CHAPTER 14 🌙

2.6K 176 11
                                    

Kagigising ko lang pero gusto ko na ulit matulog. Nangako sa 'kin si Drake na hindi na s'ya aalis ngunit, hindi ko maiwasan na mangamba.

"Zoey, dalian mo late ka na," sigaw ni ate sa labas ng kwarto ko kaya lumabas na ako para mag-almusal at maligo.

"Sis, friends na kami ni Kenzo sa facebook," kinikilig na ani Hannah.

"Oh? Eh, ano naman ngayon?"

"Wala lang, gusto ko lang sabihin sa'yo. Tapos mag-kachat kami kagabi, kunting kwentuhan lang tanong-tanong ng mga bagay-bagay, alam mo na," pagkwekwento ni Hannah.

Hindi na kataka-taka na napansin siya agad ni Kenzo, bukod kasi sa malandi itong kaibigan ko maganda at matalino rin siya. Kung titingnan ko nga siya ay mukang mayaman dahil sa maganda niyang kutis. Sigurado rin naman ako na hindi siya mahirap magustuhan dahil hindi lang panlabas na kaanyuan ang maganda sa kanya pati na rin ang panloob.

Patuloy pa rin siyang nagkwekwento na pinakikingan ko na lang wala din naman ang teacher namin sa first subject ngayon kaya mas mahaba ang kwentohan.

Pinabasa na rin niya sa 'kin ang ilan sa mga naging usapan nila.

"Grabe sis, ang gwapo talaga ni Kenzo," nakangiti niyang wika habang tinitingnan ang mga picture na sinave niya sa gallery.

"Gwapo nga," pagsang-ayon ko dito na kinakunot ng noo niya at pinanglisik ako ng mga mata.

"H'wag mong sasabihin na may gusto ka sa kanya magkakagulo talaga tayo," aniya 'saka sinilid sa bulsa ang cellphone.

"Oo, sa tingin ko may gusto na rin ako sa kanya," biro ko na lalong ikinakunot ng noo n'ya na naging dahilan ng malakas na pagtawa ko. Napalingon sa 'min ang iba naming kaklase pero dedma lang.

Dumaan ang mga oras at naging busy kami ni Hannah dahil madaming pinapagawa ang mga teachers, uwian ng muli kaming magkakwentohan.

"Zoey-" hindi na natapos ni Hannah ang sasabihin niya ng bigla siyang higitin ng hindi namin kilalang babae.

"Aray! Ano ba kailangan mo?" Naiinis na tanong ni Hannah.

"You're Hannah, right?" Maarteng aniya ng babae. Maganda siya maputi pero dahil sa ginawa niya sa kaibigan ko ampangit na niya.

"Kung sabihin kong hindi, 'di napahiya ka! Bitch!" Palaban na ani Hannah habang nakataas ang isang kilay.

"What?! You call me bitch!" maarteng aniya.

"Bingi ka ba?" Asar na ani Hannah.

"Oww! Bitch is a female dog, dog barks. Barks is a part of tree, tree is nature and nature is beautiful. So you call me beautiful," maarte at kampanteng ani ng babae.

Tumawa si Hannah." 'Yung ganda mo parang nature ngayon, polluted," ani Hannah habang pinapasadahan nito ng daliri ang muka ng babae na puro kolorite.

Magre-react pa sana ang babae pero sumingit na ako." Ano ba kailangan mo sa kaibigan ko?"

"Nilandi lang naman kasi niya ang 'boyfriend' ko," mataray na aniya.

"Ha? Nilandi? Sino ba boyfriend mo?" Nagtatakang ani Hannah.

Nagsagutan na naman sila. Buti na lang at late na kami umuwi kaya naman kunti na lang ang tao. Nagulat ako ng bigla na lang sabunutan no'ng babae si Hannah, kaya inawat ko na sila at ako na ang nagsalita para kay Hannah.

"Alam mo. Gusto kong magmura, gustong gusto ko kaso, naalala ko hindi pala nakakaintindi ang aso," mataray na aniya ko at tinaasan siya ng kilay bago higitin si Hannah palayo.

Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya sa kaibigan ko kaya ko iyon nasabi. Si Hannah lang ang kaibigan ko, merong gustong makipagkaibigan  pero si Hannah lang ang sigurado akong tunay. Parang kapatid ko na siya kaya naman nandilim agad ang paningin ko ng makitang masaktan siya.

"Ayos ka lang ba Hannah?" Nag-aalalang aniya ko.

"Oo, thank you ha," nakangiti niyang aniya.

"Wala 'yun kapatid na turing ko sa'yo eh."

"Tara na, baka hinihintay na tayo ni mama," aniya at sabay naming tinahak ang daan papunta sa bahay nila. Birthday ng Mama niya ngayon at noong nakaraan niya pa ako sinabihan, nakapagpaalam na rin ako kay Mama na gagabihin ako ng uwi.

