CHAPTER 23🌙

2.1K 135 3
                                    

Nang maihakbang ko ang aking mga paa sa loob ng school ay biglang nabaling sa akin ang atensyon ng lahat. Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Maingat at dahan-dahan kong inilibot ang aking patingin sa paligid. Saglit silang tumitingin sa akin at bahagyang bumubulong sa kani-kanilang kasama. May nagawa ba ako? Bakit ako ang sentro ng atensyon?

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Hanggang sa classroom ay napansin kong nasa akin ang atensyon nilang lahat. Bukod doon ay napansin ko rin na wala si Lexie at ang mga alipores niya. Wala rin si Hannah kahit ang gamit niya sa wala sa upuan niya.

Lumipas ang mga oras, dumating na ang teacher namin para sa unang subject pero wala pa rin si Hannah. May sakit ba siya? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Dati naman ay nagtetext siya sa akin upang daanan ko sa bahay nila ang kaniyang excuse letter.

"Good morning, Sir," ani ng SSG president namin pagkatapos kumatok.

"Good morning. What's bring you here?" Seryusong ani Mr. Pelonia.

"Sir, e-excuse ko lang po si Zoey Alora Martinez. Pinapatawag po siya sa principal's office,"maikling paliwag ng SSG president.

Agad kumabog ang aking dibdib ng marinig ko ang pangalan ko. Ito ang unang beses na ipinatawag ako sa principal's office. May nalabag ba akong school rule's ng hindi namamalayan? Bagsak ba ang mga grades ko? May binully ba ako?

"Zoey, pinapatawag ka raw sa office," ani ni Sir na sinagot ko lang ng tango bago tumayo sa kinauupuan ko.

Naka-yuko akong sumunod sa SSG president papunta sa principal's office. Sari-saring dahilan ang tumatakbo sa isip ko ngunit kahit isa doon ay wala akong napili na maaring maging dahilan.

Pagkapasok namin ay agad kong nakita ang kanina ko pa hinahanap. Nakaupo si Hannah sa isa sa single sofa katapat nito si Lexie at ang mga alipores niya. Agad akong sinenyasan ni Mrs. Laurier para pumunta sa harapan niya.

"I want a honest answer to you, Ms. Martinez," paunang sabi niya ng makaupo ako sa harapan niya. "Did this group hurt you?" Tanong niya sabay turo sa grupo nina Lexie.

Sandali akong napatigil at bahagyang tiningnan ang grupo nina Lexie. Nakatungo ang mga kasama niya habang diretso lang ang tingin ni Lexie. Tila ba hindi siya natatakot sa maaaring mangyari.

Sa dami ng ginawa sa akin ng grupong iyan hindi ko alam kung bakit ngayon lang nakarating sa kanila.

"Ms. Martinez," muling tawag sa akin ni Mrs. Laurier.

Bahagya akong tumango. "But it's ok, Ma'am. Sa tingin ko naman po hindi niya sinasadya ang pagkakabuhos sa akin ng inumin. Diba, Lexie?" Ani ko at tiningnan si Lexie. Hindi siya umimik at diretso pa ring nakatingin.

"I watch all the videos, Zoey. H'wag mo na silang ipagtanggol," mahinahong ani Mrs. Laurier.

LAHAT? Madami? Paano?

"1 week suspension and community service for Lexie's group. And Hannah... 2 days community service."

Bakit magco-community service si Hannah? Anong ginawa niya? Hindi naman siya kasama nina Lexie, diba?

"Maari na kayong umalis."

Naunang tumayo sina Lexie at umalis. Pagkalabas nila sa office 'tsaka pa lang ako tumayo at nagpaalam. Hinigit ko na rin si Hannah dahil mukang walang balak siya tumayo.

Hindi pa kami nakakalayo sa principal's office ng tagkalin niya ang kamay kong nakakapit sa braso niya.

"Tara na---" hindi ko na tapos ang aking sasabihin ng bigla siyang magtanong.

"Bakit? Bakit, Zoey?" Dismayadong tanong niya.

