CHAPTER 8🌙

3.8K 195 12
                                    

"Ne, magkano sa tilapia?" Tanong sa 'kin ng isang matandang babae.

"120 po isang kilo."

Nasa palengke ako ngayon kasama ni mama sa pagtitinda ng isda. Tuwing Sabado at Linggo gan'to ang ginagawa ko para matulungan si mama.

"Anak, linisan mo nga itong isda ni ate," utos sa 'kin ni mama na agad ko namang sinunod.

Wala akong ibang ginawa maghapon kun'di ang mag linis ng isda.

Dumating ang Sabado at Linggo ganun pa rin ang ginagawa ko. Busy kasi si ate para sa exam n'ya kaya ako at si mama lang ang magkasama ngayon sa pagtinda ng isda.

"Hayst," pagod ang boses na wika ni mama.

Pauwi na kami ngayon dahil hapon na at ubos na rin naman ang paninda namin. Pagka-uwi namin ay kumain lang ako ng hapunan at madali ng nakatulog dahil sa pagod.

Dream~

"Oh, pili ka na ng kulay,"masayang wika ni Drake sa 'kin.

Pinilit kasi n'ya ako na mag-dream travel ulit kami kahit ayaw ko. Hindi kasi maganda ang unang nakita ko nung nag-dream travel kami no'ng nakaraan. Hindi s'ya nagpatalo kaya ito kami ngayon pumipili ng kulay ng pinto na papasukan.

"Yellow na lang," walang ganang sagot ko.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Bumungad sa amin ang malawak at maganda na garden na puro sunflower kaya pala dilaw ang kulay ng pinto dahil puro sunflower ang laman nito.

"Ang ganda naman dito," masayang wika ko at lumingon kay Drake na masayang nakatingin sa 'kin.

Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa ginawa niyang pagtitig.

Maya-maya lang ay nakita ko na siyang naglalakad papunta sa akin na may dalang sunflower. Iniabot n'ya sa 'kin ang dalang bulaklak. Kinuha ko ito sa kamay niya at ngumiti. Lumingon ako sa ibang direksyon, naiilang sa ginawa nya kahit alam ko naman na walang ibang ibig-sabihin iyon.

"Tulong!" Nagulat ako ng biglang may tumakbong babae.

Napatingin ako sa pinanggalingan nito. Napasigaw din ako ng malaman ang dahil ng babae.

"Tahan na,Zoey.Panaginip lang ang pinasukan natin kaya lahat ng bagay dito ay hindi totoo," ani Drake para pahintuin ako sa pag-iyak.

May nakita kasi ako na isang matandang babae nakalugay ang kaniyang mahabang puting buhok at puro dugo ang kaniyang puting suot. Siya ang humahabol sa babaeng sumisigaw kanina.

Lumabas na lang kami sa panaginip na iyon. Ayaw ko na sana buksan at pasukin ang ibang panaginip dahil sa nakita ko kun'di lang ako hinigit ni Drake papunta sa loob.

Sa pagkakataong ito maganda na ang napasukan namin. May dalawang tao na nagsusumpaan ng kanilang walang hanggang pagmamahalan. Napangiti na lamang ako habang pinapanood sila.

"Pusta ko bente. 'Yung babae ang nananaginip," mayabang na ani ko kay Drake.

"Mali ka yung lalaki."

"Eh? Pa'no mo nasabi?"

"Magaling ako, eh," naka-ngising sagot n'ya sa 'kin.

'D ikaw na magaling'

"Bakit naman 'yung lalaki?" Nagtatakang tanong ko sa kan'ya.

"'Yung lalaki kasi hindi 'yung babae," nakakalokong sagot niya. Napairap nalang ako at hindi na nagsalita.

"Grabe! Kakagutom magala."

"Lagi ka naman gutom. Hindi na nakapagtataka," ani ko.

Nandito na ulit kami sa panaginip ko at kumakain.

"Tara sa tabing dagat," pag-aaya niya sakin. Mukang hindi s'ya napagod sa pagpunta namin sa kung kani-kaninong panaginip at nag-aaya pa s'ya na pumunta sa dagat.

"May nakikita ka bang dagat dito?" Nagtatakang tanong ko dahil wala naman akong inilagay na dagat sa panaginip ko.

"Ano ka ba naman? Panaginip mo 'to remember?" Nakataas ang kilay na aniya.

Hindi nalang ako sumagot at naglagay nalang ng dagat. Lunurin ko kaya s'ya? Kaso naalala ko...... hindi pala ako marunong lumangoy kaya 'wag na lang.

Pinanood ko lang s'yang maglangoy dahil hindi naman ako marunong. Pinapanood ko lang ang haring araw na bumaba. Maya-maya lang ay umalis na s'ya sa tubig at naglakad papunta sa tabi ko.

"Hindi ka ba maglalangoy?" Tanong niya sa akin.

Umiling lang ako at tumahimik na ulit. Isang buwan na rin pala ang nakakalipas simula ng makilala ko s'ya sa panaginip ko. Simula rin no'n ay hindi na ako nag-imbento ng mga eksena para lang maging masaya. Hindi ko na rin ginamit si Kyle para lang paasahin ang sarili ko.

Masarap pala sa pakiramdam na may taong andiyan para pasayahin ka. Dahil sa kaniya ay nag-bago ang pananaw ko. Dahil sa kaniya ay napagtanto kong maari akong sumaya ng hindi gumagawa ng pekeng eksena.

Nakakabingi na ang katahimikan kaya nagtanong ako ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya.

"Kapag ba gising na ako nandito pa rin ikaw at ang panaginip ko?" Curious na tananong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot agad para bang may mali sa tanong ko. May nasabi ba akong mali? May nasabi ba ako na hindi dapat?

Babawiin ko na sana ang tanong ko ng bigla siyang nag-salita.

"Ako andito pero.... yung panaginip mo.... wala," malungkot na wika nito.

"Ha? Eh, saan ka napupunta kapag nagigising ako?" Nagtatakang tanong ko ulit sa kanya.

"Nasa isang madilim na lugar. Naghihintay kung kilan ka babalik," malungkot na wika nito. Ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang kanyang paningin.

Nalungkot ako bigla sa nalaman ko. Nagtitiis s'ya sa madilim na lugar para lang hintayin ang muling pagtulog ko. Kung ako kaya ang nasa katayuan n'ya makakaya ko kayang magtiis sa madilim na lugar na sinasabi n'ya?

"Bakit nagtitiis ka pa sa madilim na lugar kung pwede ka naman umalis?" Pagtatanong ko sa kanya hindi kasi ako mapakali. Hindi ko ma-imagine na ganoon ang lagay niya sa tuwing didilat ang aking mga mata.

"Dahil gusto kita," mahinang sabi n'ya.

Dahil gusto kita? Tama ba ang narinig ko? Malabong sabihin niya sa 'kin iyon.

"Ano 'yun?" Pagtatanong ko dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko.

"Wala, sige na malapit ka ng magising,"aniya at ginulo ang buhok ko. Sumilay ang pekeng ngiti mula sa mga labi niya.

Oo, masayang malaman na may naghihintay sayo ngunit masakit ang malaman na kailangan niyang mahirap at magtiis para sa muling pagbabalik mo.

Sa ilang minutong nalalabi bago ako gumising ay muli kong sinilayaan ang maamo niyang muka. Hindi ko akalain na may tao pa lang kaya magtiis makita lang akong muli. Ngunit, tao nga ba siya? O ilusyon ko lang din gaya ng dati?

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now