CHAPTER 4🌙

5.6K 246 26
                                    

"Dito tumingin 'wag sa sahig, sa bintana dito sa 'kin ha," pagpaparinig ni maam Lucy kaya natauhan ako kasi hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa sahig.

Nakinig nalang ako kay maam baka kasi mapalabas na naman ako tulad no'ng nakaraan buti nalang good mood si maam ngayon at hindi ako pinalabas.

Ilang minuto pa ay natapos na ang klase ni maam Lucy sa'min oras na para mag-recess pero hindi ako bumababa. Kailangan ko kasi mag buod at magbasa ng Noli Me Tangere para sa recite mamaya.

"Hoy sis, pagaya ng buod mo sa kabanata 17," saad ni Hannah hay nako gan'to naman lagi ako ang magbubuod tapos s'ya manggagaya lang.

"Oh ito, sana sa susunod ako naman pagayahin mo," inis na wika ko dito at nagbasa nalang ulit. Muli akong napatigil sa pagbabasa ng may maalala.

"Hannah?" Tawag ko rito. Dapat ko bang inatanong sa kaniya 'to?

"Oh, bakit?" Tanong niya habang nagsusulat.

"A-ah wala. Mag-sulat ka na lang," tanging naging sagot ko at wala na akong narinig na tugon mula sa kaniya.

Time na ng filipino subject ewan ko ba bakit ako kinakabahan tuwing magrerecite kahit alam ko naman 'yung nangyari at binasa ko naman ito.

Natapos na naman ang isang buong araw. Nakakatamad talaga pumasok araw-araw kapag wala kang crush sa room o kahit sa buong school. Bakit kasi nasa kabilang school si crush huhuhu.

Nasa labas na ako ng gate ng makita ko si Kyle. Ba't s'ya andito?

"Hi Zoey, aayain lang sana kita magala kung ok lang," nakangiting ani nito sa 'kin.

"Ay oo naman, ok na ok!" Biglang sulpot ng maingay kong kaibigan na si Hannah. Ano ginagawa ni Hannah dito? Kapal talaga ng muka niya, s'ya pa 'yung sumagot hindi naman siya ang tinatanong.

"Pwede ba akong sumama sa inyo?" Muling pagsasalita ni Hannah.

"A-ahh oo naman. Kaibigan ka ba ni Zoey?" Tanong ni Kyle.

"Oo, ako si Hannah," pagpapakilala ni Hannah sa sarili niya sabay lahad ng kamay.

"I'm Kyle Smith," aniya at inabot ang nakalahad na kamay ni Hannah.

Wow parang wala ako ah. Sige kayo na lang mag-usap alis na lang ako.

"So, tara na?" Pag-aakit ni Kyle at nagpauna ng lumakad.

"Ang Gwapo nya, Sis," bulong sa 'kin ni Hannah at sumunod na kay Kyle.

Itong babaeng 'to talagang medyo malandi. Napailing-iling nalang ako at sumunod na rin ako sa kanila.

Andito kami ngayon sa park at kumakain ng kwek-kwek at kalamares habang nagkwe-kwentuhan.

"Matagal na pala kayo magkaibigan," saad ni kyle.

"Ahh oo medyo matagal na rin," sagot ni Hannah habang ngumunguya.

To be honest parang wala ako dito sa tabi nila kasi silang dalwa lang ni Hannah ang nag-uusap.

Pagkatapos namin magala at kumain ng kwek-kwek at kalamares ay umuwi na rin kami kasi pare-parehas pa kaming may gagawin.

"Zoey, Hannah," tawag sa 'min dalawa ni Kyle kaya naman nilingon namin ito.

"Bukas gala ulit tayo ha," pag-aaya nito sa 'min.

"Sure, ikaw pa eh malakas ka sa 'kin," ani Hannah 'tsaka tumawa.

"Ok lang ba sayo, Zoey?" Tanong sa 'kin ni Kyle ng mapansin na hindi ako sumagot.

