?" A cute guy approached me.

Andito ako ngayon sa panaginip ko. Panaginip na hindi ko akalain na nag-e-exist. Sino ba naman kasing maniniwala na pwede kang bumuo ng sarili mong mundo sa panaginip. Magmumuka ka lang baliw kapag sinabi mo sa iba.

"I'm Adele Leigh Fawn and you are?" I asked back. He's cute and he look like gentleman naman.

"I'm Mark Drake Magalona. Sorry kong pinasok ko ang panaginip mo, ha. Nakakaabala ba ako?" Naka-ngiting wika niya.

"Hindi naman. Teka lang, paano ka nakarating dito? Saan ka galing? Lucid dreamer ka rin ba?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Dami mo namang tanong," aniya at bahagyang tumawa. "Nakarating ako dito gamit ang mga paa ko. Galing ako sa ibang panaginip at hindi ako lucid dreamer, isa akong dream traveler," naka-ngiti pa ring aniya.

Our story started in a little chitchat. Hindi ko akalain na magtatagal siya sa panaginip ko. Hindi ko akalain na mapapalapit at mahuhulog ako sa kaniya.

Sino ba naman hindi? Napaka-bait niya at maalaga. Nasa kaniya na ata lahat ng gusto ng isang babae.

Few months fast at umamin ako sa kaniya ngunit isang araw bigla na lang siyang nawala, walang paramdam, walang paalam, at walang iniwan na mga salita.

Hindi ko kinaya 'yun. Lagi akong umiinom ng sleeping pills para makatulog at intayin ang pagbabalik niya.

Gusto ko ng sumuko sa paghihintay at wakasan ang buhay ko. Nagbago lahat ng plano ko ng dumating si Arachne. Mabait siya tinulungan niya akong mahanap si Drake.

*END OF FLASHBACK

"Ngayong kilala mo na ako. Maari ko na bang sabihin sa 'yo ang dahilan ni Drake?" Tanong niya na tanging tango lang ang naisagot ko.

Hindi ko pa rin alam kung maniniwala ba ako sa kaniya. Pero dahil sa takot na kung anong gawin niya sa akin ay hindi ko na siya hinadlangan pa.

"Gusto ka niyang ikulong dito para makabalik na siya sa reality nila. Ang mga dream traveler ay tulad mo rin noon— mga lucid dreamer din sila hanggang sa makulong sila sa panaginip," paliwanag nito na siyang ikinapatak ulit ng luha ko.

Hindi ganoon si Drake. Hindi niya ako ipapahamak. Hindi niya magagawang magpahamak ng isang tao para sa kapakanan niya.

"H-hindi totoo ang sinasabi mo!" Sigaw ko sa kaniya.

Ayaw kong maniwala. Hindi ganoon si Drake. Hindi niya magagawa sa akin iyon.

"Totoo lahat ng sinasabi ko--" hindi na niya nagawang matapos ang sasabihin niya ng muli ko siyang sigawan.

"Paano mo naman nasabi 'yan?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Kilala ko si Drake." Kampanting wika ko.

"Kilala mo siya? Gaano mo ba siya kakilala? Nakakasigurado ka bang kilala mo talaga siya? O nagpadala ka lang sa mga kilos niya," sunod-sunod na tanong nito na siyang ikinatigil ko.

"K-kilala ko s-siya," nauutal na wika ko.

Kahit napapaisip na ako dahil sa mga sinabi niya ay pinanindigan ko ang sinabi ko.

"Hindi mo siya kilala!" Sigaw nito na siyang ikinagulat ko.

"K-kilala...k-kilala ko siya," mahinahong ani ko.

"Hindi, Zoey! Hindi mo siya kilala!" Lalong lumakas ang sigaw niya kaya hindi na ako muling umimik pa.

Natatakot ako sa kung anong kaya niyang gawin. Naramdaman kong pumatak ang mga luha ko sa aking pisnge. Napaluha na lang ako sa takot.

Nakita kong napa-iling-iling siya at malakas na tumawa bago maglakad pa-ikot sa kinatatayuan ko.

"Hindi mo talaga siya kilala," ani nito ‘tsaka tumawa.

" Hindi mo kilala kung sino ang lalaking pinapasok mo sa mundo mo. Sa bagay hindi mo siya pinapasok, kusa siyang pumasok. Gaya ng ginawa niya sa panaginip ko," aniya na may halong pait sa bawat salita.

Nanatili lang akong tahimik at hinayaan siyang magsalita. Patuloy lang siya sa pag-ikot sa kinatatayuan ko. Pinagmamasdan ang buong ditalye ng katawan ko.

"Ginagamit ka lang niya. At lahat ng ginawa at pinakita niya sa ‘yo ay palabas lang. Pinapa-ikot ka lang niya--" hindi niya na natapos ang kaniyang sasabihin ng maglakas loob akong magsalita.

"Hindi totoo ‘yan. Hindi ‘yan kayang gawin ni Drake sa ‘kin," ani ko sa pagitan ng mga hikbi.

"‘Yun ang totoo, Zoey. Hindi ako nagsisinungaling sa ‘yo. Kung pumayag lang sana siyang sumama na lang sa ‘kin edi sana hindi mo na nalaman ang totoo. Hindi mo na sana niloloko ang sarili. Hindi mo na sana pinipilit ang mga bagay na hindi totoo," napapa-iling-iling na wika nito. "Mas pinili niyang masaktan ka. Gano’n kasama si Drake, Zoey," dagdag niya.

"Hindi masama si Drake," ani ko habang pilit na pinipigilan ang mga luha sa pagpatak.

"Hindi ba? Eh bakit pinili niya saktan ka?" Tanong niya na agad ko namang nahanapan ng sagot.

"Hindi niya ako sinaktan. Sinungaling ka!" ani ko na siyang ikinatawa niya.

"Niloloko ka na nga nagawa mo pang lokohin ang sarili mo. Ang tanga mo, Zoey," mariing aniya.

"Ako tanga? Eh sino sa ‘tin ‘yung nagpakain sa kasamaan para lang sa pag-ibig na ‘yan?" Tanong ko sa kaniya na ikinatigil niya.

"Hindi ako masama, Zoey. Sinabi ko na nga ang totoo sa ‘yo, 'di ba? Niloloko ka lang ni Drake," aniya ngunit hindi katulad kanina nasa ibang direksyon na ang mga paningin niya.

"Singungaling ka! Hindi totoo lahat ng sinasabi mo. Gumagawa ka lang ng kwento--" hindi ko na nagawang matapos ang aking sasabihin ng biglang mahirapan akong huminga.

Pagtingin ko sa kaniya ay nakatutok sa 'kin ang kamay niya, nakaposesyon na tila sinasakal ako. Nakita ko ang itim na usok na lumalabas sa kaniyang mga kamay at napagtanto na usok ang sumasakal sa akin.

"H'wag mo akong hinahamon, Zoey. Hindi mo kilala kung sinong kinakalaban mo," galit na ani nito kasabay ang lalong paghigpit ng hininga ko.

Alam kong ilang minuto na lang ang kakayanin ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin kung sakaling hindi ko na kayanin.

Sunod-sunod na pumatak ang luha ko bago ako sumuko.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now