CHAPTER 6🌙

4.3K 209 16
                                    


"Hey! Sis, good morning," maligayang bati sa 'kin ni Hannah ng pagkapasok ko sa room.

"Walang maganda sa umaga kapag ikaw ang kaharap," sagot ko sa kanya kasi wala ako sa mood ngayon.

"Aww, sakit mo mag-salita ha. Gusto ko lang naman itanong kung kumusta na ang besty ko na nagsakit-sakitan," wika nito at umaktong nasasaktan. Galing talaga umarte nito. Maari na siyang gumanap na Sisa.

Dumiretso ako sa upuan ko at gaya ng inaasahan ko ay sumunod naman s'ya sa 'kin.

"Ay ang bastos ng ugali. Hindi ka man lang ba mag-t-thank you?" Pagtatanong nito.

"Anong iniambag mo sa buhay ko at kailangan kong mag-thank you?" Nakataas ang kilay na tanong ko..

"Duh, I'm your hero, your life saver. Alam ko kayang crush mo si Kyle." Ani nito at napa-ikot pa ang mata.

"Crush mo muka mo," tanging ani ko na tanging halakhak lang ang naging sagot ni Hannah.

Hindi ko talaga alam kung bakit naaasar ako sa girlfriend ni Kyle e wala naman siyang ginagawang masama sa 'kin. Wala naman akong karapatan magalit pero natitiyak kong may karapatan akong masaktan kasi umasa ako. Akala ko pagnag-kalapit na kami ni Kyle maari ng mangyari ang mga binuo ko sa panaginip.  Nangyari naman ang matagal ko ng hinihiling, nag-exist na ako sa buhay niya, bilang kaibigan nga lang. Pero ok lang, bata pa ako marami pa akong makikilala.

Muli sana akong kukulitin ni Hannah ngunit bigla pumasok ang unang teacher namin para sa araw na ito. Buti nalang at dumating na teacher namin ayaw ko pa naman pag-kwentuhan 'yung tungkol sa gf ni Kyle. Tiyak kasing 'yun ang magiging bukang bibig niya para asarin ako.

It's a normal day again. Walang bago si Kyle pa rin crush ko. Chos. Maghapon lang akong nakinig sa lesson gaya ng dati at hinihintay ang recess at uwian, gaya ng lagi kong ginagawa.

Nakita ko si Kyle sa labas ng gate kasama ang gf n'ya. Iiwas na sana ako ng bigla siya mapalinnhon sa gawi ko.

"Hoy! Zoey, tara gala ulit tayo," bungad n'ya sa 'kin ng tuluyan na akong makalabas ng school gate.

"A-ah sorry," aniya ko at agad nag-isip ng idudugtong na palusot. "May pupuntahan pa kasi ako," ani ko at bahagya pang napakamot sa aking ulo.

"Sige na please madali lang tayo," pamimilit n'ya sa 'kin, buti nalang hindi nagseselos gf n'ya sa 'kin dahil sa ginagawa niya.

"Hindi talaga pwede eh, sa susunod nalang promise."

"Ahh sige sa susunod nalang sama ka ha."

"Oo, Sige una na ako si Hannah nalang ang isama n'yo," aniya ko at nag-paalam na sa kanya.

Hindi ko alam kung nahalata ba ni Kyle na iniiwasan ko s'ya pero sana naman ay hindi. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit ako umiiwas sa kanya, nalaman ko lang naman na may gf na pala s'ya. Nabigo rin ako sa pag-asang mapapasakin siya. Nakakatawa lang na nasasaktan ako ng walang dahilan at karapatan.

Dream~

"Hoyyy, tulala ka nanaman," biglang sulpot nanaman ni Drake.

"Oh, andiyan ka pala," pilit ang ngiting aniya ko.

"Wow ha, parang hindi mo ko sinusungitan ngayon. Ano ba nakain mo?" Nagtatakang tanong nito sa 'kin.

Hindi na ako sumagot at tumitig na lang ulit sa kawalan. Hindi ko rin alam kung bakit ba wala akong gana ngayon.