"Oo naman," nakangiting ani ko.

"Sige bye, see you tomorrow," paalam n'ya at lumiko na sa kabilang kalye.

Nagpaalam na rin sa 'kin si Hannah at umuwi na kaya umuwi na rin ako.

~•Dream•~

Nasa'n na kaya 'yung lalaki na 'yun. Masyado ata s'yang nasaktan sa mga sinabi ko.

Pumunta ako ng garden at nagbakasakaling ando'n s'ya pero nabigo ako.

Kaya naman umupo nalang ako sa bench na ando'n. Kanina pa rin naman ako naghahanap sa kanya kaya napagod na ako at nagpahinga.

"Para atang kanina ka pa may hinahanap," kilala ko ang boses na iyon sya 'yung lalaking kanina ko pa hinahanap.

Lumingon ako sa likod ko at ando'n nga sya. Tumayo ako at lumapit sa kanya para yakapin.

"Oh, chill lang alam kung gwapo ako," natatawang wika n'ya kaya umalis na ako sa pagkakayakap.

"Kapal mo naman, gusto ko lang humingi ng sorry sa nasabi ko," sinserong aniya ko.

"Bakit ka naman hihingi ng sorry,ok lang naman," naka-ngiting ani niya.

"Pero sorry talaga ha, 'di ko sinasadya 'yun," nakatungong ani ko nahihiya kasi ako sa nasabi ko eh. Masyadong masama ang mga iyon at dapat hindi na lumabas sa bunganga ko.

"Hay nako! Ok nga lang do'n na nga lang tayo mukhang maganda do'n," pagtuturo niya sa peryahan.

Tinuro nya ang parte ng panaginip ko na may mga rides kaya pumunta kami do'n. Ayaw ko man pero sumama pa rin ako. Pambawi lang para sa mga nasabi ko.

"Tara sakay tayo ng ferris wheel," pag-aakit nito na agad ko naman tinanggihan.

"Ayuko, takot ako sumukay dyan."

"Luh, eh ba't mo pa nilagay 'yan d'yan kung ayaw mo naman sakyan,"inis na tanong nito na parang gustong-gusto talaga sumakay do'n.

"Sige kapag 'di mo ako sinamahan sumakay magagalit ako sayo dahil sa sinabi mo sa 'kin," naka-ngisi n'yang sabi sa 'kin.

"Teka akala ko ba ok na 'yun--"

Hinigit n'ya ako kaya 'di ko na natapos ang sasabihin ko. Dinala n'ya ako sa ferris wheel at sumakay na kami kaya hindi na ako nakapalag pa. Wala na akong nagawa kun'di sumigaw ng sumigaw lalo na kapag nasa pinaka-mataas na parte na kami.

Nang makababa na kami ay agad naman niya akong tinawanan at nilait ang ekspresyon ko kanina.

"Muka kang natagkalan ng kaluluwa," tawang-tawang sabi nya habang naka-tingin sa namumutla kong muka.

"Sabi ko naman kasi sayo eh, ayaw ko sumakay," naka-simangot na ani ko.

"Kung makakapit ka sa 'kin akala mo naman iiwan kita chill ka lang wala kang kaagaw sa 'kin," ani niya at tumawa ng tumawa, inis ko siyang tiningnan.

"Ang kapal talaga ng muka mo," wika ko at akmang tatalikod na ng hawakan niya ang kamay ko.

"Oh, 'wag ka na magalit tara do'n kain nalang tayo," naka-ngiti nitong aya.

Pumunta kami sa mga tindahan ng pagkain. Grabe nakakailang subo palang ako pero s'ya matatapos na sa ikalawa niyang pagkain.

"Bakit ka nakatitig?" Nagtatakang tanong nito. "May dumi ba sa muka ko?" Pagpapatuloy niya.

"Wala ang cute mo lang," naka-ngiting ani ko ngunit agad din iyong nawala ng mag-sink in sa utak ko ang aking sinabi.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now