CHAPTER 13🌙

2.7K 176 18
                                    

Pinatay ko ang alarm ng phone ko at tsaka tumayo. Ang sakit ng katawan ko parang ayaw ko pumasok ngayon. Grabe naman kasi nangyari sa panaginip ko kagabi.

Pumasok nalang ako sa banyo at naligo na bago pa maisipan na matulog nalang kesa pumasok.

"Zoey, I miss you," malakas na bungad sa 'kin ni Hannah sabay yakap.

"Ang OA mo, Hannah," inis na wika ko.

"Grabe, nakakaiyak akala ko tinangay ka na ng bagyo," umiiyak kunwaring aniya.

"Weh? Ako nga nananalangin na sana dinala ka ng bagyo," ani ko at napairap.

"Grabe ka talaga, punta na lang tayo sa court mamaya may laro ng basketball. Hanap tayo ng pogi," naka-ngising ani Hannah.

"H'wag na, loyal ako sa kanya."

"Loyal? Kanino? Ikaw ha, may tinatago ka na sa 'kin," naniningkit ang matang aniya.

"Wala akong tinatago."

"Weh?" Hindi naniniwalang aniya.

"Oo na, tara na sa court mamaya," napipilitang wika ko.

Syempre, ayaw ko sabihin na loyal ako kay Drake- What? Ano ba sinasabi ko? Ba't kailangan loyal ako sa kan'ya?

Natapos na ang klase namin ngunit hindi ko pa rin alam kung bakit nasabi ko na loyal ako kay Drake.

"Zoey, tara na," ani Hannah.

"Huh? Saan?" Aniya ko na kunwaring hindi alam ang sinasabi niya. Duh, ayaw ko sumama loyal nga ako kay- Erase erase. Napailing-iling ako na tila maaalis no'n ang iniisip ko.

"Sa court nga,diba?"

"Shit! Si Kyle 'yon diba?" Gulat na ani Hannah.

Napatingin ako sa tinuro niya at nakumperma na si Kyle nga iyon.Nakasuot ng jersey at kasama ang mala-dyosa niyang girlfriend.

"Tara do'n, Zoey," aya ni Hannah at hinigit ako palapit kina Kyle.

Huli na para pigilan ko siya dahil tinawag na niya si Kyle.

"Kyle," masayang tawag ni Hannah.

"Hannah, ano ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong niya.

Ano ba sa tingin niya? Hindi ba obvious na manonood kami?

"Manonood ng basketball. Ikaw ha tagal na natin hindi nagkita."

"Oo nga eh, medyo busy kasi ako nitong mga nakaraan," ani Kyle.

"Ahh gano'n ba, sige do'n na kami ha, good luck," paalam ni Hannah.

"Good luck, Kyle," naka-ngiting ani ko at sumunod na kay Hannah.

"Go baby!" Sigaw ni Hannah.

"Baby?" Nagtatakang aniya ko sa kanya.

"Yung number 2 ang gwapo, 'no?" Kinikilig na aniya at nagsisgaw ulit.

"Teka lang, Hannah," ani ko at hinigit siya mula sa pagkakatayo.

"Ano 'yun? Istorbo ka naman pinapanood ko baby ko eh," inis na ani Hannah.

"Baby? Kilala mo ba 'yang lalaking tinatawag mo ng baby?"

"Hindi, gwapo lang," natatawang aniya.

Napailing-iling nalang ako at hinayaan siyang mag-ingay. Kahit kailan talaga nakakahiyang kasama itong babae na 'to.

"Congrats, Kyle," ani Hannah at kinamayan si Kyle kaya gano'n din ang ginawa ko.

"Thank you," nakangiting ani Kyle.

"Galing mo pala magbasketball--," napatigil si Hannah ng lumapit sa 'min 'yong lalaking tinatawag niya 'baby' kanina.

"Kyle, una na ako," nakangiting paalam ng lalaki.

Sinundan ni Hannah ng tingin 'yong lalaki at ng mawala sa paningin n'ya ay nagtitili.

"Kyle, kilala mo pala 'yon. Ano pangalan niya?" Kinikilig na tanong ni Hannah.