"Bakit? Anong bakit? Nagugutom ka na ba?" Natatawang tanong ko. "Sige, bili muna tayo ng pagkain."

"Zoey, seryuso ako."

"Seryuso? Saan? Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Zoey, alam ko na ang lahat. Napanood ko lahat. Ngayon ka pa magmamaang-maangan? Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit tinago mo sa akin ang mga iyon? Andito ka lagi sa tabi ko tuwing kailangan ko. Ano ba naman 'yung maramdaman mo rin na andiyan lang ako sa tabi mo kung kailangan mo," dismayadong ani Hannah.

"Hannah---"

"Ano? Ito ba ang way mo para ipaalam sa akin na hindi mo ako kailangan? Ganu'n ba ako ka-useless?" Napapailing-iling na wika nito at tinalikuran ako.

"Hannah, saglit," pigil ko dito na ikinahinto ng paglalakad niya.

"Zoey, 'wag muna ngayon. Please." Aniya at muling ipinagpatuloy ang paglalakad.

Hinayaan ko na lang muna siya. Siguro nga ay sa ganoong kasimpleng bagay ko naiparamdam sa kaniya na hindi ko siya kailangan. Pero hindi naman 'yun ang gusto kong maramdaman niya. Gusto ko lang ilayo siya sa gulo na ako lang naman ang involve.

Kung maibabalik ko man ang mga panahon na iyon mas pipiliin ko pa ring ilihim sa kaniya. Masyado na siyang maraming pinagdadaanan at iniisip, ayuko ng dumagdag sa mga iyon. Hangga't kaya ko sasarilihin ko.

~•Dream•~

We dicided to start over again. Building new memories and burning the old ones that cause pain.

Someone said that acceptance is the medicine for the wounds in your heart. And I can't deny that is true. Everything that's happened in our life have a reason. May mga bagay talaga na hindi pwedeng manatili sa'yo, may mga taong mawawala at may darating. Just accept the fact and go with the flow. Wala kang mapapala kung mananatili ka sa pangyayaring hindi mo na mababago.

"Doing the old habits, huh," ani ng pamilyar na boses mula sa likod ko.

Bahagya akong tumawa at nilingon siya. "May iniisip lang ako."

"Hindi ba pwedeng mag-isip ng hindi  nakatulala?" Tanong nito at umupo sa tabi ko.

"Try mo ng malaman mo," I said and roll my eyes.

I leaned my head on his shoulder.

"What do you want to do?" Tanong niya at bahagyang sinuklay ang buhok ko.

Bahagya akong umiling at ipinikit ang mga mata, pinapakiramdaman ang marahang pagsuklay niya sa buhok ko. Hinihiling ko na rin na sana makisama ang buhok ko na 'wag itong mabuhol-buhol.

"It's look like you have a problem. Do you want to share it?" 

Tanging iling lang ang isinagot ko. Itinigil niya ang pagsuklay sa mga buhok ko.

"Baka mapagaan ko ang loob mo. Pero kung ayaw mong sabihin, I'll respect that."

"Just continue combing my hair," ani ko at muling niyang itinuloy ang pagsuklay sa buhok ko.

"Kung ano mang tumatakbo sa isip mo ngayon, malalampasan mo rin 'yan. Magiging okay din ang lahat," ani at nanigas ang buong katawan ko sa sunod niyang ginawa.

Hinalikan niya ang buhok.

Hinalikan niya ang buhok.

Hinalikan niya ang buhok!

Muli niyang ipinagpatuloy ang pagsuklay sa buhok ko na parang wala siyang ginawa. Normal lang ba ang ganoon sa kaniya? OA lang ba ako? Bakit hindi ako makagalaw? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit nagagawa pa rin niyang maging kalmado?

Drake, anong ginawa mo sa akin? Hindi ko maipaliwanag. Wala akong masabi. Hindi ako makahanap ng tamang salita para sa naramdaman ko. Nagayuma ba ako? Bakit ganito mag-react ang buong sistema ko sa ginawa niya?

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now