CHAPTER 25🌙

2.3K 124 15
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas. Balik na ulit sa dati, tapos na ang community service ni Hannah at pumapasok na ulit si Lexi at ang mga alipores niya. Sa kasamaang palad nga magka-group pa kami sa thesis. Anong kamalasan pa ba ang paparating sa akin? Hindi na matapos-tapos eh. Wala ba silang day off? Grabe ha sunod-sunod.

"I recommend to use qualitative research because it provides a level of insight that is difficult to obtain from a closed-question poll. Respondents are free to share their experiences, thoughts, and feelings without fear of being judged." Kampanting ani ko habang nilalaruan ang ballpen sa aking kamay.

"Walang nagtatanong," walang ganang singit ni Lexi.

Agad na nagpantig ang tenga ko. Pinilit kong huminahon ngunit hindi ako nagtagumpay ng magsalita siya ulit. Talagang sinasagad ng babaeng ito ang pasensya ko.

"Dami mong sinasabi, hindi naman ikaw ang leader. Masyado kang bida-bida," ani habang pinaglalaruan ng kaniyang kamay ang dulo ng kaniyang buhok.

"Hindi ba pwedeng share ko lang kasi alam kong wala kang alam?" Nakataas ang kanang kilay na sagot ko sa kaniya.

"Aba, malakas na ang loob mo ngayon sumagot-sagot, ah" aniya at tumayo sa kaniyang upuan, tila ba nanghahamon.

Wala na bang ibang alam gawin ang babaeng ito? Hindi ba siya nasasawa?

Sa tatlong grupo hinati ni Mr. Caballero ang buong klase at umalis na. May kailangan pa daw kasi siyang tapusin. Naka-ikot ang mga upuan para magkakaharap ang magkaka-grupo.

"Thanks to you, natuto ako," ani ko at tumayo rin. Hindi para lumapit sa kaniya kun'di para lumabas. Break time na rin naman kaya hindi ako malalagyan ng cutting.

"Woah, 'yun na ba ang epekto ng community service?" Ani Hannah na nasa likod ko. Hindi ko napansin na sumunod pala siya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso lang akong naglakad papuntang cafeteria.

"Carbonara po, ate." Ani ko at sabay abot ng bayad na pinigilan ni Hannah.

"Treat ko, celebrate natin pagiging palaban mo," aniya at tumawa. Baliw na ang babaeng ito.

Iniwan ko sya at pumunta sa lamesa na para lang sa dalwang tao. Sinimulan ko na agad kumain. Hindi ko na siya hinintay.

"Ano nga ulit sabi mo kanina?" Tanong ni Hannah pagkarating sa harap ko. Nagkibit balikat lang ako.

Wala ako sa mood ngayon para sabayan ang trip niya.

Sa loob ng thirty minutes na break time ay siya lang ang nagsasalita. Puro kibit balikat at pag-ikot ng mata ang aking isinasagot ngunit patuloy pa rin siya.

P. E. class ang sunod at hinati ng teacher namin ang buong klase sa limang grupo. Buti na lang at hindi ko ka-group si Lexi.

"Good luck," ani ng dumaang si Lexi at ngumisi sa akin.

Parang gusto kong bawiin na hindi mabuting hindi ko ka-group si Lexi. Pakiramdam ko ay may masama na naman siyang balak. Hindi pa ba siya nasasawa o napapagod? Sa pagkakaalam ko wala namang akong atraso sa kaniya.

Nagsimula ng maglaro. Nauna muna ang grupo ni Lexi na siyang group one at ang grupo ni Hannah na siyang group two. Kung sino ang matalo ay sila ang grupo na papalitan at mananatiling maglalaro ang nanalong grupo. Natalo sina Hannah kaya pinalitan na agad sila ng group three. Natalo rin ang group three kaya group four na ang pumalit. Kinakabahan na ako, pakiramdam ko ay matatalo ang group four at ang grupo ni Lexi ang makakalaban namin.

Nanigas ang buong katawan ko ng maghiyawan ang grupo ni Lexi. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko kahit na ang aking paningin ay hindi ko maibaling sa iba.

"Zoey, kayo na," bulong ni Hannah.

