EPILOGUE 🌙

333 8 0
                                    

We go out a couple of times since the day na ibinalik ko ang wallet niya.

I want to know her more. At gusto kong makasigurado na siya na talaga ang hinahanap ko.

"'Di ba nga sabi mo kilala siya ng mama mo pero hindi niya maalala ang pangalan?" Tanong ni Luke na tanging pagtango lang ang ginawa ko.

"Ba't hindi mo dalhin sa inyo ng para malaman mo?" Suggest niya sa akin.

Napatango-tango ako habang si Dex naman ay iiling-iling at bahagyang ngumiti.

Alam ko ang ibig sabihin no'n at hindi ko siya masisisi kung hindi siya maniniwala sa kwento ko. Siguro kung ako din ang nasa katayuan niya hindi ako maniniwala.

Today is sunday, day off day, and today is the day para sunduin si ate sa airport. My sister is in Spain to study her masterals. 

Along the way, may nakita akong pamilyar na muka. Saktong-sakto, agad akong tumigil sa harapan niya. Medyo na gulat pa ito noong makita ako.

"Sakay na, may pupuntahan ka ba?" I ask.

"Uuwi na ako," naka-ngiting wika niya.

"Are you free today? Can I invite you to dinner?" I ask again.

Saglit siyang napahinto, medyo tumingin sa itaas. "Yes." Wika niya pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng passenger seat at doon umupo.

"Sa bahay tayo mag d-dinner, susunduin muna natin si ate sa airport, ok lang ba?"

Matamis siyang ngumiti bago tumango.

Nagsimula siyang magkwento. Her voice is so soft na kahit galit siya sa kwento niya ay para akong hinehele. Her smile, it's too genuine. The way she talk makes me feel na nangyari na 'to. Para bang sanay na sanay ako sa presensya niya.

"What about you?" Tanong niya na nakapag-balik sa akin sa katinuan.

"Hindi ko naranasan 'yung mga naranasan mo. Home school ako dahil sakitin ako nung bata pa. College ko lang naranasan makipag interact sa mga tao plus I was hospitalized for 3 years," aniya ko at ikinagulat niya ang huli kong sinabi.

"I'm sorry to hear that. Can I ask what happened?"

"As I mentioned, sakitin ako noon. One time nagkasakit ako ng malala kaya kinailangan ko dalhin sa hospital. And then one time sabi ni mama hindi na ako gumising. Dumaan ang araw, linggo, buwan hanggang sa naging taon mechanical ventilator na lang 'yung bumubuhay sa akin." Hindi man masaya ang kwento ko pero nagawa ko pa ring ngumiti.

" That's must have been tough. But I'm glad you're ok now and able to enjoy and explore the world." Naka-ngiting wika niya.

Hindi talaga ako nauubusan ng rason para mamangha sa kaniya.

Nang agad na tumama ang paningin ni ate sa kasama ko ay naningkit ang kaniyang mata. Bahagya akong natawa at pinakilala sa kaniya ito.

"Parang ang dami kong na missed na information about you ha," natatawang puna niya.

Hindi naman ako nahirapan sa kanilang dalawa. Kung mag-usap sila ay parang matagal na silang magkakilala, palagay ang loob at komportable.

Pagkadating namin sa bahay ay handa na ang lahat. Nasa hapag kainan na rin si mama. Sandali pa silang naging emosyonal ni ate pagkatapos noon ay agad ko na ring pinakilala sa kaniya ang kasama ko.

Matapos ang kunting kainan dahil sa pagdating ni ate ay iniakyat ko na muna si mama sa kwarto niya upang makapagpahinga.

"Ma, nakita ko na siya," masayang wika ko sa kaniya.

THE BOY IN MY DREAMWhere stories live. Discover now