CHAPTER 1🌙

17.8K 554 86
                                    

"Zoey, anak malalate ka na," sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.

"Andiyan na po, Ma,"aniya ko para matigil na ang kaka-sigaw niya. Magang-maga pa lang at siguradong tulog pa ang kapit-bahay namin.

"Dalian mo na malalate na tayo," masungit na bungad sa 'kin ni ate pagkalabas ko ng kwarto.

Mabilis na akong kumilos. Baka nga kasi malate kami. Sinimulan ko ng kumain at pagkatapos no'n at naligo na ako.

"Zoey," tawag sa'kin ni Hannah ng papasok na ako sa gate. S'ya lang naman kasi ang kaibigan ko dahil nga hirap ako sa buhay walang gustong makipagkaibigan sa 'kin kun'di si Hannah na hirap din sa buhay tulad ko. Meron naman pa lang pailan-ilan pero halatang hindi tunay. Laganap na talaga ang plastic sa mundo. Dapat tinatagkal na 'yang mga plastic sa mundo nagdudulot lang 'yan ng masamang epekto sa mundo.

"Oh, tara sabay na tayo,"masiglang aniya.

Pagka-pasok namin ay agad na rin dumating ang teacher kaya wala na akong ibang nagawa kun'di ang makinig na lang. Kailangan ko kasi mag-aral ng mabuti para hindi na kami naghihirap. Para hindi na nagtsa-tsaga si mama sa pag-tinda ng isda sa palengke. Nang hindi na rin kailangan ni papa'ng pumunta sa ibang bansa para mag-trabaho.

Dumaan ang ilang oras at natapos na ang lahat ng subjects sa araw na ito. Sa wakas, uwian na. Tumayo kaming lahat at nagpaalam sa guro. Hinihintay namin na lumabas siya at saka na namin ipinasok sa bag ang aming mga gamit. Tumunog ang classic bell ng classroom namin—ipinapaalam sa amin na tapos na ang klase naming lahat ngayon. Ngumiti ako nang lumapit si Hannah sa'kin na bitbit niya ang kanyang bag.

"Zoey, tara sabay na tayo lumabas," anyaya niya sa 'kin.

"Sige, tara na," pagkalabas na pagkalabas namin ay nakita ko na agad si Kyle 'yung lalaking crush na crush ko sa kabilang school. Napaka-gwapo talaga niya sa suot niyang uniform. Matangkad siya, maputi at makinis ang balat halatang anak mayaman.

Napabuntong hininga nalang ako ng maisip na kahit kailan ay hindi n'ya malalaman na nag e-exist ako. Dahil nga mahirap lang ako at mayaman s'ya. Bukod do'n e isa lang akong simpleng babae na malabong mapansin niya.

"Hoy! Zoey, bigla ka na lang natulala," aniya sabay uga sa 'kin.

"Huh? Ano 'yun?" Gulat na ani ko.

"Wala, sige una na ako magkaiba tayo ng dadaanan, eh," aniya at umalis na. Sinundan ko pa siya ng tingin at ng mawala na siya sa paningin ko ay umalis na rin ako dahil marami pa akong gagawin na assignments. Bukod doon ay kailangan ko rin mag-advance reading.

Pagka-uwi ko ay naabutan kong nasa sala si Mama habang kausap si Papa sa cellphone.
Agad akong lumapit kay Mama upang makausap si Papa.

"Hi, Papa," masiglang bati ko kay Papa ng makalapit ako kay Mama.

["Oh, anak, kumusta ka na?"] Naka-ngiti nitong ani ngunit bakas sa kaniyang mga mata ang labis na kalungkutan.

"Ok lang naman po, ingat ka po diyan ha. Miss ka na namin," naka-ngiting ani ko ngunit hindi napigilan ng aking mga mata ang paglabas ng luha dulo't ng pangungulila.

["H'wag ka ng umiiyak, bunso, uuwi na si Papa--"] Hindi ko na hinayaang makatapos si Papa ng pagsasalita.

"Ganiyan din ang sinabi mo sa 'min noong mga nakaraang taon, Pa," ani ko habang pilit na pinipigilan ang mga luha.

