1. The Great Escape

276K 6.5K 678
                                    

1. The Great Escape


SCARLETT


Minsan, umaaksyon ako impulsively. Nagpapadala kasi ako sa emosyon ko. Nakakalimutan ko nang mag-isip ng possibilities sa bawat kilos na gagawin ko kaya naman napapaisip ako na malaking pagkakamali itong pagtakas ko ngayon.

Tumatagaktak na yung pawis sa buong katawan ko. Dahek! Sana nagpalit man lang ako ng mas manipis na damit bago ako naglayas. Buti na nga lang ay na-immune na ako sa kadaliman ng lecheng trunk na ito e. Buti nalang talaga hindi ako duwag.

The only problem with what's going on is that I can barely breathe normally anymore. It's not that naso-sophocate ako rito. Malaki-laki naman ang trunk at hindi ako nasisikapan. Kanina pa kasi ako nakatakip sa bibig ko at anytime ay maduduwal na. Gods, nahihilo ako. Feeling ko, nakasakay ako sa isang rollercoaster ride na walang katapusan.

Inabot ko ang phone ko para tignan ang oras. Nagulat ako kasi 5:45PM na. Shucks, as in ilang oras na kaming bumbyahe ng walang tigil. Saan ba ang punta ng kotseng ito? Byaheng langit?

Pumikit nalang ako at pinilit na makatulog kaso naalala ko lang yung nangyari kanina sa simbahan kaya napapamulat nalang ako. Nightmares, leave me alone!

"Ay!" tili ko nang halos tumalon ang katawan ko marahil ay dumaan kami sa isang malubak na daan. Walang katapusan 'yung paulit-ulit na pagtatalon nung kotse kaya naman halos maalog na ang ulo ko. Mas lalo tuloy akong naduduwal.

Humawak ako sa sikmura ko, yung isang kamay naman ay nasa bibig ko. Kailangan ko 'tong pigilan. I don't want to be gross.

"Urgh..."

Namimilipit na ang mga paa ko dahil sa pagpipigil ko. Gusto ko na talagang maduwal kaso...

Wait. The car finally stopped. Nakiramdam muna ako ng ilang minuto kung gagalaw pa ba pero hindi na ito gumalaw. I counted for a minute and waited for it to move. Akala ko y hindi na aandar pero akala ko lang pala 'yon. I guess, I need to wait for another hours until this car stops. So, Scarlett, push yourself to sleep or else...



NAGISING ako sa malakas na pag-alog sa braso ko. Pakiramdam ko, dumaan na naman kami sa isang malubak na daan kaya hindi ko nalang iyon pinansin at nag-iba nalang ng pwesto nang...

"Sh1t."

In just a matter of second, napamulat ako ng mga mata. Nakaunan pa ako sa dalawa kong braso habang nakatagilid. May narinig akong boses. Boses ng lalaking nagagalit. Hindi ko alam kung naalimpungatan lang ba ako o sadyang nahuli na ba ako but I guess, the latter's into it.

"Hindi ka talaga gigising?" sabi pa nung boses tapos naramdaman ko nalang na may dalawang malalakas na bisig ang pumailalim sa katawan ko at ang sumunod nalang na nangyari ay umangat ako.

Inilabas ako sa trunk!

"AAHH!!!" I shrieked fearfully. Oh my God! Katapusan ko na ba? Kidnapper ba siya? Rapist? Killer? Mali ang napili kong kotse!! Sana man lang sa mas mabait na nilalang yung napasukan ko!

Nabigla ako nang ibagsak niya ako sa kalsada. Una pa yung butt ko sa sahig. Ang sakit! Buset na lalaking ito!

"What the heck?!" sigaw ko habang haplos-haplos ang butt ko. Malalim na ang gabi pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa sobrang liwanag ng ilaw na nakatapat sa kanya.

"Who are you? Why are you hiding in my car's trunk?" The thought dawned into me again. He caught me hiding inside his car's trunk for whoever's sake! "Magnanakaw ka, 'no?"

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now