Doon ko pa lang nagawang igalaw ang paningin ko. Nakapwesto na ang mga kagrupo ko at nakatingin sa akin. Inilipat ko ang aking paningin sa kabilang grupo. Nanumbalik ang malakas na pagtibok ng aking puso ng magtama ang paningin namin ni Lexi, misteryusong naka-ngiti sa akin.

"Martinez! Hindi ka hihintayin ng oras!" Sigaw ni Mrs. Romero.

Lakas loob akong naglakad at pumwesto. Sinundan ako ng tingin ni Lexi hanggang sa maka-pwesto ako. Hanggang sa nag simula ang laban ay hindi pa rin mawala ang ngisi sa kaniyang muka sa tuwing nagtatagpo ang tingin naming dalwa.

Ilang minuto pa ang nakakalipas at nakampanti na ang loob ko dahil walang nangyayari. Itinuon ko ang aking atensyon sa paglalaro at inisip na walang ibang dahilan ang pagsasabi ni Lexi ng good luck.

Kumalas sa pagkakatali ang ilang hibla ng buhok ko dahilan upang patabunan ang paningin ko. Hinawi ko ito para isingit sa aking tenga ng biglang may tumama sa muka ko. Sa sobrang lakas ng pagtama ay umikot ang aking paningin at ilang sandali pa ay biglang nagdilim.

"I told you it was an accident. I didn't mean that," galit na ani ng kung sino na siyang naging dahilan ng pagdilat ng mga mata ko.

"Sinungaling!" Sigaw ni Hannah.

"I am not. Ok, give me a reason why I should do that," hamon ni Lexi.

"Dahil napahiya ka kanina sa sinagot sa 'yo ni Zoey."

"Oh, what a childish reason," ani Lexi at pina-ikot ang kaniyang mata.

"Oo childish nga kasi reason mo 'yun--"

"Tumigil na kayong dalwa," putol ko sa sinasabi ni Hannah.

"Oh, ayan gising na kaibigan mo. Kita mo naman, diba? Hindi namatay kaya 'wag ka ng OA," ani Lexi bago kami talikuran at lumabas ng clinic. Padabog pa niyang sinarado ang pinto.

Ipinikit kong muli ang aking mata upang matulog nang biglang sumigaw sa inis si Hannah.

"Grabe talaga 'yung babaeng 'yun!"

Pinakiramdaman ko siya saglit at nagdesisyon na pumikit ulit ng sa tingin ko ay mananahimik na siya.

"Grrrr. Hanggang bone marrow na ata kademonyohan niya," gigil na wika nito.

Inis akong nagmulat ng mata at nilingon siya. Naabutan ko siyang sinasabunutan ang kaniyang sarili dahil sa pagka-inis.

"Ganiyan ka na ba katanga?" Walang emosyon na tanong ko sa kaniya na naging dahilan upang matigilan siya sa kaniyang ginagawa.

"Hindi pa ako tanga dahil alam kong sinadya ni Lexi ang pagkakatama ng bola sa muka mo.

"Si Lexi ay may gawa no'n?"

"Eh ikaw pala ang tanga, eh. Hindi pa ba obvious na kaya siya andito kasi siya ang may gawa diyan sa namumula mong muka?" Iling-iling na aniya. " Ganiyan ba epekto ng matamaan ng bola sa muka?"

Hindi ko na siya sinagot. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at naglakad papunta sa room upang kuhanin ang aking bag. Sumunod naman sa akin si Hannah. Sunod kaming nagtungo sa locker room upang palitan ang aming notebooks at books.

Nagtungo kami sa cafeteria dahil lunch break na. Sa kasamaang palad ay andoon din ang si Lexi at ang mga alipores niya.

Inilagay muna namin sa bakanteng lamesa ang aming gamit bago bumili ng makakain. Pagkabalik namin sa lamesa kung saan naroon ang aming pagkain ay agad na tumayo si Lexi upang lumapit sa amin.

"Still alive, bitch?" Nakataas ang kanang kilay na tanong nito.

Tumayo ako sa aking pagkaka-upo upang mapantayan siya.

"No, I'm dead. Awoooo," ani ko at itinaas ang aking dalwang braso at inilagay ito sa aking unahan kapantay ng aking mga balikat.

"Wierd," bulong niya.

"Stupid," sagot ko naman na lalong ikinataas ng kaniyang kilay.


THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now