CHAPTER 28🌙

2.4K 156 30
                                    

"What's wrong with you, Lexi?" A tall man asked Lexi. He look so furious.

"Ilang beses na kaming pinapatawag sa principal's office, Lexi," may diing wika ng maputing babae. Sa aking palagay ay 5'4 ang kaniyang taas. Muka rin siyang galit na galit base sa tuno ng kaniyang pananalita

"Wala ka bang alam na matinong gawin? Nakakahiya ka," muling sabi ng lalaki bago nito talikuran si Lexi, agad sumunod sa kaniya ang babae. Mabilis akong nagtago sa likod ng pader.

"Dad," tawag ni Lexi ngunit hindi siya nilingon nito.

Lumabas ako sa pagkakatago ng wala na akong maramdaman na presensya sa paligid ko. Agad nanlaki ang mata ko ng lumingon ako sa kanang bahagi at andoon si Lexi, nakayuko. Balak ko sanang bumalik sa pagkakatago ngunit lumingon siya sa akin.

Magsasalita sana siya ng bigla akong tumakbo palayo.

Dumiretso ako sa classroom, naka-sabay ko pa si Mrs. Saberna sa pagpasok.

"Muntik ka ng malate," ani nito na tanging ngiti ang naisagot ko bago pumunta sa tabi ni Hannah.

"Saan ka galing?" Tanong ni Hannah.

"Mamaya na lang."

Maya-maya rin ay bumukas ang pinto. Bumugad sa aming lahat ang walang ganang si Lexi.

"Sorry, Ma'am, I'm late," walang ganang aniya 'tsaka ibinaling sa akin ang kaniyang paningin. Agad naman akong nag iwas ng tingin. Nahihiya ako dahil wala akong karapatan na makinig ng usapan ng iba.

"Saan ka galing?" Bulong ni Hannah sa tabi ko.

"Mamaya ko na sasabihin sa 'yo," bulong ko pabalik at sinenyasan ko siyang makinig. 

Wala akong ginawa sa buong maghapon kun'di makipag-patentiro kay Lexi. Kapag nakikita ko siyang papalapit sa kinaroroonan namin ni Hannah ay bigla ko siyang hinihila para makalayo. Sa klase ay madalas kong nahuhuli si Lexi na nakatinggin sa akin. Galit ba siya sa akin? Of course, kahit noon ay lagi na siyang galit sa akin.

"Simula kaninang umaga ang weird mo," puna ni Hannah. Uwian na at hindi ko na makita ang anino ni Lexi sa paligid. "Anong ginawa mo? Napapansin ko rin na panay ang lingon mo kay Lexi--" agad kong tinabunan ang kaniyang bibig at hinila siya upang magtago sa pader ng isang room ng makita ko si Lexi kung saan kami dadaan, inililibot ang paningin at tila may hinahanap.

"Ang weird mo talaga," muling aniya ng tagkalin ko ang kamay na nakatabon sa kaniyang bibig.

Wala na si Lexi kaya lumabas na kami sa pinagtataguan. Pumunta muna kami sa malapit na park upang maikwento ko kay Hannah ang nangyari. Pinagsabihan ko muna siya na 'wag iyon ipagsasabi kahit na kanino.

"Seryuso?" Natatawang tanong nito.

Masama ko siyang tiningnan na naging dahilan ng paghinto niya.

"Deserve niya 'yun. Sa lahat ng kasalanan niya dapat lang sa kaniya 'yun---"

"Hannah, ano ba? Nilalamon ka na ng galit mo. Hindi mo ba kayang kalimutan ang lahat ng nangyari? Hindi mo ba kayang magpatawad?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"Magpatawad? Zoey, para lang 'yun sa mga deserving at marunong humingi ng sorry. Masyado kang inaatake ng kabaitan mo," inis na wika nito bago tumayo sa kinauupuan. "Madilim na, uwi na tayo," dagdag niya at naunang naglakad paalis.

~•Dream•~

"Parehas kayong may point," seryusong komento ni Drake.

"Nakakaawa si Lexi," nakayukong  ani ko.

"Alam ko," Aniya at nagtungo sa harapan ko. Mas madalas ng nag-g-glitch ang kaniyang buong katawan.

