CHAPTER 35

1K 28 6
                                    

"I believe that she really exist," seryusong sabi ko kay Dex.

"Dala lang 'yan ng ilang taon mong pagkakatulog noon," natatawang sabi niya tsaka ininom ang whiskey na nasa baso niya.

"But what if she really exist?" Punong-puno ng paasa na tanong ko sa kaniya.

"What if magpatingin ka na?" Naka-ngising wika niya na ikinatawa naming dalawa.

Natigil ang aming pagtawa ng umilaw ang kaniyang cellphone tanda na mayroong dumating na notification.

"Babe, it's already late. Come home na," malakas na basa niya sa text na natanggap niya.

"Paano ba 'yan? May nagpapauwi na sa akin. Eh, ikaw? Hanggang kilan ka aasa at maniniwala diyan sa panaginip mong hindi naman totoo?" Mapang-asar na tanong niya sa akin.

Nauna na siyang umuwi habang ako naman ay napagpasyahan na magstay muna ng kunting minuto pa.

Hindi ko lang sa kaniya nai-kwento ang tungkol sa babaeng hindi ko sigurado kung totoong naging parte ng buhay ko.

Ang ilan sa kanila ay nag-suggest na ipahanap ko ito ngunit paano ko iyon magagawa kung tangging mga pangyayari lamang ang aking naaalala. Hindi malinaw ang kaniyang muka at ni minsan ay hindi ko narinig ang kaniyang pangalan.

I am a psychiatrist and even me, I can't tell what is happening. Did I need another psychiatrist to help me? I am losing my mind? 

Dapat ko bang pakinggan si Dex? O mabubuhay ako sa mga what if na sinasabi ng mga babae kong kaibigan. Mga girl best friend ko lang naman 'yung nagbabakasakali na there is a possibility na nag-e-exist talaga siya. Samantalang 'yung mga lalaki naman ay sinasabing pagpatingin na ako.

Isang tinig ang nakapagpatigil sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Pilit kong iniisip kung saan ko narinig ang boses na iyon. Ang kaniyang pagtawa, paraan ng pagsasalita at ang mga ginagamit niyang salita tila ba narinig ko na ang mga iyon.

Paglingon ko ay hindi ko makita kong saan galing ang boses na iyon. Nilibot ko ang buong bar nagbabakasakaling maririnig ko ulit ang boses na iyon. Nang mawalan ng pagasa ay tumigil na ako. Nababaliw na ba ako? Bagsak ang balikat na lumabas ako ng bar. Mali ang desisyon na manatili pa ako rito.

Sa hindi kalayuan may grupo ng babae akong nakita. Ang ilan dito ay nakainom na. They are too noisy and can hurt my ear.

"Magsipasok na nga kayo sa sasakyan," wika ng isa sa kanila na ikinabato ng buong katawan ko.

Hindi ko magawang gumalaw, nanghihina ang tuhod ko. Pakiramdam ko ay babagsak ako sa oras na gumalaw ako. Naghalo-halo ang boses nila ngunit ang tenga ko ay naka-focus lamang sa iisang boses.

Ang boses na 'yun...

Malakas at walang pinipiling salita ngunit tila musika sa aking pandinig.

"Kuya, ok ka lang po ba?" Tanong ng palaboy na batang lalaki sa akin na siyang ikinabalik ko sa aking wisyo.

Doon ko napagtanto na paalis na ang black Honda CR-V na sinasakyan nila. Mabilis kong tinakbo ang paggitan namin ngunit nabigo ako. Bago pa man ako makarating ay nakalayo na sila.

"Kuya," hingal na wika ng batang lalaki. Walang emosyon ko siyang tiningan. Malawak ang ngiting iginawad niya sa akin na tila ba pinagmamalaki pa niya ang dalawang bungi na ngipin sa harapan.

"Kuya, pangkain lang," wika niya

Kinapa ko ang aking bulsa para kunin ang aking wallet. Binigyan ko siya ng sapat na pera upang makakain siya sa gabing ito.

Maglalakad na sana ako papunta sa aking sasakyan ng mapukaw ng aking isang pink na wallet sa sahig ang aking atensyon.

Pinulot ko ito at binuksan. Ilang cash ang nakita ko dito at ilang mga card. Inilabas ko ang aking cellphone upang i search sa facebook ang pangalan na nasa card.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now