"Hoy! Gala naman tayo puro ka tulala diyan wala ka naman napapala," pag-aakit sa 'kin ni Drake na agad ko naman tinugunan ayaw ko kasi makipag talo ngayon.

"Ang ganda ng panaginip mo no, sa  kanan nasa korea ka tapos sa kaliwa naman nasa paris, woah astig!" Ani Drake na manghang-mangha sa ginawa kong panaginip.

"Hoy! Bakit ba ang tahimik mo ngayon?" Pagtatanong nito sa 'kin dahil hindi tulad ng dati na palagi ko s'yang binabara.

"Wala," maiksi at pilit ang ngiti na ani ko.

"Susss hindi ako naniniwala na wala. Ano ba kasi dahilan?" Pangungulit nito sa 'kin.

Alam kung hindi ako titigilan nito kaya naman nag-kwento ako sa kanya kung ano ang nangyayari sa 'kin sa reality.

"HAHAHA 'yon lang ba? Eh, pangit naman no'ng crush mo, mas pogi pa naman ako do'n," ani nya na believe na believe sa sarili.

"Ikaw ang kapal talaga ng muka mo."

"Hindi naman, nagsasabi lang ng totoo," proud na sabi nito.

"Alam mo gutom lang 'yan kain nalang tayo."

Napakamot pa s'ya sa ulo n'ya bago tumayo at sumama sa 'kin para kumain.

Gwapo nga s'ya moreno, makapal ang kilay, matangkad, matangos ang ilong at kulay brown ang kaniyang mga mata---

"Zoey, alam kung gwapo ako kaya hindi mo na ako kailangan titigan," natatawang ani nito.

"Ang kapal talaga ng muka mo."

"Sus, wag ako Zoey umamin ka na crush mo ko," pangungulit nito sa 'kin.

"Asa ka naman."

"Sus, crush mo k--" hindi na n'ya natuloy ang sasabihin n'ya dahil sinubuan ko siya ng pizza na kinakain namin ngayon.

Ilang araw na pala siya sa panaginip ko. Ilang araw na rin akong hindi lumilikha ng eksena na kasama si Kyle. Siguro nga kailangan ko na rin aminin sa sarili ko na masaya ako na kasama si Drake, kahit na hindi maganda ang una naming pagkikita. Masasabi kong masaya akong dumating siya dito.

"Hmmm Zoey," basag ni Drake sa katahimikan namin. Nandito kami ngayon sa tabi ng dagat at pinapanood ang magandang paglubog ng araw.

"Oh, problema mo?"

"Hindi mo ba talaga ako crush?" Pagtatanong nito sa 'kin kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Ok, sabi ko nga hindi eh," pagsagot n'ya sa sariling tanong."Sayang crush pa naman kita," mahinang aniya.

"Ano 'yun?" Naka-kunot ang noo na ani ko.

"Wala, sabi ko kumain ka na lang," aniya at muling ipinagpatuloy ang pagkain.

Hindi ko naman talaga s'ya crush diba? Nagwa-gwapohan lang ako. Gwapo, mabait, masiyahin lang s'ya ok, 'yun lang 'yun. Hindi naman porket gwapo na s'ya sa paningin ko eh crush ko na s'ya. Masaya lang talaga ako na kasama siya. Masaya ako na hindi ko na kailangan gumawa ng mga pekeng eksena upang maging masaya. Kung noong mga nakaraang araw halos ipagtabuyan ko siya ngayon naman halos ayuko ng umalis sa tabi niya.

Ilang minuto nalang at tiyak akong gigising na naman ako sa mapang-husgang mundo. Kung pwede lang talaga na dito na lang ako tumira gagawin ko. Ngunit alam kong malabong mangyari 'yun. Kailangan kong tanggapin ang reyalidad na hindi ako bida sa isang fantasy story na perpekto ang pamumuhay.

Ito ang reyalidad at kahit kailan ay hindi ko 'to mababago. Ito ang mapanakit na mundo at wala akong ibang magawa kun'di ang tanggapin ito.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now