CHAPTER 32

1.1K 55 4
                                    

~• Dream •~

Sa wakas nailabas ko ang tunay kong nararamdaman. Sa huling pagkakataon ay napagtanto ko ang tunay kong nararamdaman. Binigkas ng aking bibig ang matagal ko ng nararamdaman.

"Mahal din kita, Drake." Kasunod noon ang sunod sunod na pag alpas ng mga luha sa aking mga mata.

Bahagyang napa-awang ang aking bibig dahil sa paglapit niya. Mabagal ito at tila ba binibigyan ako ng pagkakataon na tumutol pero 'di ko ginawa.

Nang maglapat ang aming mga labi ay sari-saring emosyon ang aking naramdaman. Kakaiba ito, nakakakaba, nakakakiliti, tila ba may paru-parong nagwawala sa aking tiyan.

Kahit kailan ay hindi ko inaasahan na mararamdaman ko ito. Tanging bulate lang sa tiyan ang iniisip ko na nagwawala tuwing nagugutom. Panaginip man ito ngunit alam kong totoong tao rin siya. Isa rin siya sa mga tao na namumuhay sa reyalidad. At higit sa lahat alam kong totoo ang nararamdaman ko. Nahulog na ako at hindi na muling makakaahon pa.

Nagsisimula pa lang akong damahin ang kaniyang malambot na labi ng unti-unti siyang maglaho. Ang luhang tumigil na ay muling bumalik. Sunod-sunod at 'di mapigil.

"May we meet again," bulong ko habang naka-tingin sa kalangitan tila ba doon siya pupunta.

Ang payapang paligid ay agad napalitan ng dilim at malakas na hangin. Mula sa kung saan ay may lumabas na isang babae. Kulay puti ang suot nito. Hindi tugma ang kulay ng paligid sa itsura niya.

"H'wag kang matakot, mabait ako at maaari kitang tulungan upang mailigtas ang kaibigan mo,"  aniya pagtukoy kay Drake.

"A-anong kailangan kong gawin?"

Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat mula sa pagsuko ng aking kakayanan na makapag lucid dream, ang proseso ng pagtagkal ng aking kakayanan hanggang sa ang maaaring maging epekto nito.

"Hindi mo kailangan magdesisyon ngayon. May ilang araw ka pang palugit upang makapag desisyon," aniya ng hindi ako umimik pagkatapos niyang magpaliwanag.

Tanging pagtango lamang ang natanggap niya mula sa akin. Nang masigurado niyang lubos kong nauunawaan ang lahat ay nagpaalam na siyang umalis. Tumigil na ang malakas na hangin at umaliwalas ang paligid.

Muling bumalik sa aking isipan ang sari-saring imahe na nagpapakita na kasama ko si Drake. Nilibot ko ang aking buong panaginip. Nag flashback lahat ng masasayang araw namin sa tuwing humihinto ako. Patuloy na kumakawala ang mga luha sa aking mata.

Sa maikling panahon na aming pagsasama ay gumaan ang loob ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay ilang taon ko siyang nakasama sa dami ng aming masasayang ala-ala.

Nagising akong basang-basa ang aking unan. Sabado ngayon kaya naman hindi ako nag-abala pang bumangon. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi maipaliwanag ng kahit anong salita ang nararamdaman ko ngayon.

"Z-zoey, a-anak," matamlay tawag ni Mama sa labas ng aking silid habang kumakatok. Kakaiba ang paraan ng pagtawag niya ngayon. Hindi ako sanay dahil sa tuwing kakatok siya sa aking silid ay siguraduhin niyang maaabala ang aking pagtulog. Ibang iba ang ngayon, malumanay at matamlay ang kaniyang boses.

Ilang beses siyang tumawag ngunit hindi ako sumagot hanggang sa tuluyan siyang tumigil. Naka-lock ang pinto ng aking silid kaya naman hindi siya nakapasok. Meron naman siyang spare key ng aking kwarto ngunit hindi na niya tinangka pa.

Lumabas ako ng aking silid ng makaramdam ng uhaw. Mabigat man ang aking pakiramdam dahil sa nangyari ay wala pa rin akong plano upang patayin ang aking sarili sa uhaw. Madilim ang paligid tila ba walang tao. Agad akong napa-isip ng magtungo ako sa mga silid at makompirma na walang ibang tao.

Pagkatapos uminom ay agad din akong bumalik sa aking kwarto. Hindi ko na muna inalam kung nasaan ang mga kasama ko sa bahay. Hindi pa naman malalim ang gabi, baka nasa palengke pa sila at pinapaubos ang paninda. Binuksan ko ang aking cellphone upang ibaling ang isip sa ibang bagay. Napakunot ang aking noo ng makitang ilang missed called ang natanggap ko mula kay Hannah. Hindi siya mahilig sa tawag kaya naman lubos ko iyong kinabigla. Hindi ko siya tinawagan pabalik dahil hindi naman siya nag iwan ng mensahe. Ang kaninang lungkot na nararamdaman ay napalitan ng pagtataka ng buksan ko ang messenger at makita ang mga mensahe mula sa iba't ibang tao.

"Condolences"

"Kaya mo 'yan"

"Masakit pero wala tayong magagawa ganoon talaga ang buhay"

"Tatagan mo lang ang loob mo"

Ilan sa mga mensahe na nabasa ko. Pinagsawalang bahala ko iyo dahil baka pinag-tripan lang nila ako. Karamihan kasi sa mga nag message ay mga kaklase ko.

Inalis ko mula sa pagkakabukas ang messenger app at binuksan ang Facebook. Bumungad sa aking harapan ang bagong palit na profile picture ng aking kapatid. Hindi ito ordinaryong picture. Isa itong kandila na may sindi at itim ang background.

Unti-unting tumulo ang aking luha kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ng mabasa ko ang caption nito. Naging malinaw sa akin ang lahat, napagdugsong-dugsong ko ang pangyayari mula sa walang ibang tao dito sa bahay, sa mga messages, hanggang sa kandila sa screen ng cellphone ko.

Muli kong nakompirma ang nabubuong idea sa aking isipan ng punasan ko ang tumulong luha sa aking cellphone. Kasunod ng post ni ate ang isa pang post na lubos na dumurog sa aking puso.

Walang pag-aalintana na tumakbo ako palabas ng aming bahay. Walang suot na sapin sa paa at hindi alintana ang malakas na pag-ulan na sinabayan ng malakas na pag-ihip ng hangin.

Ilang beses akong natumba dahil sa mga nakaharang sa daan na hindi ko agad napansin. Ilang beses din akong nakatanggap ng mga malulutong na mura mula sa mga nagmamaneho ng sasakyan dahil sa biglaan kong pagtawid. Ngunit wala ang lahat ng iyon sa akin. Mas masakit ang nararamdaman ko ngayon kesa sa sugat sa aking paa at tuhod at sa mga salita nila. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko sa araw na ito.

Ang durog kong puso ay mas lalo pang nadurog ng makita ko si mama at si ate. Sa harap nila ay isang walang buhay na lalaki. Ang lalaking matagal ko ng hinihintay. Ang lalaking matagal ko ng gustong mayakap na muli.

Muling kumawala ang mga tubig mula sa aking mata. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala. Gusto kong ibuhos lahat ng sakit.

Papa...

With my shattered heart, I hug the lifeless body of my father.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now