CHAPTER 34

1.9K 52 20
                                    

Gaya ng ipinamgako ni Hannah kagabi ay bumalik siya.

"Ang aga mo," puna ko sa kaniya.

"Bawal ba?" Takang tanong niya na ikinailing ko naman.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking pisnge."Putla ka na--" hindi na natapos nito ang kaniyang sasabihin ng maramdaman niya ang aking init.

Inilipat nito ang kaniyang kamay sa aking leeg upang makomperma ang kaniyang nasa isip.

"Inaapoy ka ng lagnat, Zoey!" Galit na wika niya sa akin.

Inalalayan niya ako papunta sa aking kwarto. Hindi ko na magawang tumutol kahit gusto ko sa tabi lang ni papa dahil sa panghihina ng aking katawan.

Ilang hakbang bago ang aking silid ay lumabas si mama sa kaniyang kwarto.

"Anong nangyayari?" Tanong niya.

"Tita, inaapoy po ng lagnat si Zoey," sagot ni Hannah.

Natatarantang bumababa si mama. Pagbalik niya nakahiga na ako sa aking kama may dala siyang planggana na may maligamgam na tubig at bimpo. Muli itong bumababa upang kumuha ng pagkain at gamot.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Hannah kinuha niya ang bimpo at binasa. Pinunas niya ito sa aking katawan.

"Thank you," nanghihinang wika ko.

"Hindi bagay sayo, manahimik ka," natatawang wika nito.

Pagkatapos akong punasan ni Hannah ay sinubuan naman ako ni mama para makakain para makainom ng gamot.

Naunang bumaba si mama upang dalhin ang mga gamit.

"Magpahinga ka na muna. Tutulungan ko lang si tita sa baba," paalam ni Hannah sa akin.

~• Dream •~
Lumiwanag ang itaas na bahagi ng panaginip ko. Umaasa ako na lalabas doon si Drake, dahil gan'to din ang nangyari bago siya umalis. 

Nawala ang pag-asa at ngiti sa itsura ko ng isang magandang babae ang lumabas dito. Ito si Princess Calestina ang babaeng nagtungo sa panaginip ko noong nakaraan. Sinampal na naman ako ng katotohanan na umalis na siya. Wala na akong paglagyan. Kahit saan ako pumunta may tao akong hinahanap-hanap. Taong kahit anong gawin ko hindi ko na maiibalik pa. Hindi ko na muling makakasama.

"Nakapag-desisyon ka na ba, Zoey?" Bungad na tanong ni Calestina.

Dahil sa mga nangyari ay nalimutan ko na ang napag-usapan namin.

"H'wag kang matakot, Zoey. Siguraduhin kong magiging ligtas ka at si Drake," naka-ngiting wika niya.

"Hindi ba laging may kapalit ang bawat hiling? Ang bawat naisin at ang bawat desisyon."

"Ang tanging kapalit lang nito ay ang hindi ka na kailan man makakapag-lucid dream," seryusong sabi niya.

Muli kong pinagmasdan ang aking panaginip. Puro alaala namin ni Drake ang andito.

"Malapit na siya sa Elisora, Zoey. Kunting oras na lang ang natitira para makapag-desisyon ka," nag-aalalang wika niya.

"Anong mangyayari kapag nakarating na siya sa Elisora ng hindi pa ako nakakapag-desisyon?" Tanong ko sa kaniya.

"Mawawala na sa tunay na mundo si Drake. Maninirahan na siya dito. Hindi na siya makakabalik sa pamilya niya." Paliwanag nito sa akin.

Hindi ako nakasagot. Naalala ko 'yung araw na nakilala ko ang mama niya. 'Yung araw na nakita ko siyang nakahiga lang sa hospital bed at nasa kaniyang tabi ang kaniyang Ina na patuloy na humihiling sa kaniyang pagbabalik. Patuloy na umaasa na babalik siya.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now