Nasa labas pa lang kami ng bahay nila ng marinig naming nag-a-away ang mga magulang niya.

"Paano mo nagawa sa 'kin 'to?" Umiiyak na ani ni Tita.

"Paano? Hindi pa ba halata? Tingnan mo nga 'yang itsura mo, hindi ka man lang marunong mag-ayos!" Galit na sagot ni Tito.

Sa mga oras na ito ay lalo kong nakompirma ang mga nakita ko. Napatunayan ko sa sarili ko na tama ang mga nakita ko.

Ilang minuto pa bago sila natapos sa pagsasagutan. Lumabas si Tito ng bahay dala ang mga gamit niya. Napatigil siya saglit ng makita si Hannah, hindi siya nagbitaw ng kahit isang salita na para bang hindi niya kilala si Hannah at nagpatuloy na sa pag-alis.

Nakita kong pumatak ang mga luha sa mga mata ni Hannah kaya naman agad kong hinagod ang kaniyang likod. Walang lumabas na salita sa mga bibig ko, hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin.

Nang kalmado na siya ay pinunasan niya ang kaniyang mga luha at huminga ng malalim bago pumasok sa loob na tila ba walang nangyari.

"Hannah, Zoey....kanina pa ba kayo diyan?" Gulat na ani ni Tita.

"Palit lang ako ng damit, Ma," mahinang wika ni Hannah.

"Happy Birthday, Tita," ani ko at hindi pinahalata na alam ko ang nangyari.

"Salamat, Zoey. Halika mauna ka ng kumain," ani Tita at inaya ako sa kusina.

"Pasensya ka na sa nadatnan mo, Zoey. Hindi ko rin naman aakalain na gano'n pala ang mangyayari," nahihiyang wika ni Hannah.

Naglalakad kami ngayon papuntang sakayan ng tricycle. Lumalalim na ang gabi at kailangan ko ng umuwi.

"Ok lang 'yun," tanging na sabi ko.

"Sige, ingat ka sa pag-uwi," pilit ang ngiting aniya. Tanging ngiti na rin lang ang nagawa ko bago sumakay ng tricycle.

~•Dream•~

"Sige, mamaya na lang ulit, Kyle," nakangiti kong aniya.

"See you later," ani niya at yumakap sa 'kin.

Nakangiti kong pinagmasdam ang papalayo na si Kyle. Ngunit nawala ang ngiti ko at napalitan ng gulat ng paglingon ko ay si Drake ang nakita ko. Shocks!

"D-Drake, k-kaniya ka pa d-diyan?" Kinakabahan ngunit nakangiti akong lumapit sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at ngumiti lamang. Nakangiti siya ngunit kita sa mata ang magkakahalong emosyon ang gulat, lungkot at sakit. Ano bang ginagawa ko? Kilan lang ay nakiusap ako sa kanyang manatili siya, ngunit ngayon ay nakita niya akong binabalik sa panaginip ko si Kyle.

Niyakap niya ako ng mahigpit 'saka itinapat sa tenga ko ang bibig.

"I can be your pencil, until your permanent marker comes," ani Drake at kumalas sa pagkakayakap. "Mananatili akong nasa tabi mo hangga't kailangan mo ako," dagdag niya.

Nginitian niya lang ako at tumalikod na sa 'kin. Kasabay ng mga hakbang niya ay ang pagbalik ng mga alala namin sa isa't isa. Gusto ko siyang tawagin, ngunit napipi ako at hindi maibuka ang bibig. Gusto ko tumakbo at alisin ang distansiyang namamagitan sa'ming dalawa, ngunit para akong pilay na hindi magawang humakbang. Napaluha na lang ako ng maisip na baka tuluyan na siyang umalis, iiwan na niya ako. Mawawala na ang lalaking nagmulat sa 'kin kung gaano kaganda ang reyalidad. Mawawala na nga ba?

Hindi ko yata kaya. Nasanay akong andiyan siya, nasanay ako. Siya ang nagbigay ng kulay sa panaginip ko.Siya rin ang nagparamdam sa 'kin na kaya kong sumaya ng hindi nakabase sa utak ko ang mangyayari. Babalik ba ulit ako sa dati?

Naglakad ako papunta sa garden. Hindi ko ibinalik ang mga taong dating andito. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong tanongin ang sarili ko kung bakit ko ibinalik si Kyle sa panaginip ko. Gusto ko linawin kung, ano ba talaga nararamdaman ko kay Drake? Gusto ko linawin kung bakit ako nasasaktan dahil nakita ko siyang nasasaktan? Bakit ako nasasaktan sa isiping aalis na siya? Dahil ba nasanay ako nakasama siya? Dahil ba masaya ako na kasama siya? O dahil...



Dahil mahal ko na siya?

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now