CHAPTER 27 🌙

2.1K 125 9
                                    

"Hi, Zoey, good morning," naka-ngiting wika ni Lexi.

Andito kami ngayon ni Hannah sa Canteen upang mag-almusal tutal wala kaming klase sa first subject dahil may emergency si Mrs. Saberna.

"Wala ako sa mood para mag-aksaya ng oras sayo, Lexi," walang ganang sagot ko at itinuon ang atensyon sa pagkain.

"I'm just here to give you a peace offering," aniya at inilapag sa lamesa ang isang basong pineapple juice. "Sorry, hindi ko na napaghandaan. Kanina lang kasi sa 'kin pinamuka ng mga friends ko na sumusobra na ako sa mga ginagawa ko sa 'yo," naka-ngiting aniya na sinang-ayunan naman ng mga kaibigan niya.

"A sincere apology is enough, Lexi."

"Tama, 'tsaka baka kung anong inilagay mo diyan," singit ni Hannah.

"Look, Zoey, I'm just here to end the war between us. I'm sincerely sorry for what I've done," aniya at mababakas ang pagka-sinsero sa kaniyang mga mata.

"Apology accepted," ani ko at nginitian siya ng bahagya.

"Really?" Tanong niya na tinanguhan ko lang. "Drink this first if that's true," aniya at mas lalong inilapit sa akin ang pineapple juice na ibinigay niya.

Dinampot ko ito at tumingin kay Hannah. Seryuso lang siyang naka-tingin at tila ba gustong magtanong. Sunod kong tiningnan si Lexi na may malawak na ngiti. Sana lang ay hindi ako magkamali sa gagawin ko.

Uminom ako ng pineapple juice gaya ng gusto niya at inilapag ko ulit ito sa mesa.

"Thank you, Zoey," ani Lexi at niyakap ako ng mahigpit. "See you in next class."

Sinundan ko ng tingin ang papaalis na si Lexi at ang mga kaibigan niya hanggang sa hindi ko na sila makita. Binalingan ko ng tingin si Hannah. Umiiling-iling siya na tila ba nagpapahiwatig na hindi ko dapat iyon ginawa.

Ano pa bang magagawa ko? Gusto ko lang naman maging tahimik ang buhay ko.

Agad na rin kaming bumalik sa room pagkain kumain. Hindi naman nagtagal ay dumating ang sunod na teacher.

"Zoey, paki-sulat naman ito sa board," ani Ms. Mendoza at ini abot sa akin ang libro.

Sanay akong nagsusulat sa board lalo na sa klase ni Ms. Mendoza. Pinapa-sulat muna niya sa akin ang lesson sa board bago siya mag-discuss.

Hindi pa ako nangangalahati ng bigla akong may nararamdaman na kakaiba sa aking tiyan. Hindi ito katulad ng nararamdaman ng iba kapag kinikilig at tila may paru-paru sa tiyan at higit sa lahat ay hindi ito bata.

"Ang baho."

"Amoy imburnal."

"Sino ba 'yun? Bulok ata tiyan no'n, ah."

"Grabe, angas ng pasabog."

Sari-saring komento ang narinig ko sa aking likuran ng may lumabas na hangin sa aking pang-upo. Hiyang-hiya ako at hindi maituloy ang ginagawa.

Muling nagpasabog ng masangsang na amoy ang puwitan sa pagkakataong ito ay may tunog.

"Grabe, Zoey, ilang linggo mo ba 'yang inipon?"

"Bulok na ata tiyan mo."

"Tama na, Zoey. Mahihimatay na ako."

Ani ng ilan kong kaklase ay nagsitawanan na agad namang sinaway ni Ms. Mendoza.

Naka-tungo akong lumabas ng room habang-hawak ang aking puwitan pilit na pinipigilan ang bagay na gustong lumabas.

Naiiyak na lang akong pumasok sa C.R , hiyang-hiya sa nangyari.

"Zoey," rinig kong tawag ni Hannah sa labas ng cubicle. " Hindi ka ba inabutan? Gusto mo ikuha kita ng extrang palda at pang-ilalim sa locker mo?" Nag-aalalang tanong niya.

"H'wag na hindi naman ako inabutan. Balik ka na sa room. Thank you," ani ko.

