CHAPTER 31

1.8K 109 16
                                    

Drake's Point of view.

A-adele," nanginginig ang boses na wika ko. Kinusot-kusot ko pa ang aking mata sa pag-aakalang namamalik-mata lang ako ngunit hindi. Andito siya at alam kong hindi maganda ang magiging resulta nito.

Zoey and I was not ok yet. Hindi pa namin napapag-usapan ang tungkol sa nakaraan ngunit 'di bale. Hindi naman kami o kahit anong romantic na namamagitan sa amin ay wala para pag-usapan ang bagay na 'yon.

Even we're not together, natatakot ako sa maaaring gawin at sabihin ni Adele. Natatakot ako na baka dahil sa akin mapahamak siya.

"Ginagamit ka lang niya," naka-ngiting wika ni Adele kay Zoey.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung paano ipapaintindi kay Zoey ang lahat.

Nilingon ko si Zoey, nakatitig siya kay Adele, hindi alam ang gagawin. Unti-unting kumawala ang mga luha sa kaniyang mga mata. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin.

I hurt an innocent girl. Damn! I want to punch myself.  Hindi ko magawang magalit kay Adele dahil ako ang may kasalanan ng lahat. Hindi niya 'to gagawin kung hindi ko siya nasaktan.

"Oo nasaktan ako no'ng nalaman ko na ginagamit mo lang ako at may balak kang masama sa 'kin. Oo sobrang sakit no'n. Gusto kong magalit sa'yo. Gusto kong iparamdam sa'yo lahat ng nararamdaman ko," umiiyak na ani niya. Gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan "Pero hindi ko magawa kasi hindi ko ugaling gumanti. Hindi ko ginawa kasi hindi naman no'n mababago ang mga nangyari na," pagpapatuloy niya.

No one can bet the kindness in her heart.

Wala na naman akong magawa. Hindi ko man lang maalis ang sakit na naidulot ko sa kaniya.

"Zoey, please, kausapin mo naman ako."

Alam ko napakakapal ng muka ko para mag demand sa kaniya na kausapin ako. Ngunit hindi ko kaya sa mga nalalabi kong araw ay hindi niya ako mapatawad.

"Drake, pwedeng 'wag muna ngayon?" Inis na wika niya. Hindi ko na ikinagulat 'yun. Natural lang na magalit siya sa akin.

"Zoey, sabihin mo lang na ayaw mo na akong makasama, na ayaw mo na akong makita, aalis ako. Aalis ako at hindi na muling magpapakita sa iyo---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng magsalita siya.

Dalwang salita ngunit nag dulot ng labis na katahimikan.

"Please, stay."

"It's look like you have a problem. Do you want to share it?"  Malambing na ani ko habang sinusuklay ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri ko.

Umiling siya, itinigil ko ang aking ginagawa bago muling magsalita.

"Baka mapagaan ko ang loob mo. Pero kung ayaw mong sabihin, I'll respect that."

"Just continue combing my hair," utos niya na agad ko namang sinunod.

Dahan-dahan akong nagbaba ng ulo para maabot ng labi ko ang kaniyang buhok upang dampian ng halik. Pagkatapos noon ay muling kong sinuklay ang kaniyang buhok at umaktong parang walang nangyari kahit na ang loob ko ay nais ng magwala.

"H'wag mo 'kong kuntrahin kung ayaw mong ibuhos ko sayo lahat ng galit ko," masungit niyang wika, ganoon pa man ay ngumiti ako.

Hindi ko maiwasan na pagmasdan siya, kinakabisado bawat detalye ng kaniyang muka hanggang sa bilang ng nunal nito ay hindi ko pinalagpas.

Ilang araw ng nag-g-glitch ang katawan ko at ilang araw na rin siyang nagtataka. Sari-saring palusot na ang nasabi ko. Ayukong makita ulit siyang masaktan. Gusto ko hanggang sa huling beses na magtagpo ang aming mga mata nakangiti siya.

"Pwede po ba akong bigyan ng bagay mula sa imahinasyon mo?" Tanong ko sa kaniya.

Naguguluhan man ay ginawa niya ang hiling ko. Naka-ngiti kong pinagmasdan ang bracelet na binigay niya.

Ilang sandali ay naramdaman kong nag-glitch ang buong katawan ko, tanda na tapos na ang oras ko.

Hindi ko tiningnan si Zoey. Ayukong makita siyang naguguluhan.

"Maligayang pagbabalik, Drake," masayang bungad sa akin ni Haring Morpheus, tumingin lamang ako sa kaniya ng bahagya.

"Paumanhin ngunit ang kasunduan ay kasunduan," seryusong wika niya na tanging tango lang ang nagawa ko.

Tinawag ni Haring Morpheus ang dalawa niyang kawal upang ituro sa akin ang nararapat na pinto kung saan ako patungo.

"Drake!" Tawag sa akin ng pamilyar na boses kaya agad ko itong nilingon.

Iniwan kami ng dalawang kawal. Doon ko pa lang napansin ang hawak niyang crystal ball at napagtanto kung kanino iyon. Nadurog ang puso ko ng makita si Zoey doon. Wala siyang ibang ginagawa kun'di ang tumakbo ng tumakbo at lumingon sa paligid, tila ba may hinahanap habang tumutulo ang kaniyang mga luha. Hindi ko na rin napigilan ang aking mga luha, sunod-sunod itong pumatak. Ang atensyon ay nananatili sa crystal ball.

"Nais mo bang pagpaalam muna?" Nag-aalangan na tanong niya.

Hindi na ako nagdalawang isip na tumango.

Sa isang iglap ay nagbago ang aking paligid. Mula sa gintong mga pader ay napalitan ng isang magandang panaginip mula sa imahinasyon ng isang tao.

"Drake!" Sigaw ng pamilyar na boses, agad ko iyong nilingon at tumakbo sa kinatatayuan ng may ari ng boses. 

Malaki ang mga ngiti sa kaniyang labi ngunit hindi ko magawang gantihan sapagkat alam kong hindi iyon pagtatagal.

Niyakap ko siya ng maghigpit 'saka itinapat ang bibig ko sa tenga niya.

"Mahal kita, Zoey."

Wala na akong pakialam kong hindi tugma ang nararamdaman nakin para sa isa't isa.

Sabihin man niya na hindi pareho ang nararamdaman niya para sa akin ay ayos lang. Ang mahalaga ay nasabi ko kung ano ang nararamdaman ko.

"Mahal din kita,Drake."

Tila tumigil ang ikot ng mundo ng marinig ko sa kanya ang mga salitang iyon. Para akong sasabog sa tuwa dahil sa sobrang saya, ngunit hindi ko magawa. Dapat ba akong maging masaya kung sa susunod na araw ay hindi ko na siya kasama?

Napakamalas ko naman sa part na mahal ako ng taong mahal ko pero hindi kami kailan man pwedeng magsama.

Bago pa man maubos ang oras ko ay ipinantay ko ang aking muka sa kaniyang muka. Dahan-dahang pinaglapit iyon para bigyan siya ng pagkakataon na tumutol ngunit hindi niya ginawa. Marahan kong inilapat ang aking mga labi sa kaniya. Hindi ito nag tagal dahil unti-unti na akong naglaho.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now