CHAPTER 29

2K 132 29
                                    

["Anak, malapit na akong umuwi"] Ani papa na nasa kabilang linya ng telepono.

"'Tsaka na lang po ako maniniwala kapag kumakatok ka na sa pinto," ani ko at muling pinagpatuloy ang pagkain ng almusal.

["Totoo na 'to, anak. Nakaimpake na nga ang ilan sa mga gamit ko."] Ani nito na may masayang tinig.

"Pasok na po ako," ani ko at hindi na hinayaang marinig ang sagot ni papa.

Hindi na ako umaasa sa sinabi ni papa na uuwi na siya. Hindi dahil sa ayaw ko siyang makita ngunit dahil ilang beses na niyang sinabi iyon.

Sana sa muling pagpikit ng aking mga mata andoon na ulit siya. Kahit maipaliwanag lang niya sa akin ang mga nangyayari. Alam kong aalis siya. Sinabi na niya 'yun noong panahong pumasok si Adele sa panaginip ko. Pero hindi pa ako handa. Sana man lang ay nagpaalam siya. Sana noong nagsimulang magkaroon ng kakaibang bagay na nangyayari sinabi na niya. Sana napaghandaan ko man lang. Sana nasulit ko man lang 'yung mga oras na andiyan siya.

"Zoey," ani Hannah sabay hawak sa braso ko na siyang naging dahilan kung bakit ako natauhan.

Nilingon ko ang paligid at doon ko napagtanto na lagpas na ako sa school.

"Kanina pa kita tinatawag. Ano bang nangyayari sa 'yo? Tingnan mo lagpas ka na. Kung hindi pa kita hinabol baka kung saan ka na nakarating," kunot-noong wika nito at hinigit ako pabalik sa school.

"May problema ka ba?" Tanong nito habang tinatahak namin ang daan papunta sa room.

"Wala," maiksing sagot ko. "Pauwi na daw si papa," dugsong ko na may bahagyang pagdiin sa word na 'daw'.

"Talaga? Eh, ba't malungkot ka?"

"Ilang beses na niyang sinabing uuwi na siya ngunit hanggang ngayon ay 'di pa rin natutupad," seryusong ani ko. Hindi 'yun ang talagang nasa isip ko ngunit 'yun na lang ang ginawa kong dahilan. Tiyak akong alam niya kung sino ang aking binanggit.

"What if this time totoo na. What if this time uuwi na talaga si tito. What if---"

"Tama na, Zoey." Pagpigil ko sa kaniyang sinasabi.

Pagod na pagod na ako sa mga what if na 'yan. Ayuko na umasa 'tsaka na lang ako maniniwala kapag nasa harapan ko na si papa.

Hindi na ako kinulit ni Zoey hanggang sa mag break time. Nararamdaman niya siguro na seryuso talaga ako at wala sa mood.

"Wala ka bang napapansin?" Tanong ni Zoey habang kumakain kami.

Napatigil ako saglit 'tsaka umiling.

"Wala ng nambubully sa 'yo," aniya na nagpatigil sa akin.

Nilingon ko ang paligid at wala kahit anino ni Lexi ang nahagip ng aking mga mata. Napatingin ako kay Hannah.

"Sabi nila, suspension daw," ani Hannah na tila naintindihan ang tingin ko sa kaniya.

"Ano na naman ang ginawa niya?"

"Sinugod 'yung grade 9 student sa oras ng klase."

"Bakit?" Medyo naiiritang wika ko dahil putol-putol ang sinasabi niya.

"Dahil nilandi daw nung babae ang boyfriend niya at ang matindi pa si Mrs. Saberna ang subject teacher nila noong oras na 'yun. Tapos hindi na nagdalawang isip itong si Lexi na pumasok kahit na may klase," kwento ni Hannah.

Napa-iling-iling na lang ako dahil sa dahilan ni Lexi kaya niya iyon ginawa.

"Palibhasa mapera malakas ang loob. Siguradong magbabayad na naman magulang niya," bulong ni Hannah.

Usap-usapan kasi sa buong campus na kaya hindi napapatalsik si Lexi sa school na ito dahil nagbabayad ng malaking halaga ang magulang nito ngunit ni isa ay walang makapagpatunay. Iba na talaga nagagawa ng pera.

"Zoey, hindi diyan ang daan pauwi sa inyo," kunot-noong puna sa akin ni Hannah.

"May dadaanan lang ako saglit," tugon ko.

"Gusto mo samahan na kita?"

"Hindi na. Madali lang naman ako," ani ko at hindi na hinintay ang kaniyang sagot.

Agad kong tinungo sa hospital kung saan naroon ang walang malay na katawan ni Drake. Tinahak ko ang kwarto kung nasaan siya. Kumatok ako ng paulit-ulit at ng walang nagbukas ay marahan kong binuksan ang kwarto. Napahinto ako ng lubusan ko ng makita ang buong kwato. Wala na siya rito. Malinis ang kwarto at tangging mga gamit na pagmamay-ari ng hospital ang naroon.

Bigo kong tinahak ang daan pauwi.

Kaya ba siya nawala sa panaginip ko dahil nakabalik na siya sa reality? Kung ganoon ay masaya ako para sa kaniya. Muli na niyang makakasama ang kaniyang pamilya na matagal ng hinihintay ang kaniyang paggising.

Kahit na may posibilidad na nakabalik na siya sa reality at kasama na ang kaniyang pamilya hindi ko mapigilan na malungkot. Sana man lang ay sinabi niya sa akin na aalis na siya at hindi na babalik.

Dalwang kanto na lang bago ako makarating sa bahay ng may nakita akong pamilyar kaya ako huminto. Sa 'di kalayuan ay may nakita akong babae na nagagalit sa isang grupo ng magkakaibigan. Bahagya akong lumapit at doon ko nakita ng malinaw kung sino 'yun.

Galit na galit si Lexi dahil paulit-ulit na tinatapunan ang parteng kaniya ng nalinisan.

Maaaring nagbayad ang kaniyang mga magulang para hindi siya maalis sa school pero hindi niya natakasan ang pagdidisiplinang kailangan niyang kaharapin.

Muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad upang makauwi na, bahagya na ring dumidilim ang paligid.

~• Dream •~

Wala pa rin siya. Siguro nga ay nakabalik na siya sa mga taong naiwan niya at naghintay sa pagbabalik niya.

Mahirap pa lang masanay. Mahirap na ibase mo ang iyong sarili sa ibang tao. Mahirap masanay na may kasama.

Sa totoo lang sanay naman ako noon na mag-isa lang.

Ewan ko ba kung bakit binigyan ako ng taong sasanayin akong may kasama.

Ewan ko ba kung bakit binigyan ako ng taong hindi naman pala makakapanatili hanggang dulo.

Ewan ko ba kung bakit kailangan pang magdaan ng tao sa iba't ibang tao na hindi naman pala magtatagal sa kanila kung pwede naman na doon na agad sa taong para sa 'yo. Para matuto? Hindi ba pwedeng matuto habang nasa tamang tao?

This time, in this dream, in this moment, I confess to myself that I'm in love.

Your so stupid, Cupid, for letting me fall in love with someone I can't be with.

I will hunt you.

THE BOY IN MY DREAMDonde viven las historias. Descúbrelo ahora