CHAPTER 7🌙

3.9K 197 12
                                    

Friday na naman napakadali lang ng  araw. Bukas sasamahan ko si mama sa palengke para magtinda ng isda hindi kasi makakasama si ate dahil may project pa raw siyang tataposin.

"Sis, may recitation mamaya sa math," tarantang sabi sa 'kin ni Hannah.

"Ha? Alin daw do'n?" Nataranta na rin ako kasi 30 mins nalang eh time na ng math. Hapon na ngayon kaya last subject na namin ang math.

"Yung THEOREM 1-10 daw."

Kinuha ko na agad ang notebook at pumunta sa sulok para i-memorize yung Theorem 1-10. Jusmeyo, kasumpa-sumpa talaga itong subject na 'to.

Nanahimik na rin lahat ng kaklase ko at gaya ko nagme-memorize rin, jusmeyo naman kasi bakit biglaan. Ito talaga 'yung subject na sinusumpa ko lalo na at gantong biglaan nalang magpapa-recite.

"Cabral," tawag agad ni sir pagka-pasok na pagka-pasok sa aming classroom.

"Villezire," sunod na tawag ni sir pagkatapos mag-recite ni Cabral.

Pinagpatuloy ko lang ang pagme-memorize dahil hindi pa naman ako.

"Marquez," tawag sa 'kin ni sir dahilan para matigilan ako sa ginagawa ko.

Lumapit ako sa unahan, shit kinakabahan ako ayuko pa mandin na kinakabahan ako. Nalilimutan ko kasi 'yung mga sinaulo ko sayang lang.

"Bunot ka ng tatlo tapos i-recite mo sakin, 5 points each," pagpapaliwanag sa 'kin ni sir ng makaupo ako sa tapat n'ya.

"THEOREM 3," basa ko sa nabunot ko. Hindi nagsalita si sir kaya naman sinimulan ko na irecite 'yun.

"Opposite angles of a parallelogram are congruent," pagre-recite ko kay sir, sininyasan lang naman n'ya ako na bumunot para sa sunod kaya tingin ko ay tama ang sinabi ko.

Bumunot pa ako ng dalwa at inirecite 'yun. Sa tingin ko naman ay tama ang mga sinabi ko dahil hindi ako itinama ni sir.

"Sana all nakaraos na," bulong sa 'kin ni Hannah. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya natatawag.

"Sis, meryenda muna tayo," pag-aaya sa 'kin ni Hannah ng malabas kami ng school gate.

Tumingin muna ako sa paligid baka kasi may iba kaming makakasama nagiging maingat lang ako.

"Wala si Kyle at 'yung gf n'ya kaya tara na."

"Sino naman may sabi sayo na sila ang hinahanap ko?"

"Sus 'wag na magdeny alam kung sila ang hinahanap mo. Alam ko rin na crush mo si Kyle," ani n'ya 'saka tumawa.

Inaya ko nalang sya na umalis na para makakain na, baka kasi kung ano pa lumabas sa bunganga n'ya eh.

"Sis, ba't kasi ayaw mo pa aminin e halata ko naman," pangungulit nya sa 'kin. Pilit kasi niya akong pinapaamin tungkol sa nararamdaman ko kay Kyle.

"Oo na, pero dati 'yun hindi na ngayon," pag-amin ko sa kan'ya. Alam ko naman kasi na hindi n'ya 'ko titigilan hanggat hindi ako napapaamin.

"Aamin din pala pinatagal pa," naka-ngising ani n'ya sa 'kin.

Nagkwentuhan pa kami saglit bago napagdesisyunan na umuwi na. Madami pa rin kasi kaming gagawin pareho.