"Sabay na tayo. Hintayin kita."

Hindi ko alam kong kaya ko pa bang bumalik sa room. Sobrang hiyang-hiya ako sa nangyari.

"Sigurado akong gawa 'yan sa juice na binigay sa 'yo ni Lexi. Sabi na nga ba wala talagang alam gawin na mabuti 'yang babae na 'yan," nanggigigil na wika ni Hannah.

Agad kong naalala ang nangyari kanina sa Canteen.

" Nagkataon lang siguro," pangungumbinsi ko kay Hannah pati na rin sa sarili.

Pagkatapos ko ay medyo natagalan pa kami bago bumalik sa room. Ilang minuto akong kinumbinsi ni Hannah na wala lang 'yun. Natural na nangyayari sa tao ang ganoon bagay nagkataon lang na sa public place ko naranasan.

Pagkabalik namin sa room ay wala na si Ms. Mendoza. Hindi ako kinantsawan ng mga kaklase ko ngunit may ilang nagbubulungan at pasimple akong nililingon.

"Kumusta ka na, Zoey," tanong ni Lexi ng maka-upo ako sa aking pwesto.

"Kunwari ka pang concern, ikaw naman may gawa no'n," bulyaw ni Hannah.

"H'wag kang judgemental, Hannah. Nagmamagandang loob na nga ako. Ako pa ang nagbaba ng pride tapos pagbibintangan mo lang ako," nakataas ang kilay na wika ni Lexi.

"Tumigil ka, Hannah," bulong ko dito.

"Ok lang ako, Lexi. Thank you," naka-ngiting wika ko.

"That's good," aniya at tinalikuran ako.

"H'wag mong sabihin na naniniwala kang hindi siya ang may gawa no'n," iritang wika ni Hannah pagka-alis ni Lexi.

Nagkibit-balikat lang ako at sinundan ng tingin si Lexi pabalik sa kaniyang upuan.

"Pasensya na po, Ma'am. Hindi na po ako nakapagpaalam sa 'yo kanina bago lumabas," naka-tungong wika ko ng makasalubong si Ms. Mendoza sa corridor.

"Ok lang 'yun," naka-ngiting wika nito.

May ilang bagay pa kaming pinag-usapan bago tapusin ni Ms. Mendoza ang usapan dahil may aasikasuhin pa siya.

~•Dream•~

"Ilang araw ng hindi maganda mood mo ah," bungad ni Drake.

Tiningnan ko lang siya bago muling naglaro ng bungahin.

"Anong nangyari? May sama ng loob ka bang dinadala? Kwento mo, makikinig ako. Kung galit ka ibuhos mo sa akin ang galit. Kahit ano mabawasan ang bigat na dinadala mo," naka-ngiting wika nito bago umupo sa tabi ko.

Inilahad ko sa kaniya ang lahat. Tahimik lang siyang nakikinig at bahagyang patango-tango.

"Sa tingin mo tama si Hannah?" Pagtatanong ko matapos kong magkwento.

"Kung titingnan at babalikan 'yung mga ginawa niya noong una masasabi kong may point ang kaibigan mo," sagot niya.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi na maaaring magbase lang sa tuno at ekspresyon ng muka kung sincere talaga ang tao sa kaniyang sinasabi.

Muli sana akong magsasalita ng biglang glitch ang buong katawan niya. Kinusot ko ang aking mata, nagbabaka-sakaling namalik-mata lang ako. Naulit iyon ng muli kong itinuon sa kaniya ang aking paningin.

"B-bakit? A-anong n-nangyari?" Nanlalaki ang mata sa gulat na tanong ko.

"A-ah... Pinapatawag ako ni Haring Murpheus," aniya at bahagyang kinamot ang kaniyang ulo.

May parte sa akin na naniniwala sa kaniyang sinabi at meron namang hindi. Ngunit kong hindi ano ang dahilan? Wala naman akong alam sa ibang bagay na maaaring gawin sa mundong ito.

Dahan-dahan akong napatango. Kinumbinsi ang sarili na totoo ang kaniyang sinabi kahit na kita ko ang takot sa kaniyang muka ng mangyari iyon.

THE BOY IN MY DREAMWo Geschichten leben. Entdecke jetzt