Ang sabi niya ay pinapatawag lamang siya ni Haring Morpheus. Sinasabi ko sa kaniya na pumunta ng kaharian para hindi na mag-glitch ang kaniyang katawan at upang malaman niya kung anong dahilan kung bakit siya pinapatawag. Lagi niya iniiba ang usapan na lalong nagpalakas ng kutob ko na hindi iyon ang dahilan.

"Mag-relax ka kaya muna," suggest niya. "Hindi naman dapat lahat pinibigyan mo ng pansin. Minsan hayaan mo silang e-resolve 'yung sarili nilang problema. Hindi ka Diyos, Zoey. Hayaan mo sila at mas pagtuunan ng pansin kung anong meron tayong dalwa--este kung ano 'yung mga problema mo."

"Mag-relax, paano?" Tanong ko sa kaniya.

"Ano bang gusto mong laging ginagawa?"

"Magbasa?" Patanong na sabi ko.

"Ano ba 'yan? Pero sige kung doon ka marerelax eh. Saan ba ang library mo?"

Nauna akong maglakad at hindi na sinagot ang tanong niya.

"Tagal ko na dito ngayon ko lang 'yan nakita," kunot-noong wika niya.

"Dahil kilan ko lang 'yan ginawa," tugon ko at napatango-tango naman siya.

"Ganda, galing talaga ng imagination mo," manghang aniya ng makapasok kami sa loob.

Hinayaan ko siyang magtingin-tingin. Kumuha ako ng libro 'tsaka umupo sa sofa. Nang matapos suriin ang paligid ay umupo siya sa tabi ko at kinuha ang remote ng tv na siyang nagpatigil sa akin sa pagbabasa. Agad naman niyang hininaan ang volume ng tv ng mapansin niyang masama ang titig ko sa kaniya.

"Zoey," mahinang tawag niya.

"Hmmm?"

"Pwede po ba akong bigyan ng bagay mula sa imahinasyon mo?" Tanong niya.

"Anong bagay? Bakit? Para saan?" Sunod-sunod na tanong ko dahil sa pagkalito. Sa tagal niya dito sa panaginip ko ay ngayon lamang siya umingi.

"Kahit na ano, gusto ko lang na meron akong bagay na titingnan."

Kahit na nalilito pa rin ay binigyan ko siya ng isang bracelet na may pendant na moon.

"Teka baguhin ko," ani ko at nagtangkang kuhain ang bracelet sa kamay niya ngunit iniwas niya ito.

"Bakit?" Takang tanong nito.

"Para kasing pambabae," nahihiyang ani ko.

"Hindi, ok lang 'to. Magbasa ka na ulit," aniya na sinunod ko naman.

Gaya ng sinabi niya ibinalik ko ang aking paningin sa librong hawak ko at nagsimula muling magbasa. Hinayaan ko lang siya manood ng movie.

Ilang minuto lang ang lumipas ay muling nag-glitch ang kaniyang buong katawan. Kakaiba ito dahil walang hinto. Agad akong nag-panic, sinubukan kong hawakan ang kaniyang katawan ngunit nakuryente ako.

Tumutulo na ang luha ko, hindi ko na alam kung anong gagawin, wala akong maisip.

Nanlaki ang aking mga mata ng bigla siyang mawala sa kaniyang kinauupuan. Bumilis ang tibok ng aking puso ganoon na rin ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata.

Para akong baliw na hinanap siya kahit na sa pinakamaliit na espasyo ng kwarto. Nang hindi ko siya matagpuan sa loob ng kwarto ay dali-dali akong lumabas.

Nilibot ko ang buong panaginip. Takbo doon, takbo dito, ang aking ginawa ngunit hindi ko siya makita.

Nanlulumo akong ibinagsak sa sahig ang sarili.

"Wala...W-wala...w-wala na s-siya," humihikbing ani ko.

Iniwan na niya ako. Hindi na ba siya babalik? Sawa na ba siya dito? O 'yun ang tunay na dahilan kung bakit nag-g-glitch ang kaniyang katawan. Bakit hindi niya sinabi? Bakit ang hilig niyang umalis ng walang paalam? Sa bagay pumunta nga siya dito ng walang paalam eh.

Wala na ba talaga? Hindi na ba talaga siya babalik? Kung ganoon...hanggang dito na lang ang ating kwento...ngunit maghihintay pa rin ako.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now