["Pasensya ka na, anak, gusto ko lang mabigyan kayo ng magandang buhay. Para sa inyo rin itong mga ginagawa ko."] Ani Papa na lumuluha na rin ngayon.

"Alam ko naman po 'yun, Papa. Ang akin lang hindi niyo naman po kailangan magtiis ng hirap para lang maipasok kami sa mamahaling paaralan pagtutong ng kolehiyo. H-hindi mo naman po kailangan pilitin. P-pa, kahit sa pampublikong paaralan lang basta kasama namin kayo dito sa bahay masaya na ako, m-masaya na kami--"

["Anak,"] Tawag sa 'kin ni Papa upang patahanin ako.

"Pa, kahit pumasok ako ng walang baon araw-araw....ok lang  sa 'kin, kahit na maging working student pa ako hindi ako magre-reklamo. Pa, miss na kita."

["Pasensya ka na, anak."] Tanging naging sagot ni Papa.

Nag-paalam na muna ako sa kaniya upang makapagpalit na ng damit at makapag-advance reading.

Dream~

Nagulat na lang ako ng biglang mag-iba ang paligid ko. Siguro ay nakatulog ako sa pag-gawa ng assignment.

Andito na naman ako sa mundong ginawa ko, mundo kung saan lahat ng isipin ko ay magagawa ko. Kaya wala akong ibang ginawa kun'di ang lokohin ang sarili ko na gusto ako ng taong gusto ko. Masakit isipin ngunit hanggang panaginip lang ang lahat ng ito.

Hindi lang naman puro si Kyle ang binuo ko rito. Sinubukan ko na ring buohin si Papa rito ngunit imbes na maibsan ang pangungulila ko ay lalo pang lumalala. Bawat umaga na magigising ako ay sinasampal ako ng realidad na hindi namin kasama si Papa, na malayo siya sa amin at hindi niya mapupunasan ang mga luhang tumutulo galing sa 'king mga mata tulad ng dati. Hindi niya ako mayakap sa mga oras na kailangan ko siya. At hindi na rin niya nagagawang suklayin ang buhok ko.

"Zoey, andiyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap," masiglang ani Kyle.

"Oh Kyle, may kailangan ka ba?" Tanong ko at niyaya siyang umupo sa tabi ko.

"Na-miss lang kita, tara mamasyal tayo." Masiglang anyaya nito na siyang tinugunan ko.

Nagpunta kami sa Nami Island na nasa gitnang bahagi ng aking panaginip. Ang mabilis na pintig ng aking puso ay sinabayan ng ingay mula sa mga tuyong dahon na aming dinadaanan. Alam kong panaginip lang ito at ako lang ang gumagawa nito ngunit hindi ko mapigilang kiligin. Nababaliw na yata ako sa paggawa ng mga ganitong bagay. Ngunit parang gusto kong tumira dito kasama siya. I want to live here forever with him—yah, alam ko, nababaliw na ako.

Nang magsawa na kami sa pamamasyal sa Nami Island ay pumunta naman kami sa seafood restaurant sa aking panaginip.

"Ako na diyan," aniya ng makitang nahihirapan akong maghimay ng alimango.

"Ahh ayos lang-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kuhain niya ang plato kong may alimango. Ibinalik niya sa 'kin ang plato ng matapos niyang himayin, nag-pasalamat naman ako sa kaniya.

"Maraming salamat, Zoey." Naka-ngiting aniya habang nakatingin sa papasikat na araw.

"Para saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa oras,sa saya, basta salamat."

"Hindi mo kailangan magpasalamat, ako nga dapat ang nagsasabi niyan." Ani ko ngunit wala akong narinig na tugon mula sa kaniya. Nang tingnan ko siya ay naka-ngiti itong naka-tingin sa 'kin na agad ikinainit ng pisnge ko.

Dahan-dahan niyang hinawi ang mga kawalang buhok sa muka ko at dahan-dahan inilipat ang kaniyang labi sa aking noo.

"Thank you, Zoey." Aniya bago ako tuluyang magising.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now