"Zoey, next next friday ha. Magsabi ka na kay tita na gagabihin ka." Paalala niya bago humiwalay ng landas. Next friday kasi birthday ni Tita Cellia—mama ni Hannah. Inimbitahan niya ako dahil magluluto si Tita ng paborito ko sa lahat ng luto niya—ang pansit.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko na naman ang pamilyar na taong madalas kong makita nitong mga nakaraang araw. Papatawid siya ng kalsada kasama ang isang mabuting babae, maganda ang hubog ng katawan, at higit sa lahat ay mukang bata pa. Huminto sila sa tapat ng dalwang palapag na kulay green na bahay. Nakita ko kung paano niya idikit ang kaniyang labi sa labi ng kasama niya bago ito pumasok sa loob ng bahay. Totoo ba itong nakikita ko?

Sa pagkakataong ito ay nakumperma ko na kung sino ang lalaking iyon dahil sa liwanag na mula sa poste ng ilaw sa tapat niya.

Hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin ang bagay na ito.

Dream~

"Hoy! Kilan ka kaya mananaginip ng hindi nakatulala?" Nakakunot ang noo tanong ni Drake.

Andito kami ngayon sa tambayan ko. Walang iba kun'di ang garden napakasariwa kasi ng hanggin dito kaya dito ako lagi pumupunta.

"Gala na lang tayo kesa tumulala ka diyan," pag-aaya n'ya sa 'kin.

"Saan? Dito na naman sa panaginip ko, eh nalibot na natin lahat ng nandito eh."

"Sino naman may sabi na sa panaginip mo tayo magagala," naka-ngising ani niya at hinigit ako.

"Hoy saan ba tayo pupunta?"

"Basta sumama ka na lang."

Nakarating kami sa isang kulay puting pintuan. Ngayon ko lang nakita ang pintuan na ito.

"Pahingi ako ng susi," ani niya sa 'kin na ikinakunot ng noo ko.

"Saan naman ako kukuha ng susi? Para saan 'yun?" Nagtatakang tanong ko sa kan'ya.

"Nasa panaginip mo tayo kaya kung ano ang iisipin mo ay mabubuo. Para saan ang susi? Ano ba ginagawa sa susi?" Iritadong wika niya.

Naglabas na lang ako ng susi at ibinigay sa kan'ya kahit na nagtataka at naguguluhan.

"Teka lalabas tayo? Pa'no kung hindi tayo makabalik?" Tarantang ani ko sa kan'ya.

"Ako bahala magtiwala ka lang sa 'kin," naka-ngiting aniya sabay kindat.

Pagkalabas namin ay bumungad sa amin ang madilim na hallway.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa matanaw namin ang tatlong pinto na may iba't ibang kulay.

"Oh, pili ka na kung alin diyan ang gusto mo."

Kulay dilaw na pinto ang nasa kanan at asul naman sa kaliwa nasa gitna naman ang kulay pink.

Itinuro ko ang asul na pinto sa kaliwa at binuksan n'ya. Bumungad sa amin ang malawak na taniman ng rosas.

"Oy crush mo 'yun diba," ani n'ya sabay turo sa lalaking nakaupo sa bench na tila ba may hinihintay.

Ilang segundo lamang ay may lumapit sa kanyang isang maganda babae. Naka-dilaw na dress ito at nakalugay ang mahaba at maganda niyang buhok.

'Sya 'yung girlfriend ni Kyle'

"Tara na alis na tayo dito," pag-aaya ko sa kan'ya.

"Bakit? Eh kanina lang gandang-ganda ka sa mga bulaklak dito."

"Basta tara alis na tayo dito," aniya ko at naglakad na patungo sa pinto na pinasukan namin.

"Hoy bakit uuwi tayo agad? Ganda pa magala eh," pagrereklamo n'ya sa 'kin ng tahakin ko ang daan pabalik sa panaginip ko.

"'Di magala ka mag-isa dream traveler ka diba? Kaya mo na 'yan," inis na ani ko.

"Ayuko, sama ako sayo," aniya n'ya sabay nguso akala mo naman ikina-gwapo niya 'yun. Kunti lang naman.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now