"Kenzo Montrel," natatawang sagot ni Kyle.

Dali-dali naman inilabas ni Hannah ang phone n'ya at sinearch ang pangalan ng lalaki sa facebook. Best friend ko nga naman, basta gwapo ang bilis.

"Kyle, una na kami ingat kayo," naka-ngiting paalam ko at hinigit na ang kaibigan kong nababaliw pa rin sa lalaking nakilala niya.

"Grabe sis, tingnan mo ang gwapo niya," kinikilig na ani Hannah. "Ang gwapo ng baby ko," dagdag pa nito.

Napailing-iling nalang akong pinapanood siya na i-save ang picture ni 'Kenzo'. Kailan ba tatalaban ng kahihiyan itong kaibigan ko?

~•Dream•~

"Drake!"

"Asan ka?" Pasigaw na aniya ko.

"H'wag ka na magtago, lumabas ka nalang," pumunta ako sa mga kainan na nandito sa panaginip ko, nagbabakasakaling ando'n siya. Pumunta na rin ako sa garden at sa tabing dagat kung saan lagi kaming nakatambay ngunit, wala siya.

Nanghihina akong naupo sa tabing dagat. Alam ko na mangyayari ang araw na 'to ngunit hindi ko napaghandaan. Alam ko na isang araw pupunta ako sa panaginip ko na wala na siya. Nakakalungkot lang, nakakalungkot na kahit pagpaalam sa 'kin ay hindi niya nagawa.

Sawa na ba s'yang hintayin ako dito? Sino ba naman ang maghihintay sa isang madilim na lugar para lang hintayin ako? Nakakatawa lang na nagtatampo ako dahil hindi siya nagpaalam gayo'ng wala lang naman ako para sa kanya.

Nakatulala lang ako sa dalampasigan habang inaalala ang mga masasayang araw namin dito. Hinayaan ko lang kumawala ang mga nag uunahang luha palabas ng aking mata. Sana ay hindi ko na sinanay pa ang aking sarili lalo't alam kong hindi siya permanente. Alam ko na aalis siya ngunit hindi ko pinigilan ang sarili kong mahulog sa kan'ya. Ang tanga ko sa part na nagmahal ako ng lalaking sa panaginip ko lang nakilala.

Pumunta ako sa garden ngunit lalo lang akong naluha ng maalala ko ang araw na binigyan niya ako ng bulalak. Ang sakit na hindi na mauulit pa ang gano'ng eksena. Ang sakit sa pakiramdam--

"Zoey."

Kilala ko ang boses na 'yon. Hindi ako maaaring magkamali. Unti-unti kong ibinaling ang ulo ko sa pinggalingan ng boses. Awtomatiko akong napatayo at nagtatakbo palapit sa nagsalita ng makomperma na tama ako. Bumalik siya. Bumalik ang lalaking kanina lang ay iniiyakan ko. Naghalo ang samo't saring emosyon na puso ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahagulgol ng muli ay mayakap ko siya.

"Stop crying, ayaw kong nakikita kang malungkot," ani Drake.

"Bakit ka umalis? Saan ka nagpunta?" Umiiyak na tanong ko.

"Sorry, binalak kong umalis ngunit ng makita kitang lumuluha ay agad akong lumapit sa'yo. Hindi ko kayang humalis. Hindi ko kayang iwan ka."

"H'wag mo ng uulitin yun, Drake."

Ilang minuto siyang natigilan bago makasagot.

"Pangako," aniya ngunit parang hindi sigurado kaya muli akong napaiyak.

Niyakap niya lang ako hanggang sa mapatahan.

"Kailangan mo ng gumising,Zoey," bulong niya sa tenga ko dahil hanggang ngayon ay nakayakap pa rin ako.

"Ayuko," mabilis at walang paaalinlangan na aniya ko.

"Hindi na ako aalis, pangako," nakangiting ani Drake.

Nangangamba man ngunit nagtiwala ako sa kanya. Nagtiwala ako na hindi na s'ya muling aalis. Hindi na niya ako iiwan.

Hinalikan niya ang noo ko at ngumiti siya sa 'kin. Tila nagpapahiwatig na hindi niya ako bibiguin.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now